PINUNTAHAN nila si Jig sa bulakan medyo may distansya rin ang layo mula sa kanilang bahay. Pagdating nila sa bulakan ay natanaw agad nila ang mga tao na sobrang abala sa pagka-cuting ng mga rosas at iba pang mga bulaklak. Dahil makipot na ang daan sa pook na iyon kaya naglakad na lang sila. Sa may 'di kalayuan ay natanaw nila si Jig na abala sa pagputol ng mga bulaklak at agad nila itong nilapitan. Simple lang ang suot ng dalaga naka short na maong at sando na kulay brown at pinarisan ng sport shoes na may kalumaan. Hindi niya napansin ang mga kaibigan dahil seryoso siya sa kaniyang ginagawa. Ingat na ingat si Maica na lumapit sa kaniyang likuran sabay gulat niya rito. Napasigaw si Jig, sabay lingon niya sa likurang bahagi. "Ang seryoso mo kasi!" ani Maica at humalakhak ito. "TF naman