CHLOE: NAPAKUNOTNOO ako na pagpasok sa unit naming mag-asawa ay napakatahimik ng buong unit. Napalunok akong nakadama ng kakaibang kaba sa dibdib. Dahan-dahan akong nagtungo sa silid ni Roselle. Napalapat ako ng tainga sa may pinto at pinakiramdaman ito sa loob pero wala akong marinig ni isang kaluskos. Maingat kong pinihit ang seradula at pigil hiningang sumilip pero madilim at napakatahimik. Napakapa ako sa switch ng ilaw na unti-unting ikinaliwanag ng silid nito. Pero nakakapagtakang wala ito at maging ang kama ay maayos pa rin na walang bakas na may nakahiga dito. "Roselle?" pagtawag ko na pina-normal ang tono. Pumasok ako ng silid na napapasilip. Pero hindi siya mahagip ng paningin ko. Nagtungo ako ng banyo pero napakalinis nito at tuyong-tuyo ang tiles na ikinakaba ko! "Nasaa