Chapter 3

1062 Words
Tatlong buwan na ang nakalipas ng namatay si Mama. Biglang nagbago si Papa lagi siyang umuwi na lasing. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya napabayaan na rin niya ata ang Grocery store namin. May narinig akong ingay kaya agad akong napatigil sa pagsusulat. Pumunta ako sa sala at nadatnan kung nakahiga si Papa sa sahig. "Papa lasing ka na naman." Ala-syete na ng gabi nang nakauwi siya. "Ano ba yung ingay na yun ate? Hala! Papa. Tumakbo papalapit sa amin ang kapatid kung si Gerald inalalayan namin si Papa papunta sa kwarto nila Mama. Nilibot ko ang paningin ko halos walang pinagbago ganun pa din ang ayos. "Ate, ako na po ang bahala kay Papa," "Sure ka?" "Oo tapusin mo na ang ginagawa mo." Agad naman akong lumabas nakalimutan ko rin pala na isarado ang pintuan kaya ni lock ko iyon bumalik ako sa sinulat ko . Luis morgan Pov(Papa ni lucielle) Bumangon ako sa kama. Naglasing kasi ako kahapon sobrang sakit ng ulo ko. Tiningnam ko muna ang litrato ng aking asawa na nakapatong sa drawer. "I miss you gecielle sana nandito ka pa." Dumiritso ako sa kusina alas-dyes na ng umaga kaya nasa skwelahan na ang mga anak ko. Nadatnan kong may niluto na ulam at kanin. Kumain muna ako at naligo. Napag-isipan kong pumunta sa grocery store upang magtrabaho muna buong araw inaliw ko ang sarili ko sa pagbebenta. Marami-rami rin ang mga bumibili. Sumapit ang alas-singko ng hapon bigla na lang sumulpot ang kaibigan kong si Noli. "Pare, mukhang busy ka ha," "Ok pare, para naman maibsan ang aking kalungkutan kahit kaunti," saad ko sa kanya at nilagay sa gilid ang walis. "Alam mo ba, nanalo ako kahapon sa casino," pagmamalaki niya sa akin pumupunta kasi kami sa casino minsan manonood minsan naman tumataya. "Aba! ang swerte mu naman magkano ang pera na pinanalo mo?" Lumapit siya sa akin at bumulong "Kalahating milyon pare," "Ano? Kalahating milyon?" "Oo,gusto mu bang sumama? Pupunta ako ngayon sayang hindi ka sumama kahapon nakipag-inoman ka lang pala kina pareng Julius. " Nag-isip muna ako. Baka naman lapitan ako ng swerte kaya pumayag na lang ako. "Sge sasama na ako." Nagdala ako ng pera nainganyo ako sa kanya dahil malaking halaga rin ang napanalo niya. "Tama na yan pare. Tama na ang 1 million na napanalo mo, baka matalo ka pa bigatin ang kaharap mo," bulong sa akin ng kaibigan ko pero hindi ko siya pinakinggan. Dalawang oras na din ang tinagal namin dito. "Last na pare. Sure ako ang mananalo," sambit ko sa kanya. "Pare, ano ka ba! usap-usapan na delikado yang kaharap natin mayaman daw iyan at may illegal na negosyo baka matalo ka niyan. Kulang lang ang isang milyon mo." Hindi ordinary na casino ang pinuntahan namin ito ay patago at may maraming bigatin at mayayamang tao ang nandito dahil malaya silang magagawa ang gusto nila. Kalaban namin ang isang mayaman na lalaki hindi nakikita ang mukha niya dahil nga sa naka-sumbrero ito "Let's see who is the winner." Sabay namin na inilapag ang baraha. Taimtim akong napamura dahil sa natalo ako ubos ang isang milyom na napanalo ko. "Mr. Chase won," anunsyo ng lalaki. Para akong binuhusan ng mainit na tubig sa narinig ko. Napangisi sa amin ang assistant ata ng Mr.Chase na iyon hindi ko naman makita ang reaction ng mr.chase sa sinasabi nila. "Akin na ang 1 million, at tsaka mamaya pag-uusapan natin kung kailan mo ibibigay ang natitirang 5 million" nagulat kami sa sinabi ng assistant. "Teka anong 5 million? " "Hindi niyo alam ang policy ng laro? 1 million ang taya mo at sa boss ko 5 million. Dahil natalo ka ang 1 million ay ibibigay mo sa kanya plus ang katumbas ng perang itinaya niya ay ibibigay mo. 5 million ang taya ni boss yun din ang ibibigay mo dahil natalo ka. Mga bagong salta walang kaalam-alam." Umiiling niyang paliwanag sa amin "Excuse me boss nanalo kasi ako kahapon wala naman ganyan na policy," pangatwiran ng kaibigan ko. "Ohhh, dahil nga monday kahapon every Thuesday at Friday ganyan ang policy." "Anong klasing casino ito?" "Please, calm down Mr.Morgan sumunod na lang kayo sa amin." Sumunod kami sa kanila pumasok sila sa office. Medyo walang kabuhay-buhay ang office na to. Umupo si Mr.chase sa swivel chair saka inikot patalikod sa amin. Kanina pa ako nag tataka pangit seguro to bakit ayaw niyang ipakita ang mukha niya. "Luis Morgan did you know who's the owner of this casino?" bigla niyang tanong sa akin. "Hindi, at wala akong balak na alamin kung sinong pesteng nagmamay-ari ng casino na ito. Iba-iba ang policy!" "Peste? Are you referring to me?" "Nako, hindi po sa owner po." Natahimik bigla ang mga tauhan niya may iilan na parang sinasabihan ako na magdasal ako. "I am the owner of this pesteng casino Mr.Morgan," mahinahon niyang saad pero nakakatakot pakinggan. Hindi agad ako nakapagsalita “ha? sorry po talaga Sir pasinsya na po…" "Stop! I want you to give me the money next week,”usal niya sa akin. "Wala po akong ganon kalaking pera." "Ohh, that's not my problem. Ipapa-background check na lang kita you can pay me kahit ano kahit mansion, farm or even your business. Just give your contact number to my assistant tatawagan lang kita." Lumabas kami sa casino pagkatapos naming mag-usapni Mr. Chase. Nakakapanghina naman tanging Grocery store lang ang meron ako. "Tang-ina pare! parang baliw lang yung Mr. Chase na yun. Nakakatakot siya kung magsalita. Malaking problema saan ka kukuha ng 5 million alam mo, duda ako sa unang kalaban mo kanina bago yung Chase na yun. Mukhang sinadya talaga niyang magpatalo at ibinigay na lang sa iyo ying 1 million dahil alam niya na ang makakalaban ng mananalo ay si Mr. Chase. Wow ha, ang talino, " mangha pa niyang sabi. "Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Ibibigay ko na lang sa kanya ang Grocery store. Bweset talaga! nasa kamay ko na sana ang pera nagaging hangin pa. Wala pinahawak Lang ako ng isang milyon tapos isang pikit ko lang binawi agad.” "Tara na iinom na lang natin yan baka naman sapat na ang Grocery store mo na ipang bayad." Lucielle Morgan POV Nasa kwarto ako ngayon ne review ko ang answer ko sa assignment namin "Bweset na buhay to!" “Pa! Ano ba naman to. Lasing ka na naman?” saad ko sa kanya. “H-Halata naman diba? Hahaha!” Nadatnan ko si papa na nagbabasag ng gamit. “Papa, Ano ba ang nagyayari sayo ha?” saad ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan. Pinigilan siya ng kapatid ko at dinala niya sa kwarto. Napapansin ko napapadalas na si Papa sa paglalasing napapabayaan niya na ata ang Grocery store.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD