ELLA'S POV.... ***** NAGISING ako, dahil sa paghaplos ni Caleb sa aking noo. Ang sama din ng pakiramdam ko, dahil sa halo-halong pakiramdam. Masakit ang buong katawan ko, lalong-lalo na ang nasa gitna ko. Parang nakabuka pa rin ito at may nakapasak na malaking bagay sa loob ko. Ang taas pa rin ng lagnat ko at giniginaw din ako, kahit meron naman akong comforter. "Hon, 'bangon ka muna at kumain. Kailangan mong uminom ng gamot mo later, para mabilis ka gumaling." Malumanay na sabi sa akin ni Caleb. Nakikita ko rin sa mukha niya ang matinding pag-aalala sa akin. Tinulungan din niya akong makabangon at inayos din niya ang pagkakaupo ko. Ipinasandal niya ako sa headboard ng kama at nilagyan pa niya ng unana ang likod ko, para maging comfortable ako sa pagkaka-upo ko. Umupo din siya sa