BANGS Hindi ko alam kung anong kamalasan ang mayroon kami pero ang sabi ni Lola dati ay huwag daw akong magfocus sa mga hindi magandang nangyayari. Bagkus ay bigyan ng pansin ang mga maliliit na bagay na magaganda. Totoo naman ang sinabi n'ya. Pero kapag sunod-sunod ang mga nangyayaring trahedya sa pamilya ko ay gusto ko ng isipin na ang malas ko talaga. Katulad ngayon, walang tricycle! Okay lang sana akong maglakad hanggang bukana kung wala akong bitbit pero may dala pa akong unan at ang lalayo ng poste sa isa't isa kaya may mga parte na medyo madilim. Tiniis ko ang pagod hanggang makarating ako sa pila ng tricycle at nagpahatid sa hospital. Nakita ko si Delfin na kumakain ng Chippy habang naglalaro sa cellphone n'ya. "Delfin, kumusta si Nanay?" tanong ko sa kanya. Naupo ako sa tabi n