Chapter 2:Secret
Krystal's POV
Nag uwian na, kaya umuwi na kami ni Faye sa dorm namin. Di talaga matanggal sa isip ko yung mga nakita ko kanina, natatakot parin ako. Lalo na sa sinabi ng THE QUEEN bah yun? Di naman siya mukhang reyna. Nakakapagtaka lang .
Madaming tumatakbo sa isipan ko, kung ano nga ba talaga ang sekreto ng school na toh. Bakit bah naging hidden university ang school na toh.
Kung sino ang pumatay sa lalaki kanina, at kung bakit siya pinatay. Ganun na ba kadali ang pumatay? Hindi ba sila natatakot na baka bumalik ang karma sa kanila?
Grabe na talaga toh, ayoko na dito. Unang araw palang andami na naming nakikita na hindi dapat nakikita sa normal na paaralan.
Wait, asan na nga pala si Faye, kanina andito lang yun ah. Antagal naman ata nyang mag CR.
"Faye??!" tawag ko sakanya na umalingawngaw sa dorm namin. Nag ikot ako, sa buong bahay dahil wala siya. Baka nananakot nanaman yun. This is not a right time for that.
"Ano ba Faye! Asan ka na bah? Di ako nkikipaglokohan" galit na sigaw ko. Pero wala parin siya. Kaya naisipan kong lumabas, pero natatakot ako. Dahil nga baka patayin nila ako, or dukutin ako tapos pahirapan..
"Haist, nababaliw kana bah Krystal! Hahanapin mo lang naman si Faye eh". Oh diba kinakausap ko na ang sarili ko. Lumabas na ako para hanapin siya, medyo madilim na rin kaya nagdala ako ng flashlight. T*ng*na ayoko talagang lumalabas pag gabi. San ka na bah kasi Faye!
===
Faye's POV
Lumabas ako ng dorm namin ng hindi nagpapaalam, dahil di ako papayaagan nun, pag iniwan ko siyang mag isa. May nakita kasi akong babae sa likod ng dorm namin, nakauniform parin siya. Alam kong delikado na lumabas ng gantong oras, pero baka makakuha ako ng mga detalye sa kanya. Kung ano nga bah talaga ang sekreto ng school na ito.
Nilapitan ko siya. Nagcecellphone kasi siya kaya naistorbo ko siya.
"Miss" mahinang tawag ko sakanya, kaya lumingon siya sa akin. At inaaninag ang itsura ko.
"B-bakit ? S-sino ka?" nanginginig na tanong niya sa akin. Natatakot siya sa akin. Katakot takot ba ako!
"Miss, wag kang matakot wala akong gagawing masama. May gusto lang akong malaman" mahinahong sabi ko sakanya. Kaya lumapit siya sa akin
"Anong gusto mong malaman?" tanong niya sa akin.
"Tungkol dito sa Univer—" bago ko pa ituloy ang sasabihin ko pinutol niya agad ang sasabihin ko
"Shhh! Wag dito. Tara, pumunta tayo sa dorm ko" mahinang sabi niya sa akin. At nagmasid masid habang papunta kami sa dorm niya. Malapit lang iyon sa dorm namin. Pero mas nauna ang dorm niya kesa sa amin. Pumasok na kami doon at pinaupo niya ako.
"Ipangako mo saakin na wala kang pagsasabihan, na sinabi ko ito sa iyo. Im, Selene"
"Pangako"
"Itong paaralang ito ay pinatayo ng tatay ni King, kasama ang kanyang kaibigan na si Mrs. Lucillia ang admin ng school na ito. Pinatayo nila ang school na toh para sa mga estudyanteng hindi pinapahalagahan ang pag aaral. Pero baka nagtataka ka kung bakit paaralan ang ipinatayo nila. Dito sa school na toh, iba ang itinuturo nila. May mga teachers na nagtuturo ng mga normal subjects like math,science, english etc. May iba namang nagpapaturo ng PAGPATAY. " kinabahan ako sa huling sinabi niya, seryoso bah siya!
"Ang tatay ni King ay isang kriminal mula sa Europe, kaya alam niya ang mga paraan ng pagpatay. Kaya natuto ang anak niya, pati ang sarili niyang asawa ay pinatay rin niya. Pero walang magagawa si King dahil naimpluwensyahan na siya ng tatay niya. So,dahil mayaman sila, pinatayo nila ito. Wala namang tao ang gustong mag aral sa ganitong paaralan, pero dahil sa kakayahan ni Mrs. Lucillia na manghypnotize. Napadami nila ang mga mag aaral dito kasama na ako doon at kayo din.. Pero wala ng sinuman ang nakakalabas sa paaralang ito. Kaya dito narin kayo mamamatay." nakangising sabi niya. Creppy huta
"Huh? Eh anong sekreto dun?"
"Ito na nga. Namatay ang tatay ni King ng walang nakakaalam kung bakit o papaano siya pinatay. Basta alam ni King na nandito lang yun sa loob ng school na toh. At hindi pa nakakaalis or nakakatakas. Ginawa nilang libre ang pag aaral dito ,alam mo kung bakit?" umiling nalang ako sa tanong niya.
"Dahil, papatayin nila tayo lahat. Araw araw may pinapatay sila. Base yun sa number na binigay sa inyo"
"Wala namang binigay samin eh" paliwanag ko .
"Look at your uniform. Sa loob nun ay may number ng date kung kailan ka papatayin.. BUT pag napasali ka sa TOP 10 STUDENTS ng buong university, may karapatan kang mabuhay ng matagalan or MAMUNO. Si King ang una sa listahan pumangalawa si KIB ang pangalawang mataas sa buong estudyante dito. Sumunod ay si Elyza ang babaeng kinakatakutan dito."pinutol ko ang sinabi niya
"Siya bah yung babaeng hanggang balikat ang buhok tapos may logo ng korona tapos may dugo? Sya bah yun?" tanong ko sakanya
"Exactly. Nagkita na pala kayo, so mag ingat sakanya"
"Siya ba ang Queen?"
"What?? No! Walang Queen dito. Hindi pa napapaibig ang King. Kaya nga maganda yun eh, hindi lalala ang kasamaan dito. "paliwanag niya na natatawa
"Ha!? Pero yun yung sinabi niya" nagtatakang sabi ko sakanya pero umiling iling nalang ito.
"Medyo gabi na. Pwede ka ng umuwi. Pero, dahil nalaman mo na ang sekreto, marami ng mata ang nakatingin sayo. At kating kating patayin ka" tumawa siya ng malakas at lumabas na ako .. Papunta sa dorm.
Andami kong nalaman, pero mamamatay na rin naman ako. Kaya susulitin ko na ang mga araw ko. Titignan ko kung ano ang number na binigay sa akin ni Mrs. Lucillia. Pero paano si Krystal, alam kong mahihirapan siya pag nawala ako ,kaya habang nabubuhay pa ako. Poprotektahan ko siya at ilalabas sa school na ito.
"Faye,! Ano ka ba naman o-o kanina pa kita hinahagilap kung saan saan ka na nagpupunta. Alam mo namang delikado ,lalo na pag gabi." halos tumalon ang puso ko. Dahil sa paggulat sa akin ni Krystal. Kanina pa siguro ako hinahanap nito. Pero dapat di ko sabihin sa kanya ang mga nalalaman ko. Dahil baka mapahamak din siya, ayoko mang yarensa kanya yun.
"Hoyy ano bah!" nabalik ako sa katinuan dahil sa pagwave ng hand niya sa mukha ko
"Sorry bess. Nagpahangin lang ako, tara pumasok na tayo sa loob" napaisip lang siya ,at pumasok na kami sa loob ng dorm para kumain at matulog na.
Sasabihin ko na kaya?