TANGHALI NA NAGISING SI ELLA, kinabukasan. Wala na rin si Caleb at tanging ang bulaklak at note na lang nito ang nakita ni Ella sa kanyang tabi. Napangiti siya ng matamis, dahil sa nakasulat sa Note. Kinilig din siya, dahil sa asawang napaka-sweet sa kanya. Bumangon si Ella at nagtungo sa banyo upang maligo. Nakakaramdam na rin siya ng gutom, kaya gusto na niyang makababa sa dinning area para kumain. Matapos niyang naligo ay mabilis din siyang nagbihis ng kanyang pambahay. Nag suot lang siya ng simpleng damit. Naka high waisted shorts siya ng kulay beige at tenernuhan niya ng white na crop top na bagay na bagay din sa kanya. Lalong lumitaw ang ganda ng kanyang katawan, dahil kitang-kita ang maliit niyang baywang at ang bilogan niyang pang-upo. Isinuot din niya ang white sandals niya, bag