Vivian
What the hell!!!
Kinabahan man pero kailangan kong umisip ng idadahilan,Kakabati lang namin magaaway na naman kami.My God,"Bakit ba kasi ang tanga mo?Inis na inis ako sa sarili ko bakit ba hindi ko nakita to kanina.
Sabagay dumiretso agad ako sa kwarto niya at naisipan maligo pagkatapos nun iniwan ko sila.Kaya Hindi ko na nakita ang sarili ko sa salamin..Isip isip Vivian,Piping usal ko..
Bakit may hickeys ka?
Ha? Hickeys?madami ba kaya hickeys?
Oo,Madami!Hindi mo ba nakita sarili mo sa salamin Vivian?
Paano ko makikita?Eh, Dumiretso agad ako sa banyo..
So,"Hindi ka natulog dito?Yan ba dapat paguusap nyu ni Gino kanina?Ha!Na naginuman kayo,At magkasama kayo magdamag!Tama ba Vivian?Akala mo ba hindi ko alam?Ang damit mo,Ang amoy mo na amoy alak kapa!
Vivian isang linggo palang akong nawala!Ganyan na agad ang nangyari sayo?
Hindi mo alam,Sa Isang linggo nayon halos mabaliw na ako dito,Lagi kitang inabangan na baka uuwi ka at matutulog dito!Ilang beses kong pinalangin na sana panaginip lang ang lahat na si mama ang pinili mo at hindi ako!
Masakit lander,Dahil wala namang tayo,Si mama naman talaga ang totoo mong karelasyon,Ano lang ba ako sa buhay mo?Pangalawa lang parausan,Kaya nagawa kong uminom at nagpakalasin-LANDER.
Kaya may nangyari sa inyo?
Umiwas ako ng tingin,dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.Sabi ko na gagawa ako ng dahilan pero wala akong maisip.
Tumayo ka jan!May pasok kapa!
Lander please.. Magusap naman tayo,"
Wala na dapat tayong paguusap Vivian,Maligo kana at mag bihis papasok kapa!
Lander,Wala lang yong nangyari sa amin, Lasing ako wala akong naalala,Ang huling naalala ko Ikaw yong nandon at nagbayad ng bill ko, Kaya kampante ako hinayaan ko ng sarili kong makatulog dahil alam kong ligtas ako.
A-anong ibig mong sabihin?
Sure ako Lander,Ikaw talaga yon kagabi bago ako nahimatay,tsaka limang tequila lang nainum ko.Bakit ganun ang tama sa akin,Nakatulog agad ako..
Hindi maari..Ibig sabihin nak-Fvck!Damn! Damn!
Mahinang bulong niya pero rinig ko.Lander ayos kalang? Lander...
Panay mura niya at parang hindi ako naririnig..
Vivian Kahit anong mangyayari huwag na huwag kanang uminom, maliwanag?!
Huh! O-oo.. Kahit hindi ko maintindihan kong bakit bigla siyang nagkaganyan umoo nalang ako..
Basta dadalawin kita palagi, please.wag na wag kang magpapasok ng kahit na sino, siguradohin mong nakalock lahat ng pinto mo!
Oo..Anong nangyayari sayo? Okay naba tayo?
Pero imbes na sagutin ang tanong ko,Iba ang sinagot niya..
Maligo kana at magbihis ihahatid kita..
Okay..
Wala pang trenta minutos natapos agad ako at ayaw kong mag antay siyang matagal..
Pagbaba ko hindi ako namalayan ni lander dahil malalim ang iniisip niya,Gaya kanina na umalis ako't naligo ganyan na siya...
Lander..
lander, Ulit ko dahil hindi ako narinig..
Huh?
Tara na kako..
Okay..
Nauna na siya,at sumunod ako sa kanya kaya ako na nagsara ng pinto namin..
pagpasok ko sa sasakyan niya, tahimik lang siya..
Lander may problema kaba?
I'm sorry vivian.
Huh?iba na naman sagot niya imbes sagutin ang tanong ko.
I'm sorry kasi nadadamay ka..
Ano ba kasi yon?
W-Wala..
Pagdating namin sa university,Ay umalis agad siya,May gumagabag kay lander pagkatapos kong sabihin na siya talaga ang nakita ko kagabi,Bago nawalan ng malay tao.Totoo naman kasi, Siya talaga yon dahil hindi ako ganoon ka kampante kong hindi siya yon,Kaya ko pa naman ang Sarili ko kagabi eh.Ang hindi kolang maintindihan kong bakit wala akong maalala na may nangyari sa amin ni gino.
Vivian..
Peste!Si gino na naman.Bakit ba gino?
Magusap tayo..
Na naman? Kalimutan muna sabi eh..
Hindi pwedi..May nangyari sa atin kaya kailangan natin mag usap..
",Letse ka Gino!
",Hinaan mo yang boses mo,Baka nakakalimutan mo nasa university tayo."
",Alam ko naman yon eh,Ang tigas mo kasi sabi ng maguusap tayo tungkol sa nangyari sa atin kagabi."
Bakit ba ang kulit mo?Sabi ng kalimutan muna yon,Alin ba ang mahirap intindihin?
God Vivian, Alin ang ang mahirap intindihin dun?May nangyari nga sa atin posibleng mabu-
May mabuo?Yan ang inalala mo?!Pwes,Ikampante mo yang b*yag mo,Dahil walang mabubuo dahil naka pills ako,"Kaya safe ako kagabi,Ano okay na? Tatantanan muna ako?Kulit...
Ha?Kong ganun handa kana kagabi? kong sakali mang hindi ako ang kasama mo, Hindi kapa rin mababahala kasi naka pills ka?Ganon ba? Paano naman kong may sakit ang lalaking kasiping mo kagabi?Hindi kapa rin ba mababahala?Alam mo bang napaka careless mo Vivian!?
Nanlaki ang mata ko at kinabahan sa sinasabi niya,"Totoo naman,Hindi lang talaga pumasok sa kukuti kong pweding mahawaan ako ng sakit kong sakaling ibang lalaki ang kasiping ko kagabi.Pero ayaw ko ng isipin yon,Ipagpasa diyos ko nalang ang lahat..
Vivian!!!!
Marina!!!
Oy, Halikana..Si gi-Halikana marina,"
Vivian!!!
Gino may klase pa kami bye!
Oy,Ano yon?
Tuluyan na akong nakalayo kay Gino, Salamat sayo marina..
Ano nga yon,Kayo naba?Wala naba si prof sa buhay mo! Ayeeeeehhh...
Pwedi ba marina...
Ay,Anjan parin ba?Kala ko naman,Ano na nga?Anong drama nung gino na yon,Mukang inlove na inlove na yon sayo?
Hay,....
Oy,Ang haba nun,Malaki ba?
Ha?Alin malaki?Hindi ko nakita oy,Tulog nga ako diba sa kalasingan....
Hala!May nangyari sa inyu ni gino?At lasing ka kamo?Yon ba yong naabutan ko kanina?Kinukulit ka?
Sh*t!Wala akong balak sabihin kay marina to ,Pero mukang wala na akong kawala dahil nadulas na ako ..
Hoy!Anu na!
Oo na,!
OMG!May nangyari nga?
Hindi ko alam,Wala akong matandaan dahil tulog ako nagising nalang ako katabi ko na si Gino,Pero promise bago ako nakatulog alam kong si LANDER ang nakita ko.Kaya kampante ako,kAya lang paggising ko hindi siya,Si Gino pala.
Paano nangyari yon?Lasing na lasing kaba?Para ma hallucinate ka?
Hindi ko alam,Basta tanda ko lang sunod sunod ang inum ko pero limang tequila lang tanda ko,Tapos nun pinaalis na ako ng bar tender kasi nga lasing na raw ako,Nong nakita ko na ang bill ko umabot nang five thousand plus,Eh ang pera ko one thousand lang,Yon dumating si LANDER, Sigurado ako yon yong naabutan kong iksena bago ako nawalan ng malay.Sigurado akong si LANDER talaga..
So, Paano mo mapaliwanag yan?Na si Gino naman pala,Hala ka girl kong may nangyari sa inyu, Posibleng mabuntis ka niya?Paano kana niyan?
Hindi ko alam marina, Mababaliw narin ako eh,Ang kulit ni gino kailangan daw namin magusap sa nangyari, Eh hindi ko siya gusto .
Paano yan,Siya gustong gusto ka niya?
Pakamatay nalang ako,Para matapos na..!
Ano!
©M.A Stories