*Third Person’s POV*
Sa loob ng isang kahariang hindi alam ng mga mortal, ay may nagaganap na pagpupulong.
"What's going on?" Tanong ng prinsipe sa reyna.
“Kuya Jason! Hello!” Bati ng Prinsesa sa kapatid nitong lalaki pero hindi man lang siya pinansin nito at nakatingin lang sa ina nila.
“Don’t mind him Jas,” sabi ni Andrew, ang prinsipe ng tubig at karagatan.
"Boys," isang nakakapanindig-balahibong boses ang biglang nagsalita sa may pinto kaya ang lahat ay napatingin dito.
"Ah...h-hi Tita Violet," awkward na tawa at bati ni Rence, ang prinsipe ng apoy.
“Tita Violet! Kamusta po? Namiss mo ba ang poging ako?” Tanong ni Nicolo, ang prinsipe ng araw at liwanag.
“Shut up Nicolo,” saway sa kanya ng sinasabing Tita Violet.
"Tss. Tama na yan. Violet, ano ang sadya mo dito?" Tanong ng reyna kay Violet, kapatid niya ang reyna na nagngangalang Josephine Livingstone Hunter. Ang mga anak naman nito na sina Jasmine Hunter, ang nag-iisang prinsesa ng Hunter Clan at ang tagapag-mana na si Jason King Hunter, ang prinsipeng may kakayahang kumontrol ng yelo at niyebe.
“Mahal kong kapatid, nandito ako para ipaalam sa inyo ang isang propesiyang aking nakita,” sabi ni Violet. Isa siyang makapangyarihang bampira na may kakayahang makakita ng hinaharap at makapag basa ng isip ng isang nilalang.
“Ano ang propesiyang iyong nakita?” Tanong ng reyna sa kapatid nito.
“Makinig kayong mabuti,” sabi ni Violet at pinikit ang mga mata nito, maya-maya lang ay idinilat niya na ang mga ‘to at kita ang pag-iiba ng kulay ng mga mata niya mula pula naging kulay ginto ito, senyales na isa siyang royal blood.
"Malapit ng mangyari ang kinakatakutan
Kapahamakan para sa pangkalahatan
Kung hindi mahahanap ang tanging paraan
Kamatayan ang ating kahahantungan"
Pagkatapos sabihin ni Violet ang propesiyang nakita niya ay agad na bumalik sa normal ang kanyang mga mata.
*Rence POV*
Kapahamakan? Dahil ba ito sa mga kapangyarihang meron kami?
“Oo Rence,” biglang sagot ni Tita Violet sa tanong ko.
"Sandali, diba sabi mo Kung hindi mahahanap ang tanging paraan
Kamatayan ang ating kahahantungan? Eh di ibig sabihin may solusyon. May paraan pa para hindi namin magawa kung ano man ang nasa propesiya. Di ba?" Tanong naman ni Aldrin, ang prinsipe ng kalupaan.
"Oo, may paraan para mapigilan ito," sagot naman ni Tita Violet.
"Ano? Tita Violet please sabihin mo ano ang paraan na iyon?" Tanong naman ni Kevin, ang prinsipe ng kidlat at ulan.
"Mate," sagot naman niya na nagpabigla sa aming anim.
Mate. Mate? Mate!? Seryoso ba siya ha? Ano namang magagawa nung mga mate namin para pigilan ang maaaring mangyari!?
"Oo Rence. Seryoso akong mapipigilan ng mga mate niyo ang maaaring mangyari. Pero hindi ko alam kung paano nila iyon magagawa,” sagot naman ni Tita sa mga tanong sa utak ko.
"Kung ganon, kailangan na namin silang mahanap sa lalong madaling panahon," sabi ko naman na sinang-ayunan naman nilang lahat.
"Pero paano natin sila mahahanap? At saan natin sila hahanapin?" Tanong naman ni Andrew na naging dahilan upang medyo panghinaan ako ng loob.
"Hindi ko alam," sagot naman ni tita Violet na naging dahilan para mas panghinaan pa ako ng loob.
"Tss. Simulan natin sa mga babaeng bampira dito sa atin at kapag hindi pa rin natin sila mahanap dito maghanap na rin tayo sa iba pang lugar ng mga bampira pati na rin sa mundo ng mga tao," suhestiyon naman ni Kevin.
"Hindi kaya medyo matagalan tayo niyan? Sa mundo pa lang nating mga bampira eh masyado nang marami ang mga babae idagdag mo pa sa mundo ng mga tao," sabi naman ni Nicolo.
"Tss! Huwag ka ngang negative! Think positive! Mahahanap natin sila," sabi ko naman sa kanya, masyadong pessimistic eh.
"Tss. Siguro excited kang matali dun sa mate mo no? Hahaha," nang-aasar pang sabi ni Nicolo.
"Tss! Hindi ako excited matali dun, kailangan na natin silang mahanap para mapigilan natin ang kung ano mang kapahamakang dala ng kapangyarihan natin base sa propesiya," seryosong sagot ko sa kanya kaya naman eh tumigil na siya dun kakatawa.
"Uy! Tol! Sorry na! Bati na tayo?" Nakakadiring sabi ni Nicolo sabay yakap sakin.
"Tss! Tumigil ka nga! Bwisit to!“ sigaw ko sa kanya sabay kalas sa pagkakayakap niya pero ang g*go imbis na tumigil eh mas tumawa pa.
"Tss. Mabilaukan ka sana," pabulong kong sabi tapos maya maya lang eh...
"Hahahahaha–“ tawa nito at maya maya lang ay nabilaukan na nga.
"Hahahaha karma yan tol!" tawa naman ni Andrew.
"Tss!" badtrip namang sabi ni Nicolo.
"Tapos na ba kayo?" Isa pang napakalamig na boses ang nagpatahimik sa amin, pagtingin ko sa kaliwa eh si Jason lang pala.
Tss mag-tita nga sila ni tita Violet, ang lalamig eh parang may snow storm palagi kapag sila na ang nagsasalita brrr.
"Sige na magpahinga muna kayo at bukas niyo na simulan ang paghahanap sa mga mate niyo," saad naman ni tita Josephine, ang mommy ni Jason at ang reyna rin ng vampire world. Pagkarinig ko sa sinabi ni tita Josephine eh tumango na lang kami bilang pagsang-ayon tsaka umalis na dun at pumunta na ako sa aking sild. Kailangan ko ng maraming lakas para bukas. At higit sa lahat kailangan na naming mahanap ang mga mate namin sa lalong madaling panahon.
Hahanapin namin kayo, sa kahit na anong paraan.
Kinabukasan ay naalimpungatan ako sa sunod sunod na katok na naririnig ko.
"Hmmm. Ano ba! Natutulog pa nga eh!" Sigaw ko sa kung sino mang walang hiya ang kumakalampag sa pinto ng kwarto ko.
"Oy! Rence pwede ba! Tama na yang tulog mo! Tanghali na! Hahanapin pa natin yung mga mate natin!" Sigaw naman pabalik ni Nicolo na siyang kanina pa kumakalampag sa pinto.
"Hoy! Bangon na!" Sigaw ulit ni Nicolo.
"Oo na! Andyan na!" Sigaw ko naman pabalik sa kanya at bumangon na nga sa aking King size bed at inayos ito, kahit naman mga prinsipe kami eh marunong naman kami ng gawaing-bahay at dahil yan sa pag-didisiplina sa amin ni tita Josephine at tita Violet. Bakit sila kamo at hindi ang mga magulang namin? Simple lang, dahil matagal ng patay ang mga magulang namin. Namatay sila sa isang digmaan sa isa pang lahi ng mga bampira. Si tita Josephine at tita Violet ang mga nagprotekta sa amin at kasamang namatay sa mga magulang namin ang daddy ni Jason. Naaalala ko pa nga kung paano kami itinakas ng daddy ni Jason papunta sa kanila ni tita Josephine at tita Violet.
*Flashback*
*Third Person POV*
Nagsisimula na ang labanan sa pagitan ng dalawang lahi ng mga bampira, ang lahi ng mga Hunter kasama ang kanilang hukbo laban sa lahi ng Shadows. Ang mga shadows ay ang mga bampirang masyadong uhaw sa kapangyarihan na naging dahilan para sila ay gumamit ng itim na salamangka o di kaya'y sila ay may malalim na hinanakit sa kanilang puso na nagbunga sa kagustuhan nilang maghiganti at patayin ang sino mang kinasusuklaman nila.
Nagkaroon ng digmaan dahil sa maliban sa kagustuhan ng mga Shadows na gumanti ay bihag rin nila ang anim na batang prinsipe. Ang mga prinsipeng walang kaalam-alam sa mga kapangyarihang nasa loob nila at alam ng mga shadows yun kaya nila kinuha ang mga bata at plano nilang gawing katulad nila ang mga ito upang magamit sila sa kanilang mga plano.
Marami-rami rin ang hukbo ng mga Hunter pero higit na mas marami ang hukbo ng mga Shadows kaya unti-unti na silang nauubos.
"Josephine! Umalis na kayo rito ni Violet! Ako na ang bahalang magligtas sa mga bata!" Sigaw ng hari.
"Hindi Rafael! Asawa mo ko kaya sasamahan kita! Sasamahan kita iligtas ang anak natin pati na rin ang mga kaibigan nito!" Pagmamatigas naman ng reyna habang patuloy pa rin sa pakikipag-buno sa mga nakapalibot sa kanyang Shadows.
"Aaarggh! Ba't ba ang tigas ng ulo mo! Sige na! Umalis na kayo! Pinapangako ko! Ililigtas ko ang mga bata! Sige na! Umalis na kayo!" Sigaw uli ng hari kay reyna Josephine na sa ngayon ay hinihila na ng kapatid nitong si Violet.
"Ate tara na!" Sigaw ni Violet sa nagpupumiglas na si Josephine.
"Hindi! Tutulungan ko siya! Asawa ko siya kaya tutulungan ko siyang iligtas ang anak namin!" Humahagulgol na sigaw ng reyna ngunit kahit na ano pang gawin nito ay hindi niya kayang tumakas sa higpit ng pagkakahawak ni Violet sa kanyang kamay.
"Ate! Sa tingin mo kapag napahamak ka, ano na lang ang mangyayari sa mga kalahi natin!? At higit sa lahat sa isa niyo pang anak na si Jasmine ha!? Ate masyado pa siyang bata para mawalan ng mga magulang!" Panenermon naman ni Violet sa kay Josephine na naging dahilan para matauhan at mauna pa si Josephine sa kanya.
"Si Jasmine! Sinong kasama niya!?" Nagaalalang tanong ng reyna kay Violet.
"Okay lang siya kasama niya ngayo–" may sasabihin pa sana si Violet ngunit naputol ito dahil sa isang sigaw mula sa isang batang lalaking tumatakbo papunta sa direksyon nila.
"Mom!!!" Ang batang sumigaw ay walang iba kundi ang anak ng reyna at hari na si prinsipe Jason, ang kanilang panganay.
"Jason! Anak! Kamusta ka? Sinaktan ka ba nila? Kayo?" Nag-aalalang tanong ng reyna sa kanyang anak at sa lima pang batang kasama nito.
*Rafael's POV*
Pagkatapos kong patayin ang lahat ng nakapalibot sa aking mga shadows ay dali dali akong pumunta sa pinaka-dulo nitong gubat kung saan alam kong tinatago nila ang anak namin ni Josephine. At pagkarating ko dito ay nakita ko ka agad ang ilang shadows ngunit sigurado akong malalakas at mabibilis rin sila, kasama nila doon ang kanilang pinuno na kinakausap ang anak ko.
Grrr sisiguraduhin kong mamamatay kayong lahat! Sinaktan niyo ang anak ko! At dahil dun ay nasaktan ang pinakamamahal kong asawa!
"Lumabas ka na dyan Rafael! Alam kong nagtatago ka lamang dyan! Lumabas ka at harapin mo ko! Huwag kang duwag!" Sigaw ng g*gong si Lucas! Ang dati kong matalik na kaibigan na naging karibal ko sa kay Josephine.
"Hindi ako duwag Lucas at alam mo yan! Ikaw ang duwag sating dalawa dahil ginamit mo pa ang mga bata para lamang makapaghiganti! Alam mo bang nasasaktan si Josephine sa ginawa mo ha!?" Sigaw ko naman pabalik sa kanya.
"Hah! Nasasaktan siya dahil ikaw ang pinili niya at hindi ako! At pinili ka niya dahil sa nabuntis mo siya kaya ngayon tatapusin ko ang bunga ng pagmamahalan niyo!" Sigaw ni Lucas sabay kuha ng kanyang espada pero bago pa man niya ito maisaksak sa anak ko eh tumilapon na siya dahil sa pagsipa ko sa kanya at bigla namang nagsisuguran ang ibang shadows na nagbabantay kanina.
Sunod sunod lang ang pakikipag laban ko at ang pag patay sa mga bampirang humahadlang sa pag liligtas ko sa anak ko hanggang sa makalagan ko na ang mga bata.
"Dalian niyo tumakbo kayo papunta roon! Nasa likod niyo lamang ako!" Sabi ko sa kanila habang turo-turo ang direksyon kung saan alam kong nagtatago ang iba pang bampira at sila Josephine at Violet kasama si Jasmine, ang aking bunsong anak.
Tumakbo kaming pito sa direksyong yun. Alam kong naka-sunod lamang si Lucas sa amin kaya mas pinabilisan ko pa sila sa pagtakbo.
"Bilisan niyo!" Sigaw ko sa kanila kahit na halata ko na sa kanila ang takot.
Huwag kang mag-alala anak, gagawin ko ang lahat para makaligtas lamang kayo
Nakita ko na sa di kalayuan sila ni Josephine kaya akala ko ok na, hindi pa pala dahil bago pa man ako makarating sa lugar kung nasaan ang mag-iina ko ay may tumagos na sa katawan ko, isang pana. At ang huli kong nakita ay ang mag-iina kong magkayakap hanggang sa dumilim na ang lahat.
*Third Person POV*
Masayang niyakap ng reyna ang anak nitong si Jason dahil ligtas ito.
"Nasaan ang daddy mo?" Nagaalalang tanong ng reyna sa anak nito.
"He's ther~ Dad? Dad!!!" Tawag ng batang prinsipe at tumakbo papunta sa isang lalaking kanina lamang eh nasa likod nila ngunit ngayon ay nakahandusay na ito sa lupa.
"Dad! Wake up! Please!" Humahagulgol ang batang prinsipe habang sinusubukang gisingin ang wala ng malay niyang ama.
"Dad please wake up!" Sigaw pa ng bata habang yakap yakap siya ng umiiyak niyang ina.
"Dad!" Puno ng kalungkutang sigaw ng batang prinsipe kaya naman ay mas hinigpitan pa ng reyna ang yakap rito dahil kung siya ay nasasaktan, alam niyang mas nasasaktan ang kanyang anak dahil sobrang napaka-lapit nito sa ama.
"Hahahahahaha! Bagay lamang iyan sa iyo! Mang-aagaw!!! Hahahaha," parang baliw na tawa pa ni Lucas sa di kalayuan ngunit narinig pa rin siya ng ibang bampira lalong-lalo na ni Jason.
“Sa wakas magiging akin ka na rin Josephine! Hahaha,” mahinang sambit ni Lucas.
"Ikaw! Ikaw ang pumatay sa daddy ko!" Isang napakalamig at puno ng galit na sigaw ng isang batang lalaki ang nagpahinto sa tawa ni Lucas. Alam niyang kahit na bata pa lamang ito ay malakas at makapangyarihan na ito ngunit walang kaalam-alam ang bata sa kakayahan nito kaya kampante siyang mapapatay niya ang bata. Ang batang naging bunga ng pagmamahalan ni Rafael at Josephine.
"Oo bata ako nga! Haha! At ngayon ikaw naman ang susunod!" Sigaw ni Lucas sabay lusob sa batang prinsipe pero ang hindi niya inaasahan ay ang bigla niyang paghinto sa kanyang kinatatayuan at ang hindi niya maigalaw ang kanyang katawan na para bang na-estatwa siya sa pwestong iyon at ramdam niya rin ang sobra-sobrang lamig.
A-alam ng batang ito ang kapangyarihan niya? Isip ni Lucas
Nang dahil sa isiping iyon ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng takot at namutla ngunit mas lumala pa ang takot niya ng mapatingin siya sa mga mata ni Jason. Mga matang dati ay kulay asul pero ngayon ay magkaiba na. Ang kanan nitong mata ay kulay asul pa rin ngunit mas malalim na at ang kaliwang mata naman nito ay kulay asul at puti na.
"A-anong? Bakit ganya~" ngunit bago pa man ni Lucas matapos ang kanyang sasabihin ay may tumama na sa kanyang dibdib. Isang pana na katulad na katulad ng panang ginamit niya upang patayin si Rafael, ang ama ng batang nagtapon ng pana sa kanya. Isang panang gawa sa yelo. Maya-maya lang ay nararamdaman na niyang nawawalan na siya ng hininga hanggang sa siya ay tuluyan ng bawian ng hininga ay ang dalawang pares ng asul at puting mata lamang ang kanyang nakita.
*End of Flashback*