Chapter 23

1308 Words
"Untouched by Death?" "Isa sila sa mga nakaalis o tamang sabihin na nakatakas dahil sa pagkakalubog ng mga emperyo noon." "Mga Emperyo?" Magsasalita pa sana siya nang maagaw ng mga lobo ang atensyon namin. Bigla silang nag anyong tao. "Let's go. We need to find the mirror." Wika ng alpha na sinabi ni Dennis kanina. "See? I told you. Their are so many many creatures who's desperate to get that thing." Wika niya nang makaalis na ang mga lobo. "Those dogs are really dangerous. Like, literally dangerous and... you can't trust them." "Like you." Sagot ko agad sakaniya na nagpatawa sakaniya ng marahan. Tumalon na kami pababa. "Now. Get out of my sight before I even kill you." Madiin kong sabi sakaniya. Bumuntong hininga ulit siya. "Alright." Aniya atsaka umirap. Where are you Hiro? Nasaan nanaman ba ang lalaking 'yon? Tumakbo na ako papunta sa pinag iwanan namin ng sasakyan, ngunit pagkadating ko'y wala na ito doon. "Now what?" "Don't tell me those dogs uses Sandra's car?" Napatingin na lang ako sa itaas at nagpakawala ng malalim na paghinga. Maybe Hiro. That f*****g messy man just leave me here? Lagot saakin 'yon. Sobrang layo ng club na kinaroroonan nila Sandra. Damn it. Naisip ko bigla sila Ellios. But how do I find them? Damn. "Ellios." Pagtawag ko sa normal kong tono. "Miro." Tawag ko ulit at nagbabakasakaling marinig nila ako. "Sab." Nasapo ko na lamang ang noo ko dahil sa mga pinag gagawa ko. Maglalakad na sana ako paalis nang marinig ko ang malakas na pagaspas ng pakpak. "Ano ang ginagawa mo dito?" Bati ni Miro saakin. "Bakit mag isa ka lang?" Ani naman ni Ellios. "Bakit ka nandito? Baka mapahamak ka." Wika naman ni Sab. Napangiti ako sakanila. "I knew you'd hear me." Sambit ko sakanila. "Of course. Your the only one who could call us." Sabay-sabay nilang sabi. If I'm the only one who could call them... then why did they got here when I didn't even call them? "What were you thinking?" Naalis bigla ang iniisip ko nang magsalita si Miro. "Nothing. If you're not busy, could you give me a lift to the club?" "Our pleasure." Sagot nila. Yumuko muna ako bilang paggalang atsaka tumalon papunta sa likod nila. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung paano at bakit sila dito nag punta. Malakas ang kutob kong may mali sa mundo namin. Hindi sila makakapunta dito basta at ang espada ko. Kailangan kong malaman kung ano na ang nagyayari. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa club. "Maraming salamat ulit sa inyong tatlo." Aniko atsaka ngumiti sakanila. "Walang ano man." Anila. Yumuko ulit ako atsaka sila marahang hinalikan. Tumalon ulit ako at buti na lamang ay walang nakakita saakin. Naglakad na ako papunta sana sa loob nang makita ko sila Sandra at Valentine na nag uusap malapit sa pinag bibihisan namin. Lumapit ako doon upang marinig ang pinag uusapan nila. "Kailangan niya na. Ngayon na, Sandra. Ayoko ng ganito. Nasasaktan din ako sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan." Wika ni Valentine. "Palagi ko na lang naririnig yung ganiyan. Wag ka ngang sira, Valentine. She has a mate. She. Has. A. Mate." Madiin na pag ulit niya. "Yung mate niya ang hanapin mo. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa'yo, sainyo. Mag mamahal na nga lang kayo, mali pa. You know what, you're just making it all more complicated. You two just making it all complicated." Pagdagdag niya habang nakahawak sa sintido. Napaisip ako bigla sa pinag uusapan nila. Why do I have this strange thought that keeps on saying that I need to know who's the girl they talking about. There's something with that girl and I f*****g need to know it before my head explodes. "Let's go. You need to see her." Rinig kong sabi ni Valentine. Gumawa siya ng lagusan at naunang pumasok si Sandra. Bago pa siya makapasok ay tumakbo ako papunta sakaniya at tinulak para makapasok kasama ako. Nagpagulong gulong kami sa lapag nang makalabas kami sa lagusan niya ngunit tumayo ako agad upang i-ayos ang tindig. "Oh my all gods, if there is." Gulat na gulat na wika ni Sandra nang makita niya ako. "Where's the girl you two talking about?" Tanong ko habang hawak ang aking espada. Nandito kami ngayon sa bahay na hindi ko mawari kung saan. "H-h-h-how d-d-did y-you..." nanginginig na sabi ni Sandra. Pansin ko ang katawan niya ay nanginginig din. "Where's the girl?" Malamig ko ding tanong kay Valentine ngunit hindi siya nakatingin sa mata ko. "Where's the f*****g girl?" Madiin at maawtoridad ko ulit na tanong. "H-h-h-h-h-here." Utal na sambit ni Sandra at naglakad papunta sa silid na may maliit na ilaw. Tinignan ko muna si Valentine at nakitang bigla itong umiwas ng tingin bago ako sumunod kay Sandra. Bumungad saakin ang babaeng natutulog na ang mga kamay at paa ay nakatali sa higaan. Ang kaniyang mukha naman ay halatang kulang na kulang na sa tulog at halata din dito na ito'y nagwawala dahil din sa mga sugat niya sa braso at paa. There's something about her presence. "Nasaan ang kagat sakaniya ng lobo?" "P-p-p-paano m-mo nalama..." "Just tell me." Madiin ko ulit na sabi. Hindi na siya nagsalita at itinaas ang damit ng babae. Nakita ko ang apat na butas na nanggaling sa ngipin ng lobo sa braso niya. Ito ay umitim na at halatang nabubulok na ng paunti-unti ang nasasakupan nito. "Ilang bulaklak ang kailangan niyo?" Tanong ko at hindi pa rin inalis ang tingin sa babae. "Ilan?" Madiin at malamig ko ulit na sabi nang magsasalita sana ulit si Sandra ng iba sa gusto kong marinig. "Isa na lang." Sagot ni Valentine. Kinuha ko ang bulaklak ko atsaka ito inabot sakaniya nang hindi siya hinaharap o tinitignan. Hindi niya ito kinuha ng ilang segundo bago bumuntong hininga atsaka abutin rin. May kinuha siya sa kung saan at kumunot ng bahagya ang noo ko nang makitang may hawak siyang isa pang bulaklak. Where'd he get that? "Sandra." Aniya atsaka inabot ang dalawang bulaklak. Nanginginig na kinuha ni Sandra ang dalawang bulaklak atsaka lumapit sa babae. Pinilas pilas niya ito hanggang sa lumiit atsaka niya marahang nilagay sa bibig ng babae. Biglang nangisay ang babae kaya sila napaatras ngunit ako ay pinatiling hindi gumalaw. Ilang minuto siyang ganon hanggang sa tumigil ito at hingal na hingal. Dali-daling lumapit sakaniya si Valentine at pinunasan ang pawis nito. Aalisin na din niya sana ang mga tali ngunit bigla niya itong pinigilan. "V-valentine?" "Huwag ka munang mag salita Saha. Ipunin mo ang lakas mo, mahal." Sambit niya. "Maraming salamat, mahal. Ngunit alam kong hindi din mag tatagal ay mawawalan din ng bisa ang bulaklak." "Mag pahinga ka na muna, mahal. Ako na ang bahala sa lahat." Inayos niya ang pagkakahiga ng babae nang nakatulog ito agad. Lalabas na sana kami nang biglang ang nangisay naman ay si Sandra. "Oh shit." Rinig kong sabi ni Valentine atsaka binuhat si Sandra palabas. Naupo siya sa lapag habang nasa bisig niya si Sandra. "S-sebastian." Paulit ulit na usal niya habang nangingisay. Nagpakawala muna ako ng malalim na pag hinga atsaka lumapit sakanila. Nilagay ko ang mga palad ko sa noo niya atsaka pumikit. Pinakiramdaman ko ang enerhiya niya. Binigyan ko siya ng kaunti sa enerhiya ko atsaka nagmulat. "She'll be fine. Now let me get out of here." Malamig kong utos sakaniya. "She'll go with me. Sa silid niya." Dagdag ko. Kinuha ko si Sandra na wala ng malay at pumasok na sa lagusan ni Valentine. Pagkalabas namin ay nakarating kami agad sa kwarto niya. Pinahiga ko siya doon at marahang kinumutan. Lumabas na din ako at nagtungo sa kusina. "Who the f**k is Sebastian?" Mahina kong tanong sa kawalan.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD