Makalipas ang dalawang taon... Eksaktong kumakain kami sa mamahaling restaurant dahil isini-celebrate namin ang araw ng aking pagtatapos. Natilihan ako ng i-announce ni mama Dianne na nagdadalang-tao siya at hindi mapantayan ang kasiyahang mababakas sa kanilang mukha. Nagyakap pa sila at nakangiting sinabi pa sa akin na sa wakas ay magkakaroon na raw ako ng kapatid. Naikuyom ko ang kanang kamao habang nakatikom ang aking mga labi. Tipid na lang akong nagsalita ng congrats kahit pa isinusumpa ko ang pagkakaroon nila ng anak. At bakit hindi? Makakalimutan nila ako kapag nagkaroon na sila ng bagong baby. At dahil ampon lang ako, hindi na nila malalaman ang existence ko, gaya na lang ngayon. Parang sila lang ang nasa restaurant at excited na lumabas ang kinaiinisan kong baby. Saglit akong