BANGS "Anong gusto mo d'yan 'Nay?" tanong ko sa kanya. Pangatlo kami sa pila at tinitingnan namin ang menu sa harap. "Iyong mura na lang," sabi n'ya sa akin. "Lahat 'yan Nanay ay mura at masarap. Gusto mo ba ng manok, burger, spaghetti, palabok or 'yong burger steak na may gravy at mushroom? May kanin rin 'yon," sabi ko sa kanya. Sa dami yata ng pagpipilian ay hindi na alam ni Nanay kung alin ang oorderin. "Parang masarap 'yong chicken joy pero parang gusto ko rin 'yong palabok." "Sige po. Oorderin ko pareho tapos burger steak sa akin. Pagsaluhan natin 'yang tatlo at magpataba tayong dalawa," natatawang sabi ko sa kanya. "Baka maubos ang ipon mo n'yan ay --" "Ako na ang bahala, Nanay. Deserve din natin na kumain ng masarap paminsan-minsan. Kaunti lang po pati ito," nakangiting s