FEVER‼️

2115 Words
BIGLANG NATIGILAN SI ELLA, dahil sa naging sagot ni Caleb sa kanya. Bigla din siyang kinabahan, dahil sa galit na mukha ng binata. Magkatitigan silang dalawa sa pamamagitan ng malaking salamin ng vanity mirror na nasa loob ng banyo. "Narinig mo ba ang sinabi ko, Ella!?" tiim bagang tanong ni Caleb sa dalaga. Nakatingin din ito ng matalim sa kanya, mula sa salamin sa harapan nila. Hindi na rin pinansin ni Ella ang hubad na katawan ni Caleb, dahil sa takot niya rito. "Ca-Caleb, hindi mo ako puweding ikulong dito sa kuwarto mo. Hindi tayo magkaano-ano, para manatili ako dito. May sarili akong buhay at may naghihintay na pamilya sa akin. Ikaw, may pamilya ka rin. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo, kapag nalaman nilang nagpatira ka ng ibang tao sa tahanan niyo?" pahayag ng dalaga. Naglakas loob si Ella na sabihin ang kanyang nilo-loob kay Caleb. Kahit kinakabahan siya ay sinabi pa rin niya ang kanyang nararamdaman. "Sumunod ka sa gusto ko, Ella, dahil isa sa pinaka ayaw ko ay ang sinusuway ako. Hindi ka magsisisi sa piling ko, honey. Mabubuhay ka ng masaya at nakukuha lahat ang gusto mo. Basta ang gusto ko lang ay sumunod ka sa lahat ng gusto ko. Pangako ko sa 'yo, Ella, mamahalin kita at aalagaan." pahayag ni Caleb. Napaawang naman ng bibig si Ella, dahil sa kanyang mga narinig na sinabi ng binata. Hindi rin siya makapaniwala sa kanyang mga narinig, dahil ngayon lang sila nagkita ni Caleb. Napaka imposibleng mahalin agad siya ng lalaki, gayon alam ni Ella na napakaraming babae ang nagkakandarapa kay Caleb Chavez. Magaganda, sexy at mayamang mga babae ang nakapaligid kay Caleb. Samantalang siya ay isa lamang mahirap na babae na nagtatrabaho sa Mall bilang saleslady at maliit lang ang sahod. "Nagugutom kana ba, hon? Gusto mo bang kumain muna, bago ka ulit matulog?" Malumanay na tanong sa kanya ni Caleb. "N-Nauuhaw ako." Alanganin na sagot ni Ella. "Dito ka lang muna, hon. Tatapusin ko lang maligo at ikukuha kita ng maiinom mo." Sabi ni Caleb sa dalaga. Agad nga na tinapos ni Caleb ang kanyang paliligo. Pagkatapos ay tinuyo niya ang kanyang basang katawan at itinapis din niya ang tuwalya na ginamit niya. Muling nilapitan ni Caleb si Ella na nanatiling nakaupo sa harapan ng vanity table. May hawak itong hair brash at paulit-ulit niyang sinusuklay ang kanyang buhok. "Hon, masakit pa ba ang jewel mo?" Bulgar na tanong nito kay Ella. Napatingin lang sa kanya si Ella at bahagyang tumango, bilang sagot. "Buhatin na kita, hon, Para hindi ka masaktan ulit, kapag pinilit mong maglakad." Wika ni Caleb. Agad niyang binuhat si Ella at lumabas sila ng banyo. Dinala niya ang dalaga sa kanyang malapad na kama at ipinaupo sa gilid nito. Paghawi ni Caleb ang comforter ay lumantad sa harapan nila ang napakaraming nagkalat na dugo sa bed sheet. Pati ang kulay puting comforter ay meron din bahid ng dugo. Nagkatinginan pa silang dalawa, dahil sa kanilang nakita. "Hon, sorry kung nasaktan kita ng husto. Sa dami ng dugo na nasa kama, sigurado akong masakit na masakit na ang jewel mo ngayon." Wika ni Caleb. Malungkot din siyang napatingin sa mukha ni Ella. Hinaplos din niya ang pisngi ng dalaga, saka hinalikan ang labi nito. "Doon ka muna sa Sofa umupo. Papalitan ko lang ang bed sheet natin, para hindi ka madumihan." Nakangiting binuhat ni Caleb si Ella at dinala nga niya ito sa Sofa na nasa loob mismo ng kanyang kuwarto. Patakbo din si Caleb na lumapit sa kanyang Mini-Bar sa loob ng kuwarto at kumuha siya ng tubig sa loob ng maliit niyang ref. Kumuha din siya ng plato sa loob ng cabinet sa ilalim ng table at nilagyan niya ito ng cheese at sky flakes, saka dinala kay Ella. "Thank you." Malumanay ang boses ni Ella na nagpasalamat kay Caleb. Agad din niyang ininom ang tubig at kumain ng sky flakes na may cheese. Tahimik lang na umupo si Ella, at pinagmasdan ang ginagawa ni Caleb. Napakabilis nitong natanggal ang bed sheet, punda ng unan at cover ng comforter. Pati ang paglalagay ng bagong cover ay napakabilis din nitong ginawa. Mabilis din niyang inipon lahat ang mga labahin at dinala sa labas ng kuwarto. Alam ni Ella na dadalhin ito ni Caleb sa laudry area ng kanilang bahay ang mga labahin, kaya lumabas ito. Napaisip din si Ella, kung paano siya nakarating sa bahay ni Caleb. Ang huling natatandaan niya ay nakaupo siya sa loob ng opisina ni Caleb sa Mall na pag-aari ng pamilya ni Caleb. Ngunit pag gising niya kanina ay nasa loob na siya ng kuwarto ng binata. Bigla din nag-alala si Ella, dahil biglang pumasok sa isip niya na baka magalit ang magulang ng binata kapag nalaman nilang may inuwi itong babae at isang mahirap lamang. KINABUKASAN.... NAGISING si Caleb, dahil sa panginginig ng katawan ni Ella. Agad siyang bumangon, upang malaman kung bakit ito nanginginig. Agad na simalat ni Caleb ang noo ng dalaga at doon niya napagtanto na inaapoy na pala ito ng lagnat. "Honey, sandali lang at tatawag ako ng doctor." aniya sa dalaga, bago siya tuluyang bumangon at kinuha ang kanyang cellphone. Pabalik-balik na naglalakad si Caleb sa loob ng kanyang kuwarto, habang naghihintay sa kanyang kaibigan na dumating. Nag bihis na rin siya, upang hindi naman masagwa na haharap siya sa kanyang kaibigan na naka hubo't hubad. Nilagyan din niya ng damit si Ella, upang hindi makita ng iba ang hubad na katawan ni Ella. Ipinasuot niya sa dalaga ang kanyang long sleeve polo na ginagamit pang opisina. Giniginaw na kasi ang dalaga, dahil sa mataas nitong lagnat. HALOS ISANG ORAS din naghintay si Caleb, bago dumating ang matalik na kaibigan niyang si Aljoe Meneses. Ang bagong CEO ng kilalang International Company na AG HOLDINGS. "Good morning pare, ito si Doctor Luke Miller. Magaling siyang doctor pare, sigurado akong kaya ka niyang pagalingin sa sakit mo kung ano man ang nararamdaman mo." bungad ni Aljoe sa kaibigan. Bigla naman nag dilim ang mukha ni Caleb, dahil sa inis niya sa kaibigan. Parang gusto rin niyang magsisi, dahil sa kaba niya kanina ay hindi niya nasabi na babae ang papatingnan niya at hindi siya ang gagamutin. Hinila ni Caleb ang kaibigan sa isang sulok at doon niya ito kinausap. "Bakit lalaking doctor ang dinala mo dito, pare? Ayaw kong may ibang lalaki na hahawak sa asawa ko. Baka maputol ko ang kamay ng doctor na kasama mo, kapag nagkamali siyang masagi kahit dulo ng daliri ni Ella, pare." halos pabulong na wika ni Caleb. Bakas din sa tono ng pananalita nito ang pagka-inis. "Anong sabi mo? ASAWA!? Kailan kapa nag-asawa? H'wag mo 'kong pinagloloko, gago ka! Ikaw, mag-a-asawa!?" gulat na gulat na tanong ni Aljoe. Nanlalaki din ang kanyang mga mata, kasama ang butas ng ilong nito sa pagkagulat. "I mean, mapapangasawa! Hihingi rin sana ako ng tulong sayo, pare, para makasal kami ni Ella sa madaling panahon. Ikaw ang expert sa shot gun wedding, pare. Diba, ikaw ang nag-ayos ng kasal ng boss mo noon at ganon din noong kinasal kayo ng asawa mo?" wika ni Caleb. "Sapakin kaya kita, pare, baka sakaling magising ka sa kabaliwan mo. Kailan ka pa nagkaroon ng girlfriend? Mga babae na papalit-palit mong ikinakama lang ang meron ka. Girlfriend wala!" galit na turan ni Aljoe. Tinalikuran na rin niya si Caleb, dahil sa inis niya sa kaibigan. "Alam mong nagpapagaling ang asawa ko, tapos heto ka at tatawag-tawag sa akin para lang sa mga kalokohan mo." sabi pa niya, habang papalayo kay Caleb. "Pare, hindi ako nagbibiro. Totoong may pakakasalan akong babae. Nasa kuwarto ko siya at siya din ang papatingnan ko sa doctor!" wika ni Caleb sa kaibigan. Hinabol din niya ito, dahil napakabilis nitong makalayo sa kanya. Napatigil din si Aljoe, dahil sa kanyang narinig. Muli siyang lumingon kay Caleb at pinagmasdan niya ang mukha ng kaibigan. "Seryoso ka ba talaga pare? Totoo ba yan? Hindi nga!" tanong ni Aljoe. Ilang beses din niyang sinipat ang mukha ni Caleb, kung totoo nga ang mga narinig niyang sinabi nito. "Nasaan ang babaing napikot mo? Ano yun, pikot o kidnap?" dagdag na tanong niya. "Pare naman. Ngayon na nga lang ako nagkagusto sa isang babae, tapos ganyan pa ang sasabihin mo." may pagtatampong wika ni Caleb. "Sino ba naman kasi ang maniniwala sayo, kung alam ko naman na, ni isa ay wala kang seneryosong babae. Laruan lang ang turing mo sa kanila at kung hindi ako nagkakamali ay lahat ng naging babaeng dumaan sa palad mo ay pang isang gabi lang. Hindi mo na sila kilala pagkatapos." pahayag ni Aljoe. Matagal nang magkaibigan sina Caleb at Aljoe. Simula ng pumasok sila sa College ay magkasama sila. Pareho din ang naging course nila, kaya dikit na dikit talaga silang dalawa. Nasa iisang building din ang mga Condo nila, kaya halos hindi sila naghihiway noon. Saka lang sila nagkalayo ng makatapos na sila at magkaroon na si Aljoe ng trabaho. Si Caleb naman ay nagtrabaho sa sarili nilang company. Ang Chavez Realty & Development. Para maniwala si Aljoe sa kanya ay dinala na lang niya sina Aljoe at Doctor Luke Miller sa second floor. Binuksan niya ang pinto ng kanyang kuwarto at pinapasok ang dalawang lalaki. "Doc, gusto kong gamutin mo ang asawa ko, pero bawal mo siyang hawakan." wika ni Caleb kay doctor Miller. "Mr. Chavez, paano ko magagamot ang asawa mo kung bawal ko siyang hawakan? Kung ayaw mong pahawakan sa akin ang asawa mo, dapat dinala mo na lang sa hospital at doon ka mag request ng babaeng doctor na titingin sa kanya." seryosong tanong ni Dr. Miller. "Ano ba kasi ang sakit ng sinasabi mong asawa mo, pero hindi mo pa naman pinapakasalan." naiiritang tanong ni Aljoe. "A-Ano kasi pare, eh! Kuwan kasi, ano, uhhhm..." "Ano nga!?" bulyaw ni Aljoe, dahil para na rin itong bata na hindi alam ang isasagot. "F-First night kasi namin, and you know!" sagot ni Caleb at may kasama pang paggalaw ng kanyang ulo ang pagsagot niya. Napahilamos naman ng mukha si Aljoe, habang nakahalukipkip. Hinawakan din niya ang kanyang sintido, dahil bigla na lang itong nagkaroon ng sakit ng ulo. "Mr. Chaves, ano ang nararamdaman ng pasyente. P'wede mong sabihin sa akin ang lahat ng detalye, para mapag-aralan ko ang sakit niya na hindi siya nahahawakan." tanong ni Dr. Miller. "Mataas ang lagnat niya doc, at nanginginig din siya. Pero ang kamay at paa niya ay parang may ice sa lamig." mabilis na sagot ni Caleb. "P'wede mo bang tingnan, Mr. Chavez at sabihin mo sa akin kung ano ang makita mong ayos ng private part ng asawa mo?" wika ni Doctor Miller. Hinila din niya si Aljoe at dalawa silang tumalikod, upang hindi nila makita ang maselang bahagi ng katawan ni Ella. "Tell me Mr Chavez kung mapula ba o namamaga?" tanong niya, habang nakatalikod. Mabilis naman na pumailalim si Caleb sa loob ng comforter, para tingnan ang jewel ni Ella. "Mapula at namamaga doc." agad naman na sagot ni Caleb. Inilabas din niya ang kanyang ulo at muling tinakpan ang katawan ni Ella. "May dugo bang lumalabas?" muling tanong ng doctor. Muling pumasok si Caleb sa ilalim ng comforter at tiningnan ulit ang jewel ng dalaga. "May dugo, doc." sagot niya ng makalabas siya mula sa ilalim ng comforter. "Mr. Chavez, your wife has a laceration in her vaginal wall, which is causing her to develop a high fever and chills. I strongly recommend refraining from any intimate contact for the next two to four weeks, or until the wound has fully healed, to prevent any complications or infections." sagot ni Dr. Miller. "What!? Bakit ang tagal?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Caleb sa doctor. "P'weding umabot ng dalawang buwan kung pipilitin mo, Mr. Chavez." sagot ng doctor. Napakamot na lang ng ulo si Caleb, dahil sa malaking problema niya ngayon. Parang hindi niya kakayanin ang dalawang linggo na walang dilig. Tapos sasabihin na p'weding umabot ito ng dalawang buwan, kapag pipilitin niya. Hindi na rin mabilang ang mga pasyente ni Doctor Miller na nakaranas ng pare-parehong kaso, kaya i-isa lang din ang sagot niya sa mga ito, kapag tungkol na naman ito sa first timer sa s*x. Muling humarap si Doctor Miller kay Caleb at nagbigay ito ng mga gamot, para sa lagnat, kirot at pamamaga. Nagpabili din siya ng panghugas ng pasyenti, para mabilis matuyo ang sugat nito sa loob. Naunang nagpaalam si doctor Miller. Naiwan naman si Aljoe, upang makausap niya si Caleb. Napakarami din niyang gustong itanong sa binata, kaya't hindi siya aalis sa bahay nito hangga't hindi nasasagot ng malinaw ng sira ulo niyang bestfriend ang lahat ng mga gumugulo sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD