CHAPTER 3

1612 Words
Nasa labas pa ako ng gate nasa loob pa rin ako ng aking sasakyan, nagdadalawang isip ako kung baba pa ba ako o babalik na lang ako sa bahay. Nagulat ako nang meron kumatok sa aking kotse. "Ma'am, pumasok na po kayo nagsimula na ang party. Meron ba kayong invitation card?" tanong ng guard. "Meron po sir. Kinuha ko ang invitation card at binigay ko sa kaniya. Inalalayan niya pa akong bumaba ng kotse. "Pumasok na po kayo ma'am." turan niya sa akin. Ngunit parang dinikit ang aking paa sa lupa, hindi ako makalad nanginginig ang aking laman sa sobrang kaba. Pero nilakasan ko ang aking loob at pumasok na ako. Nakatingin ang lahat sa akin, parang natutunaw na ako sa sobrang hiya. Pero nang makita ko si Darren ay hindi ko napigilang hindi maiyak. "Darren, bakit nagsisinungaling ka sa akin? Ang sabi mo ay walang party 'di ba? Kasi pupunta ng Amerika ang parents mo?" mahinahong kong tanong. Lumapit siya sa akin pero humarang ang kaniyang ina. "Sam-Samantha, paano ka nakapasok rito?" naguluhang tanong niya sa akin. "Hindi na mahalaga iyon Darren, sagutin mo ang tanong ko, bakit hindi ka nagsasabi ng totoo? Bakit kailangang magmukha akong tanga? At sino ang babaeng iyan? Bakit nakapulupot siya sa braso mo?"sunod-sunod kong tanong habang nakatitig sa kaniya. "Sino ka ba?! Bakit ang dami mong tanong? Gusto mong malaman kung sino ako? Ako si Monic, ang fiancee ni Dareen. Ikaw kaano-ano mo ba si Darren?" tanong ni Monic sa akin. Hindi ko siya pinapansin nakatitig lang ako kay Darren habang humagulgol. "Anak, classmate mo ba siya? Miss, ang ganda mong dilag umupo ka muna." saad sa akin ng daddy niya. "Anak, wait lang dagdagan natin ang upuan. Meron ka palang bisita, wala kang sinasabi sa amin ng daddy mo." nakangiting wika ng ina niya. Habang nagpipigil ng galit. "Mo-Mommy, I'm sorry po, nawala po kasi sa isip ko. Siya si Samantha ka-kaibigan ko sa campus." wika niya habang nakatingin sa akin. "Ganoon ba? Mabuti naman nakarating ka rito ija, sa mahalagang araw sa buhay ng anak ko, actually sa kanilang dalawa ng daughter in law ko." nakangising turan ng ina niya sa akin. "Actually,hindi ko po alam na meron ganitong celebration ma'am. Wala kasing nabanggit sa akin si Darren. Ang sabi po niya ay nasa America kayo. Nagsisungaling siya sa akin. Hindi kami classmate, magkasin-" "Magkaiba ang course namin mommy, doctor po kasi ang course niya." nakangiting wika ni Darren sa kaniyang ina. Parang sumabog na ako sa sobrang sakit. Magsasalita pa sana ako pero pinutol niya ang gusto kong sabihin. Parang balewala lang sa kaniya ang sakit na nararamdaman ko. Lumapit ako sa mommy niya dahil gusto kong malaman nila ang totoo. "Ma'am, sir, ang totoo po niyan ay hindi niya lang po ako kaibigan. Girlfriend niya po ako, at anim na taon na kaming magkarelasyon, nagmamahalan po kami since high school po, saka meron na rin kaming panong magpakasal kapag makagraduate na po ako, mas mauna kasi siyang maka-graduate eh. Doctor kasi ang course ko kaya matagalan pa, pero willing naman po siyang maghintay hanggang makatapos ako." seryosong turan ko, kahit nanginginig ang aking boses. Bumaling ang kaniyang ina kay Darren. "Darren, totoo ba?" tanong ng daddy niya tanong ng daddy niya. "Da-Dad, mom. Hindi po totoo, ang totoo po niyan ay misundestanding lang po. Ang akala niya ay boyfriend niya ako, kasi mabait ako sa kaniya wala po kasing gustong makipagkaibgan sa kaniya kasi wierd siya. Ako na lang ang nagtiyagang kausapin siya, pero hindi po totoong meron kaming relasyon." seryosong turan ni Darren sa kaniyang ina. Para akong nasabugan ng bomba, hindi ako makapaniwalang itatanggi ako ni Darren. Sa anim na taong puro pagmamahal, at pang-uunawa ko sa kaniya ay ganito ang ganti niya sa akin. Hiyang-hiya ako at parang gusto ko na lang mamatay sa harapan nilang lahat. "Ija, umupo ka muna. Mabait kami sa mga kaibigan ng anak namin. Ngayon kasi ang engagement party nila, sinabay namin sa birthday ni Darren." nakangiting wika ng ina ni Darren sa akin. Marahang hinawakan niya ako sa braso at dinala sa 'di kalayuan ng mga bisita. "Miss, sana lng huwag kang gumawa ng eksina. Billion ang mawala sa amin kapag masisira ang party na 'to! Sa oras na mag-iskandalo ka rito, ay hindi ako magdalawang isip na ipapatay kita! Kasama ang mga mahal mo sa buhay! Lumayas ka na sa buhay ng anak ko! Hindi ka ba nahihiyang magpakita sa amin?" singhal niya sa akin. "Pero, anim na taon na kaming nagmamahalan ng anak niyo. Alam kong mahal na mahal po ako ni Darren." sagot ko. "Mahal? Nagpatawa ka ba? Hindi ka nga niya pinakilala sa amin eh! Hindi na mahalaga kung gaano pa kayo katagal. Meron kabang 20 billion? Kung meron ka niyan saka ka na magmamalaki sa anim na taong relasyon ninyo ng anak ko! Ayokong ma-stress dahil maraming bisita, kung ako sa 'yo ay lumayas ka na! Hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin. Kayang-kaya kitang tanggalin sa eskuwelahan, kaya kitang sirain at ipakulong! Kaya kung ayaw mong sirain ko ang buhay mo, ay masmabuting lumayas ka na rito! Hindi ka welcome sa pamilya namin! Saka engagement party ng anak ko! Maliwanag ba sa iyo?!" bulyaw sa akin ng ina ni Darren. Nagmadali na akong lumabas ng gate at sumakay sa aking kotse. Pinaharurot ko nang takbo, hindi ko namalayang meron malaking truck ang aking nasalubong at bumangga ang aking kotse. Hindi ko na alam kung ano ang susunod na nangyayari dahil nawalan na ako ng malay. Nagising akong merong bindahi ang aking mukha, tumalsik siguro ang mga bubog sa aking mukha. Nakita kong nakatulog si mommy habang nakasandal ang mukha niya sa kama, hawak-hawak pa niya ang aking kamay. Marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok. "Mommy." tawag ko sa kaniya. "Anak, salamat naman at gising ka na. limang araw ka nang natutulog anak." nagulat ako sa sinasabi ni mommy, hindi ako makapaniwalang limang araw na akong natutulog. "Tawagin ko lang ang doctor mo anak, huwag kang kumilos dahil hindi pa magaling ang iyong binte." Wika ni mommy, nakita kong namamaga ang mga mata niya, nasasaktan siyang nakikita akong nahihirapan. Nakita kong meron pumasok sa kuwarto ko, lumapit sa akin at inabot ang boquet ng bulaklak at chocolate. "Samantha, kumusta ka na ija? Siya nga pala, pinabigay ni Darren, bulaklak at chocolate. Ang sabi niya ay magpagaling ka raw. At humihingi siya ng kapatawaran sa kasalanan niya sa 'yo. Ako nga pala si Christopher, daddy ni Darren. I'm sorry ija, alam kong nasasaktan. Wala siyang kasalanan naiipit lang siya sa situwasyon, nasa America na siya at doon gaganapin ang kanilang kasal ni Monic." seryosong turan sa akin ng ama niya. Sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha, ni walang salitang lumabas sa aking bibig. Nanatiling nakatitig lang ako sa ama ni Darren. Pakiramdam ko ay paulit-ulit nila akong pinapatay. Sobrang sakit at parang gusto ko nang mamatay. Hinablot ko ang aking dixtros at nagtangkang bumangon pero nagulat ako nang 'di ko maigalaw ang aking binti. "Mommy, anong nangyayari? Bakit hindi ko maigalaw ang aking binti! Mommy! Mommy!" sigaw ko pero wala si mommy. Lumapit sa akin si Cristopher at hinawakan niya ako. "Ija huwag ka munang kumilos baka mapaano ka. Wait lang tawagin ko ang doctor mo." "Huwag mo akong hawakan! Mga hayop kayong lahat!" sigaw ko. Mabuti na lang dumating sina mommy at daddy. "Daddy, anong nangyayari sa binte ko? Bakit hindi ko maigalaw?" "Anak, I'm sorry. Pero nabali ang binti mo. Pero naka-stailess na iyan, alam kong makakalakad ka rin pagdating ng araw." umiiyak na turan ni daddy sa akin habang yakap-yakap niya ako. Umiiyak na rin si mommy habang yakap-yakap niya si daddy. Hinaplos niya ang buhok ko at paulit-ulit silang humihingi ng sorry sa akin. "Mommy, wala po kayong kasalanan ni daddy. Kasalanan ko ang lahat dahil nagmahal ako ng lalaking tulad ni Darren ni walang pakiramdam at walang puso." wika ko habang humagulgol ng iyak. "Sir, ma'am. I'm sorry sa nangyayari sa anak ninyo. Bayad na ang ospital. At ito ang chiki 2 millon pesos para sa gamot ni Samantha. Kung meron pa kayong kailangan, mag-iwan ako ng calling card at huwag kayong magdalawang isip na tawagan ako." wika niya, mas lalo akong nasasaktan dahil mukhang pera ang tingin niya sa amin. "Anak, tanggapin ba natin ang pera?" tanong ni daddy. "Hindi namin kailangan ang pera mo! Lumayas ka na rito! Hindi maibsan ng kayamanan mo ang sakit na nararamdaman ko! Para na rin ninyo akong pinatay! Mga hayop kayo! Wala tayong tanggapin kahit na peso mula sa pamilya nila dad! Sila ang dahilan kung bakit nangyayari sa akin 'to ngayon. Mas mahalaga pa sa kanila ang pera kesa pag-ibig. At ikaw Cristopher, umalis ka na rito! Sana lang magkaroon ka ng hiyang magpakita pa sa akin muli! Dalhin mo ang pera mo baka mabawasan pa ang kayamanan ninyo dahil sa akin!" "Samantha, I'm sorry. Pero sana huwag mong masamain ang pagtulong ko sa 'yo. Ang anak kong si Darren ang dahilan kung bakit nadusgrasya ka, kaya obligasyon kong linisin ang gusot niya sa pamilya mo. Mabuti akong tao Sana lang huwag mo akong bawalang tulungan ka." turan niya sa akin. Bigla akong natulala habang nakatitig sa kanya. Kahit nasa 50's na siya ay ang guwapo niya magkamukha sila ni Darren pareho silang may malalim na dimple sa mukha. Nakita kong seryoso siyang tumulong sa akin. Kaya hinayaan ko na lang siya upang hindi mawala ang koneksiyon ko kay Darren. "Humanda ka Darren, hindi ko matanggap ang ginawa mo sa akin. Humanda ka sa ganti ko. Sa inyong dalawa nang matapobre mong ina!" sabi ng utak ko habang nakatitig kay Cristopher.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD