Kabanata 17

1656 Words

Tyler Vasquez Gumaan ang aking pakiramdam dahil sa pinag-usapan namin ni Cobie. Ang kanyang suporta ay mahalaga sa akin lalo na’t nililigawan kong muli ang kanyang kapatid. Alam ko na masakit ang naidulot ng desisyon ko noon sa kanilang pamilya. Malaking parte ng buhay nila ang naapektuhan dahil sa maling desisyon na iyon. ‘Hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Hindi ko na maitatama ang maling desisyon na iyon, pero isa lang ang isang pinapangako ko. Hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataon, tiwala at kapatawaran na ibinigay ni Cobie. Na sana makuha ko rin sa buong pamilya nila.’ Ilang araw na akong frustrated dahil sa sobrang dami ng aking trabaho. Meetings, paperworks at may ilang pinapagawa pa si Daddy na kailangan kong gawin. Nawalan ako ng panahon na puntahan si Deserie pero walan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD