"Wala na buddy, baka hanggang pangarap ko na lang si Jig," malungkot niyang tugon. "Ano ka ba!,Habang may buhay ay may pag-asa. Baka sa pag-uwi ni Jig ay kayo na." "Ewan ko lang para kasing walang pagtingin si Jig sa akin." "Bakit tinanong mo ba?" "Hindi." "Iyon naman pala! Bakit hindi mo subukan para malaman mo ang kaniyang sagot." "Pero paano?" "Puntahan mo sa airport bukas." "Ano bang oras ang flight niya?" "Aaah — iyan ang hindi ko alam." "Buddy, paki-tawagan naman, oh." "Oh bakit ako? Ikaw na para kang hindi lalaki niyan," "E—ahh ... wala akong number." "Problema ba iyan? Oh ito! Tawagan mo na agad," sabi ni Juwi, sabay abot niya sa kaniyang phone para makita ang number ni Jig. Agad naman niyang tinawagan si Jig, sabay tingin niya sa oras ng kaniyang relo. "Mag-ala-una