"SINA MAMA AT PAPA, wala na sila.." dagdag pa nito. Niyakap niya ito ng mahigpit saka hinawakan ang mukha nito. Sabik na sabik siya sa kaniyang kapatid. Noong una niya itong makita, nainis pa siya pero hindi niya inaasahang ito pala ang kapatid na inakalang matagal nang patay. Nang maalala kung bakit ito napunta sa poder ni Samuela ay agad na nilingon si Samuel na noon ay tahimik lamang na nakamasid sa kanila. "Paano napunta sa'yo ang kapatid ko?" Mariing tanong kay Samuel. Hindi ito sumagot bagkus ay tumayo ito ng tuwid saka tumalikod. Dahil doon ay mas lalong naghulagpos ang galit sa dibdib ni Sundee. Mabilis na tumayo ay hinabol si Samuel sabay hablot sa braso nito. "Ate!" Pigil pa sa kaniya ng kapatid. Ngunit maigting ang kagustuhan magkaalaman na kung ito ba talaga ang pumatay sa