Chapter 2: Cornered

1956 Words
*Third Person’s POV* Habang nasa byahe ay hindi napapansin nila Andrea ang mga lalaking nakasunod sa kanila kanina pa mula sa bar hanggang sa makarating sila sa isang highway kung saan wala na masyadong dumadaang mga sasakyan dahil madaling araw na. “Girls, I think may sumusunod satin,” sabi ni Catliya habang naka tingin sa side mirror ng sasakyan nila. Agad naman napalingon ang mga kasama ni Catliya sa loob likuran ng sasakyan nila at napansin nila ang mga naka motorsiklo at dalawang van na nakasunod sa kanila at maya maya lamang ay sunod sunod na silang pinaputukan ng mga bala ng baril. “Tang*na!!!! Patay tayo nito kay master Yashida kapag may nakahuli satin,” problemadong sabi ni Eryell. Habang patuloy silang lima sa pagreklamo at pag-iingay sa loob ng van ay bigla na lamang nilang napansin na napapaligiran na sila ng mga naka-motorsiklong lalaki. “Tang*na! Cornered na tayo!” Sigaw ni Catliya na halatang hindi na alam kung ano ang gagawin. “Tsk! Let me drive,” biglaang sabi naman ng nananahimik lang na si Joanna at siniksik ang katawan palipat sa driver seat kaya napilitan na lang din tuloy si Catliya na isiksik ang sarili niya papuntang passenger seat. Nang makapwesto na si Joanna ay agad niyang minaobra ang sasakyan at tinapakan ang accelerator nito kaya mas bumilis pa ang pagandar ng sasakyan nila. Pilit nililigaw ni Joanna ang mga naka-motorsiklong sumusunod sa kanila sa pag susuot sa kung saan saan na pwede nilang pasukan. “Siguro naman ngayon pwede na natin silang barilin?” Tanong ni Rhoda na may hawak hawak na baril. “Go ahead,” sabi sa kanya ni Joanna habang nagmamaneho sa highway, mabuti na lang at walang ibang bumabyahe ngayon dahil mag-a-alas tres na rin naman ng madaling araw. Tuloy tuloy lang si Joanna sa pagmamaneho ng mabilis habang sila Rhoda at Neca naman ay nagsasalitan sa pagbaril sa mga lalaking sumusunod sa kanila pero masyado pa rin silang madami kaya naubusan na lang sila ng bala pero meron pa ring sumusunod sa kanila kaya mas binilisan na lang ni Joanna ang pagmamaneho hanggang sa mawala na lang ang mga lalaking sumusunod sa kanila. “Hooo! Buti na lang drag racer din ‘tong babaeng ‘to, muntik na yun,” sabi ni Rhoda na nakahinga na ng maluwag. “Konting bilis pa Joanna maliligaw na nating ‘tong mga asungot na ‘to,” sabi naman ni Andrea na nakatingin sa likuran nila kaya binilisan pa ni Joanna ang pagpapatakbo sa van hanggang sa tuluyan na nga nilang mailigaw ang mga sumusunod sa kanila. “Finally! Makakauwi na rin!” Sigaw ni Neca na halos humiga na sa backseat dahil wala naman siyang katabi sa dulo. “Haha galing mo dun Jo! Mag apply ka na lang din kaya bilang full time car racer? Diba may offer sayo sa Japan?” Tanong ni Catliya kay Joanna “K! Nice talking to you b*tch!” Reklamo naman nito kaagad ng hindi siya pansinin ni Joanna Nakarating na sila sa isang intersection ng bigla silang harangin ng dalawang 6 wheeler truck sa harapan at kaliwa nila, sa kanan nila ay isang bangin naman. “Sh*t!!!” Naisigaw na lang ni Joanna at biglang tinapakan ang break ng van na sinasakyan nila kaya halos mangudngod naman silang anim pero di na nila ito inisip pa. “Joanna iatras mo! Dali!” Sigaw ni Andrea kaya agad naman itong ginawa ni Joanna pero napatigil pa din siya sa pag atras ng makita nila ang isa pang 6 wheeler truck sa likuran nila. “Now what!?” Nasabi na lang ni Eryell habang nakatingin sa mga naglalakihang truck sa harap, gilid at likuran nila. “No choice. Hindi tayo pwedeng mahuli,” sabi ni Joanna at sinuot ang seat belt niya na ginaya din naman ng mga kasama niya. Muli niyang pinaandar ang makina ng sasakyan at inatras ito paunti-unti. Nakita rin nilang anim ang mga lalaking papalapit na sa kanila habang may hawak hawak na mga armas. “Joanna are you sure about this?” Tanong ni Andrea kay Joanna “Nope,” sagot naman nito at tinapakan ang accelerator at tuloy-tuloy na minaneho ang van na sinasakyan nila pababa ng bangin. “Aaaaah!!!” Narinig nilang sigaw ng mga lalaki sa itaas ng bangin pero hindi na nila ito pinansin kasi hindi na rin nila alam kung ano ang gagawin nila dahil tuloy tuloy lang sa pagdausdos pababa ang van na sinasakyan nila hanggang sa tuluyan na nga itong mabangga sa isang malaking puno. “Argh!” Reklamo nila habang hawak hawak ang ulo. “Okay lang ba kayo?” Tanong ni Andrea habang pinipilit makaupo ng maayos “Nakasurvive pa naman,” sagot ni Eryell sa kanya at tumango lang sa kanya si Rhoda “Y-Yeah,” sagot sa kanya ni Neca na pinipilit ang sariling makaupo ulit dahil kanina lamang ay nahulog siya sa sahig ng van. “Jo? Okay ka lang ba?” Tanong ni Andrea kay Joanna pero hindi ito sumagot “Cat?” Tanong ni Rhoda “Teka bumaba muna tayo,” sabi ni Andrea at binuksan ang pinto ng van para makababa silang apat, agad din naman nilang binuksan ang passenger seat at nakita si Catliya na walang malay. “Check niyo pulso niya,” sabi Eryell na agad namang ginawa ni Andrea “May pulso pa naman siya. Tulungan niyo ko ilalabas natin siya,” sabi ni Andrea at tinanggal ang seat belt na suot suot ni Catliya. “Si Joanna i-check niyo rin,” sabi ni Andrea “Sige,” sagot sa kanya ni Eryell at umikot papunta sa driver’s seat at binuksan ito tsaka chineck ang pulso ng kaibigan niya. “Meron pa siyang pulso, siguro nawalan lang din ng malay ‘to,” sabi ni Eryell “Neca patulong naman dito oh, mabigat pa naman ‘to,” sabi ni Rhoda at tinanggal ang seat belt ni Joanna tsaka nila pinagtulungan ni Neca na ilabas si Joanna sa sasakyan. “Ugh grabe bigat,” reklamo ni Eryell “G*ga marinig ka niyan bugbog sarado ka diyan,” sabi ni Neca sa kanya. “Totoo naman eh! Teka Dre saan namin ‘to ilalagay?” Tanong ni Eryell kay Andrea “Dito na lang sa tabi ni Catliya”, sagot ni Andrea habang nilalapag nila si Catliya sa lilim ng punong binanggaan nila. “Buti na lang talaga at naka seat belt sila or else baka mas malala pa ang nangyari sa kanila,” sabi ni Rhoda. “Kaya nga eh,” sabi ni Andrea *Andrea’s POV* “Hmm,” narinig kong ungol ni Joanna kaya lumapit ako sa kanya at inalalayan siyang makaupo ng maayos. “Dre?” Tanong niya na tinanguan ko naman. “Kamusta pakiramdam mo?” Tanong ko sa kanya. “I’m fine just a bit dizzy,” sagot naman niya at napatingin sa katabi niyang si Catliya na unti unti ay nagigising na rin. “Cat okay ka lang ba?” Tanong ko kay Catliya na tumango naman bilang sagot habang hawak hawak ang ulo niya. “Nasan tayo?” Tanong nito. “I think nasa baba ng bangin tayo ngayon at hindi namin alam kung pano tayo makakaakyat,” sagot sa kanya ni Neca. “Tinry na rin namin tawagan sila master Yashida kaso walang signal dito eh,” dagdag din ni Rhoda. “Natry niyo na bang umakyat?” Tanong ni Joanna. “Hindi, masyadong matirik pag inakyat eh, wala tayong lubid,” sagot ni Eryell sa kanya. “Let’s search the area,” suggestion ko sa kanila na tinanguan naman nilang lahat. Tinulungan naming makatayo sila Joanna at Catliya, “thanks,” sabi ni Catliya ng makatayo na siya pero si Joanna tuloy tuloy lang sa paglalakad pero okay lang, sanay na kami sa ugali niya. Naglakad-lakad kami para makahanap ng pwede naming daanan paakyat kaso wala talaga kaming mahanap at hanggang ngayon eh wala pa rin akong nasasagap na signal sa cellphone ko. “Try natin dun banda?” sabi ni Catliya. “Eh parang gubat na yata ang nandiyan eh baka maligaw pa tayo,” sagot ni Eryell sa kanya. “Eh wala naman tayong makitang daanan paakyat dito eh, yun na lang yung di pa natin nache-check,” sagot sa kanya ni Catliya. “Sige na nga,” pagsang-ayon din sa kanya ni Eryell. “Let’s go,” Sabi ni Joanna at nanguna sa paglalakad papasok sa kagubatan. Habang naglalakad ay may narinig kaming tunog ng helicopter kaya napatingala kaming anim at nakita namin ang tatlong helicopter na may mga binababang mga armadong lalaki. “Sh*t! Hanggang dito sinusundan pa rin tayo!” Inis na reklamo ni Rhoda. “Tara na! Bilis!” Sigaw ko sa kanila kaya tumakbo na kami papasok ng gubat. Tuloy-tuloy lang kami sa pagtakbo at tuloy pa rin ang naririnig naming mga yapak ng paa na sumusunod samin, kaya naman namin silang labanan kaso nga lang masyado silang madami at alam kong hindi pa tuluyang maayos ang pakiramdam nila Joanna at Catliya. Tuloy-tuloy lang kami sa pagtakbo, actually hindi na namin alam kung saan kami papunta. "Nasan na sila!?" Narinig kong sigaw ng hindi ko kilalang boses. Tss tustado kami pag naabutan nila kami dito! Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi nila kami madatnan dito. “Wala ba kaming pwedeng pagtaguan dito!?” Bulong ko sa sarili ko at nilibot ang paningin sa paligid. Tss! Puro lang naman halaman ang nandito meron ring mga puno pero masyadong maliit para pagtaguan namin. Nakaka-frustrate na ha! Ayun! May nahanap rin ako sa wakas! Pero parang wala naman yan diyan kanina ah? Nah! Naoverlook ko lang siguro kanina "Girls! Tara dun tayo magtago!" Sabi ko sa kanilang lima na hingal na hingal na sa pagtakbo, kahit ako din naman pagod na kakatakbo. Heto kami ngayon, nasa likod ng mga halaman tapos meron pang bato na medyo may kataasan naman kaya pwede talagang pagtaguan. "Maghanda kayo nandiyan na sila," seryosong saad naman ni Joanna. Maya maya lang din ay may narinig na akong mga yapak ng paa at di rin nagtagal ay dumating na ang mga lalaking may hawak ng iba’t ibang uri ng baril. "Nasan na sila!?" Sigaw ng isang lalaki na mukhang leader ng mga gag*ng ‘to. Sinikap naming huwag makagawa ng kahit na anong ingay para di nila kami napansin. "Tss mukhang wala sila dito!" Sabi nung isang kasamahan nila. "B*bo! Tignan niyo sa paligid baka nandito lang sila. Wala na naman silang ibang mapupuntahan dahil deadend naman dito! At sure akong dito sila dumaan!" Dagdag pa ng "leader" nila kaya naghiwa-hiwalay silang lahat at nag-iikot dito sa lugar Lagot na! Kailangan na naming umalis rito! Tumingin naman ako sa lima ko pang kasama at sinenyasan ko sila na umatras ng dahan-dahan at nag-agree naman sila kaya unti-unti ay umatras kami. Tuloy tuloy lang kami sa pag atras ng dahan dahan ng bigla akong makaramdam ng pag galaw ng lupa. Sh*t! Ba't bigla atang gumalaw yung lupa dito sa kinatatayuan namin!!!??? Napalingon naman ako ka agad sa kanilang lima at pagkatapos ay dun naman sa mga lalaki. Wala naman siguro yun di ba? Oo tama, wala lang yun, guni-guni ko lang yun. Sinenyasan ko silang lima ulit at nagpatuloy kami sa pag-atras. Putcha naman oh ba't may bato rin dito!!!???? Okay na eh makaka-alis na kami eh!!! Dito na lang muna siguro kami hanggang sa umalis na 'tong mga 'to, hanggang ngayon kasi hindi pa rin sila tumitigil sa paghahanap samin at nandun pa rin sila sa may malaking bato Habang nag hihintay na maka alis ang mga humahabol samin ay muli ko na namang naramdaman ang pag galaw ng lupa sa pinagtataguan namin. Sh*t ano ba!? May lindol ba ngayon!? Kung meron man ba't hindi pa rin umaalis ang mga lalaking yan dito!!!???? Isa pang pag galaw ng lupa ang naramdaman ko kaya tumingin na ako sa paanan ko at nakita ang isang bitak sa lupa. crack!? Shete naman oh! Huwag naman sana! "Girls huwag kayong masyadong gumalaw," bulong ko sa kanila at para namang instant na nalagyan ng isang malaking question mark yung mga mukha nila. Mukha yatang di pa nila nakikita yung mga c***k at sure ako na kapag makita nila ang mga c***k, magpapanic yang mga yan. "Huh? Anong sabi mo dre?" Tanong ni Rhoda at gumapang pa papunta dito sa pwesto ko. Sh*t! Babatukan ko talaga 'tong isang 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD