CHLOE: ILANG araw akong nasa hospital. Walang malay. Paggising ko siya namang katatapos na ng libing ni Roselle. Ni hindi ko manlang ito nakita kahit sa huling sandali. Para akong pinipiga sa puso na bagsak ang katawang nakasalampak dito sa harapan ng puntod nito at nakatitig sa pangalan nitong nakaukit sa kanyang lapida. "Ang daya mo. Ang sabi ko hintayin mo ako. . . b-bakit ka naman nang-iwan? P-paano ako makakabawi kung. . . kung w-wala ka na?" mapait kong saad. Napayuko akong napahagulhol na nakadantay ang kamay sa lapida nito. Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko na nagbabalik tanaw sa ala-ala ko ang lahat sa amin. Kung saan at paano kami nagsimula. Kung kailan at saan ko nakumpirmang nahuhulog na ako sa kanya. Pero dahil duwag ako ay hindi ko manlang nasabi ang totoong nar
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books