ROSELLE: PALAKAD-LAKAD ako dito sa balcony ng bahay ni Daddy Dwight. Nakahalukipkip at pinag-iisipan ang mga sinaad nito sa akin kagabi. Tama naman siya. Blessings in disguise ang nangyari para makalaya na ako ng tuluyan sa mapait kong nakaraan. Kahit na ang naging kapalit ng panibagong buhay ko ay ang pagkawala ng kakambal ko. Masakit. Sobrang sakit ng mga katotohanang nalaman ko sa buong pagkatao ko. Pero nasagot naman ang lahat ng katanungan sa isip ko. Kung bakit iba ang trato sa akin nila Mommy at Daddy kumpara kay Raquel. At ang gaan ng loob ko sa katulong naming siya pala ang tunay kong ina. Kaya naman hindi na rin ako nagtataka pang nagawa akong ahasin ni Raquel. Dahil hindi naman talaga kami magkadugo. At pinagpapasalamat ko ang bagay na 'yon. Na hindi ko siya. . . naging ka