Vivian
LANDER..
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng nakita ko si lander sa ganitong eksena pa talaga kami natagpuan,Nakayakap si Gino sa akin,dali dali naman akong bumitaw kay gino at pinakalma ang aking sarili..
Anong nangyayari Vivian?
Tanong ni lander sa akin, W-Wala..Ah,Napadaan lang si Gino dito,Diba gino uuwi kana rin?
Ha?Bakit ako uuwi?Hindi pa tayo tapos magusap Vivian..
May naguusap ba na nagyayakapan?
Pakialam mo ba?Bakit ka nandito!?Dapat nandun ka sa mag ina mo!Ako ng bahala kay Vivian dito!
Huh?At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan!?
Ako lang naman ang kasama ni vivian kagabi habang nagiinum siya at nagpakalasin-
Tama na! Umalis kana gino!
Ako pa talaga Vivian?
Oo!
Hindi! Kailangan pa natin pagusapan ang nangyari kagabi!
Bakit anong nangyari kagabi vivian?!!
Wala!
Pwedi ba umalis kana Gino!Wala tayong dapat pagusapan, Umalis kana!
Hindi pwedi! kailangan natin pag usapan yon,Dahil kong lulubo yan-
Gino!!!!Ano ba!
Palipat lipat ng tingin si lander sa amin, Nagtatanong ang mata niya ng nagtama ang paningin namin..
Vivian alam mo namang posib-
Ano ba Gino,Bakit ang hirap mong makaintindi,Wala dapat tayong pag usapan,Alis na!!!
No!Lumapit si gino sa akin at bigla nalang akong niyapos,Pero hindi nagtagal yon dahil bigla nalang siyang nawala sa pagkakayapos sa akin at natagpuan ko nalang siyang nakahandusay sa sahig,"
Napatili pa ako ng sunod sunod na siyang sinuntok ni lander,Nakabangon si gino at siya na naman ang pumaibabaw kay lander at Pinagsusuntok ito.
Gago ka!Sinabi ng umalis kana!
Ikaw ang dapat umalis!Bantayan mo yong mag ina mo hayop ka!
Lander!
Gino!
Tama na!Jus ko, Hindi ko alam ang gagawin ko at paano sila aawatin,Dumugo na yong labi ni lander sa suntok ni gino,Ganun din si gino na ngayon ay nasa sahig na naman nakahiga at si lander na ang nasa ibabaw nito!
Tama na ano ba!!!!Ahhh!
Napatili nalang ako ng natumba si gino sa kinatatayuan ko,"
Ayos kalang Vivian!?
Ano ba kasi,Tama na! Huhuhu..
Fvck! Sorry,Wag kanang umiyak!
Umalis kana kasi!
Damn it! Vivian!
Bahala kayo jan!Patakbo akong umalis papunta sa kwarto ko bahala sila magpatayan doon, Sinarado ko agad ang kwarto ko at nilock!Para walang sino man makapasok sa kanila, Dumiretso ako sa banyo ng makaligo na.Dahil nanglalagkit na ako..
Habang naliligo hindi ko maiwasang maisip ang nangyari sa amin ni gino,Napahikbi ako dahil nandidiri ako sa sarili ko .Lagi ko nilalait si mama noon na kong sino sinong lalaki nalang nakikipagrelasyon, pinapangako kong hindi ako gagaya sa kanya.Kong may mamahalin man ako Sisiguraduhin kong siya lang ang nagiisang lalaki ko hanggang pag tanda ko.
Pinapangako ko pa noon na siya lang ang lalaking makakagalaw sa akin.Pero tingnan mo ngayon nangyayari sa akin,Gumaya din pala ako sa nanay kong malandi.Nakipag siping ako sa taong hindi ko mahal.Sana hindi nalang ako umalis kagabi,Kasalan ko to e.Sana natulog nalang ako,Hindi siguro nangyayari yon sa amin ni gino.
Walang ibang sisihin kundi ako lang,Nagpadala ako sa galit ko,Kaya nakapagdesisyon akong uminon ng uminon.Hanggang sa nalasing..Napakadumi ko na.!!!
Umiiyak ako habang kinukoskos ng husto ang katawan ko,Baka sakaling mawala ang dumi, Namumula na ang katawan ko kakakoskos ko.Nagulat ako ng biglang may Yumapos sa akin,Sa pagka taranta ko naitulak ko siya kaya Nadulas ako babagsak na sana ako ng nahawakan ako ni lander.
Napahagolgol Ako habang karga ako ni lander ngayon,Bakit hindi ko namalayan nakapasok na pala siya,Kong hindi niya agad ako nahawakan baka nabagok na ang ulo ko sa tile's ng banyo dito.
Vivian ano bang nangyayari ha? Sabihin mo makikinig ako?
Umiling iling ako,Ayaw ko siyang makausap,Pinili niya si mama kaya bakit siya nandito anong ginagawa niya dito..
Umalis kana! Puntahan mo na mag ina mo!
No! Vivian kailangan mong malaman na hindi ko pinili si Marissa, Nilayo ko lang siya para hindi na kayo mapang abot pa at mag away na naman kayo, Dilikado ang kalagayan niya.Ayaw kong madamay ang bata Vivian,Kahit ganun mahal ko ang bata,Wala siyang kinalaman sa gulo natin please intindihin mo naman ako.
Gumagawa naman ako ng paraan para puntahan ka,Kaya wala kang dapat ikagalit.Hmm..Hindi mo Kailangan mag selos dahil ikaw ang mahal ko Vivian..
Eh,Paano si mama?
Huh? Kuwan.Ang bata lang ang importante sa ngayon, Pagkatapos niyan,Tsaka ko na iisipin pa ang susunod na hakbang.Basta ngayon mag antay kalang muna please.Hindi ko pa pweding sabihin sayo, Kasi- medyo ano komplekado pa ang sitwasyon.Basta pagdating ng araw malalaman mo lahat Vivian..
Kaya gusto kong ipanatag mo ang sarili mo at huwag kang gumawa ng bagay na pagsisihan mo bandang huli..
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng narinig ko ang huli niyang sinabi,Huli na nakagawa na ako gusto kong sabihin yon.Gusto kong isisi sa kanya ang lahat, Hindi niya nilinaw sa akin bago siya umalis.Akala ko talaga pinili na niya si mama,Paano na ako ngayon?
Vivian...Babe..Look at me...
Pero hindi ako tumingin,Gusto ko man siyang tingnan baka mahuli niya akong may tinatago,Kaya imbis na tumingin sa kanya ay hindi ko ginawa.Napayuko nalang ako ng narinig ko ang pag buntong hininga niya,"
Mahal kita Vivian,Kong yan ang ikapapanag ng kalouban mo,Para hindi ka mag isip ng masama.Mahal kita,Noon paman.Hindi ko lang magawang sabihin sayo noon dahil sa kalagayan ko.Pero kahit ito nalang paniwalaan mo.
Minsan na akong nagmahal pero nabigo lang ako, Marami akong nagawang mali,Na hindi ko naman talaga mali,Marami akong gustong gawin pero hindi ko magawa.Dahil sa kalagayan ko ngayon,Naiipit pa ako sa dalawang taong mahal ko.Na gusto kong protektahan..
Mas lalo akong nalito sa sinasabi niya,Ano ba talaga ang pinupunto mo lander? Diretsohin muna ako!
Hindi pa pwedi ngayon, Malalaman mo balang araw pag okay na siya.Siya mismo ang haharap sayo at magpaliwanag ng lahat ng nangyayari ay hindi ko kagagawan.Siya lang ang pweding humarap sayo para malinis ang side ko.Sa ngayon gusto ko munang maging masaya kasama ka,"
An-Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang niya akong hinalikan,Halik na may pananabik,Halik na puno ng pagmamahal.Humawak ako sa leeg niya ng lumalim ang halik namin,Naglakbay ang kamay niya sa hubad kong katawan napadaing ako ng basta nalang niya akong pinangko at pinaupo sa kandungan niya,Siya naman naupo sa sahig.
Bumababa ang halik niya sa may leeg ko,Ng bigla siyang napahinto.Nanigas ako sa aking kinauupuan ng nakita ko ang tinitingnan niya,"
What the hell!!!!!
©M.A Stories