CHAPTER 2

1089 Words
"Papa A-Ano po K-Kasing nangyari?" Umiiyak kung tanong sa Papa ko. "May P-Pumasok daw na iilang armado sa G-Grocery store natin anak pinalabas nila lahat ng customer S-Sinubukan nilang kunin ang pera sa mama mo ngunit hi-hindi ibinigay ng mama mo nak. I'm sorry nahuli ako ng dating hindi ko naprotektahan ang mama mo…." Umiiyak na saad ni papa kaya mas lalo akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Magiging okay si Mama, Papa wag kang mag-alala kasama natin ang diyos may-awa siya. Papa maliligtas si Mama." Ilang minuto lang ay dumating ang dalawa kong kapatid na sina Gerald at lory Jane. "Ate kumusta si Mama?" tanong ng kapatid kong si Gerald 17 years old na siya siya at nasa grade-10 na. Habang ako naman ay 22 years old 3rd year college student ako dahil nga naabutan ako ng programang k-12 ng Government. Ang nakababata naman naming kapatid na si Lory ay 15 year old at kasalukuyan siyang grade 8 sa ngayon. "Hindi namin alam Ilang oras na hindi pa din lumalabas ang doctor," saad ng Papa. Hindi na kumibo pa si Gerald at umupo na lang siya sa tabi ni Javvy habang si Lory naman ay sa tabi ni Papa. Ilang minuto lang ay may lumbas na doctor kaya agad kaming napatayo. "Kumusta ang asawa ko doc?" hindi kaagad nakasagot ang doctor sa tanong ni papa kaya ako ang nagtanong ulit. "Ok na po ba ang operation?" "I'm sorry to tell you hindi niya nakayanan ang operation malala ang tama ng bala sa leeg niya. Masyadong fatal kapag sa leeg matamaan dahil maraming important veins and arteries kaya sobrang delikado at yun ang nangyari sa kanya. I'm so sorry for your lost. Please excuse me." Agad akong nanghina sa aking narinig para akong nalantang gulay dahil nawalan ako ng balance mabuti na lang at inalalayan ako ng aking nobyo. "H-Hindi pwde to. Kung N-Nandoon L-Lang sana ako hindi ito mangyayari. K-Kasalanan ko to," sinisisi ni Papa ang sarili niya dahil sa nangayari kai Mama. "Babe kumain ka muna kahit kaunti lang naman baka magkasakit ka niyan." Tatlong araw na simula ng mamatay si Mama nandito kami ngayon sa bahay. Nasa harap ako ng kabaong ni Mama hindi ko lubos maisip na kukunin sa amin si Mama ng ganun-ganun na lang. Sobra akong nagalit sa mga gumawa nito kai Mama mga wala silang awa sana ay mabulok sila sa kulungan nahuli na rin kasi sila. "Babe, sge na please. Kumain ka na hindi magiging masaya si tita niyan hindi ka nga kumain kahit kaunti kahapon," "Okay. Kakain na ako," walang gana kong sabi sa kanya. Natuwa naman siya at iginaya niya ako sa dining namin dito sa bahay. Pinaupo niya ako sa upuan at nilagyan niya ng ulam at kanin ang aking pinggan na hinanda niya. Nagsimula akong kumain ngunit may tumulong luha sa mga mata ko na-aalala ko si Mama siya ang laging naghahanda ng pagkain sa amin kahit busy siya. Naramdaman ko na pinunasan ni Javvy ang mga luha ko. "Masyado bang masarap ang pagkain kaya ka naiyak? nako babe kumain ka pa para bumaboy ka pa,” bigla akong natawa sa sinabi niya nagpa-pasalamat pa rin ako dahil nandito siya para damayan ako sa oras ng kalungkutan ko. Dito na nga siya natutulog nagdala siya ng ilang damit. Sinabi ko naman sa kanya na ok lang ako pero nag insist siya na dito muna siya mag-stay hanggat hindi pa nalilibig si mama. Alam na rin ng parents niya ang nagyari kaya pumayag sila na dito muna si Javvy dahil hindi din naman kasi sila makakapunta dahil may biglaan silang business trip sa canada. "Thank you.” Ningitian niya lang ako at sinubuan. Kinuha ko naman agad sa kanya ang kutsara at sinubuan ko ang sarili ko. Nakakahiya naman kapag siya pa ang sumubo nuh ang laki ko na kaya ko na ang sarili ko. "Condolence, Lucille." Umupo sa tabi ko si cherry ngayon lang kasi siya nakapunta dito dahil nga malayo-layo ang bahay nila dito sa amin. Ngayon lang din siya pinayagan ng daddy niya dahil huling lamay na ngayong gabi bukas na ililibing si mama. "Salamat pala sa pagpunta dito cherry ha," saad ko sa kanya. "Ano ka ba, best friend kita wala yon basta lagi mong tatandaan I will always be here whenever you need me." Tumanggo na lang ako bilang tugon sa kanya. "Mag-kape muna kayo iha" sabi ng tita ko kapatid siya ni Mama nadito din kasi sila lahat. Tatlong araw na din sila dito. "Thank you sa offer niyo po but I don't Drink coffee po kasi," saad ni cherry kasi gatas lang ang iniinom niyan noong nag-over night kami sa bahay nila gatas ang halos nandoon sa ref nila. "Nako, Tita ako na lang po ang bigyan mo niyan I love coffe gusto mo po tulungan ko kayo?" pagma-malaking saad ni Javvy. "Eyss, plus points ka sa akin ha. Vote na ako sayo para sa pamangkin ko. Oh, ito coffee mo tsaka thank you na lang sa tulong pero kaya ko na to." Kinabukasan maagang dinala si Mama sa simbahan pagkatapos dinala dito sa sementeryo. Napuno ng iyakan ngayon may kapatid nga si Mama na nahimatay kanina dahil sa kakaiyak. Kanina pa natapos ang paglibing kay Mama iilan na lang ang nagpaiwan dito umuwi na din kasi ang ibang tao pagkatapos ng libing. "Lu, una nko ha?" paalam ng kaibigan kong si cherry. "Salamat sa pagdalo cher." "You're welcome nga pala wag kang mag-alala sa activity na ibinigay sa atin last day sinimulan ko na," matalino din kasi itong si Cherry. "Salamat. Tutulong ako sa pagtapos non ha," "Sge," tugon niya saka umalis. Napansin namin na wala ng masyadong tao dito sa sementeryo kaya pinuntahan ko si Papa "Pa, tara na aalis na tayo." "Kawawa ang mama mo nak hindi K-Ka man lang niya makikitang makapagtapos ng college " "Wag kang mag-alala Papa, alam kung nandiyan lang si Mama nakabantay sa atin kaya tara na po.” Tumayo si Papa inalalayan namin siya namin na Javvy nauna na ding sumakay ang dalawa kung kapatid sa luma naming kotse. Akmang papasok si papa sa drivers seat ng pinigilan siya ng nobyo ko. "Tito, ako na po ang magmaneho," marunong din namn kasi siyang mag drive ngunit nga lang mas gusto ng parents niya na ipahatid lang siya pag pupunta siya sa university "Sure ka Jav?” "Opo tito.” Sumakay na lang kami sa sasakyan at nang makarating kami sa bahay umuwi ka agad ang nobyo ko. Pinasundo siya dito dahil may ipapa-asikaso sa kanya ang parents niya tungkol negosyo nila. Pinagmasdan ko ng mabuti ang bahay sobrang tahimik na nito dati kasi noong buhay pa si Mama ang ingay non lalo na kapag pinapagalitan kami kapag hindi namin inayos ang mga gamit namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD