Chapter 1:Welcome To HU

1445 Words
Chapter 1:Welcome to HU Krystal's POV Maaga kaming nagising ni Faye dahil pupuntahan namin ang school na sinabi sa akin nung babae. Nagdala kami ng mga damit dahil baka pagdating namin dun ay magsimula na kaming mag aral. Mas okay na yung ready, nagdala rin kami ng pera para sa tuition fee. Hindi alam ng parents ko na lilipat ulit ako ng school. Well I dont need to inform them maybe Im just annoying for them. Nung pinuntahan namin ang address na yun. Nagtaka kami na gubat ito. Naglakad kami papunta dun. Masyadong madaming puno walang katao tao. Kaya pala tinawag na hidden university dahil tagong tago talaga. "Krys, school ba talaga ang pupuntahan natin? Parang mag ha-hiking lang ata tayo eh" reklamo ni Faye, sabagay tama naman siya kanina pa kami palakad lakad pero di namin makita kung saan ba yung school na yun "Hay naku. Wag ka ng magreklamo, ginusto mo rin kaya toh" sabi ko sakanya at nagpatuloy na kaming maglakad. "Ayun oh, may tao, tanungin ntin" turo niya sa lalaking naglalakad, nilapitan namin yung lalaki at nakakapagtaka dahil may dala siyang pang ngangaso "Manong pwede po bang magtanong?" tanong ni Faye sa lalaki "Ano yun?" "Saan po ba dito yung Hidden University?" tanong ko sakanya at ngumisi ito.. Nakakatakot "HAHAHAHA sigurado ba kayo?" nagkatinginan kami ni Faye sa sinabi nung lalaki. "Opo" sambit ni Faye "Halikayo, sundan niyo ako" sumunod nalang kami at naglakad, medyo malayo ang napuntahan namin. Ilang minuto lang ay narating na namin ang Hidden University, ibang iba ang larawan na binigay samin sa nakikita namin ngayon. Luma na ang gate nito parang kinakalawang na. Pumasok kami at may sinwipe na card yung lalaki sa gate, dahilan ng pagbukas ng gate. Kaya namangha kami ni Faye. Sinundan lang namin ang lalaki. Pagkapasok namin bumungad sa amin ang mga estudyante ang dami nila, yung iba mukhang problemado ,yung iba ang daming tattoo di ba nila pinagbabawal yan? May nakita rin kaming iba ang uniform ng iba. Nakablack sila na may nakalagay sa braso na HG yung iba naman is normal lang ang uniform kulay blue ito. Pinapasok kami ng lalaki sa isang office at lumabas na yung lalaki. "Good afternoon to the two of you. Im Mrs. Lucillia" nagulat ako sa nagsalita, siya yung ,siya nga. "I-ikaw?" nauutal na sabi ko ,ngumisi na naman siya .. Nakakatakot naman toh. "Yes, at mukhang may sinama kang isa... Mag eenroll na ba kayo?" tanong niya sa amin habang nakaupo siya sa swivel chair pinagmasdan niya mula paa hanggang ulo si Faye at ngumiti lang ito. "Opo"sagot ni Faye. Sinenyasan niya kami na umupo sa sofa, at sumunod naman kami. "So, magkano po ung bayad dito?" tanong ni Faye "WALA." seryosong sagot nito. nakakapagtaka naman na walang bayad ang school na toh. Eh ang gaganda ng uniform nila tapos walang bayad? Imposible talaga "Seryoso?" biglang tanong ni Faye. "Yes.. Pero may mga rules dito na kailangang sundin para hindi mapahamak ang buhay nyo" nagtaka kaming dalawa sa sinabi niya. Mapahamak ang buhay? Anong ibigsabihin nun? "Anong rules?" sabay na tanong namin ni Faye "First of all, SHUT YOUR MOUTH AND KEEP YOUR SECRETS ON YOUR OWN. IN THIS UNIVERSITY THERE IS NO ONE THAT YOU CAN TRUST. Second, sa school na toh madaming sekreto kaya dont let your curiosity drives you! And the last but definitely not the least STALKERS ARE DANGEROUS THEY ARE WATCHING YOU!" natakot ako sa mga pinagsasabi niya. "Totoo po ba yan?" seryosong tanog ni Faye biglang tumawa ng mala demonyo si Mrs. Lucillia. "BWAHAHAHAH! OFCOURSE!" pinandilatan niya kami ng mata kaya natakot kami.. "Ito ang mga uniforms ,schedule at susi ng dorm niyo" binigay niya sa amin ang mga uniforms ,sched, at susi. "At pirmahan niyo ito.. Paladantaan na the two of you are PERMANENT STUDENT OF HIDDEN UNIVERSITY" diniinan niya ang pagsabi ng huling mga salita, sinunod nalang namin siya. At lumabas na kami sa Office niya. Pumunta na rin kami sa Dorm namin... Alas 7 na pala kaya inayos na namin ni Faye ang mga damit namin cabinet at kumain narin.. "Krys, tama ba yung desisyon na ginawa natin?" tanong sa akin ni Faye habang kumakain kami. Napahinto naman ako sa pagkain at nag isip "Ewan ko.. Siguro tama naman din.. Pero pag hindi natin nagustuhan ang school na toh, aalis agad tayo dito." sagot ko sa kanya kaya tumango nalang siya.. Natulog na kami para maghanda bukas sa unang pasok namin sa school. === Faye's POV First day of school namin ngayon, so maaga akong nagising para magprepare. Maaga ding nagising si Krystal para mag ayos na.. Sinuot ko yung uniform na binigay sa amin nung Mrs. Lucillia na yun. Sobrang ikli ng skirt tapos ung pantaas namin is color blue yung lace . Ang haba din ng medyas na pinasuot sa amin. Parang pang korean yung uniform na ibinibigay nila, diba dapat may bayad ang ganitong mga kinds of uniforms ang cu-cute. "Tara na Krys, pumasok na tayo baka malate tayo sa first day of school" pag aapura ko kay Krystal na nagsusuot ng medyas, nakalugay lang siya at ako naman ay naka pusod lang ang buhok. "Ito na." lumabas na kami sa Dorm namin at pinuntahan ang first subject namin ,halos lahat ay nakatingin sa amin . Bakit ,masyado ba kaming maganda sa paningin nila kaya masama ang tingin nila samin? Wala bang ibang transferre na pumupunta dito? Yung iba masama ang tingin sa amin at pinagbubulungan kami. Yung iba naman parang nag aalala,tapos yung iba naman parang may masamang balak samin,ewan ko ba sa kanila. Pumasok na kami sa room namin. So ano pa nga bah, nakatingin nanaman sila sa amin. Umupo kami ni Krystal sa likod ,pero nakatingin parin yung iba... "Faye, bakit ba ganito sila?" bulong sa akin ni Krystal. "Ewan ko bah" sabi ko sakanya. Narinig ko na nagchichismisan yung nasa unahan namin. "Siguro isa sila sa mga nabiktima nanaman ni Mrs. Lucillia" "Kaya nga eh, bakit ba nila naisipan na mag aral dito?" "Nakatingin na sakanila ang mga masasamang mata" Nagulat ako sa mga pinagsasabi ng mga toh ,masyado naman sila. Ano ba kasing problema ng mga ito sa amin "Faye, bat wala pang teacher?" tanong ulit sa akin ni Krystal.. Aba ewan ko bah, "Bess naman. Katulad mo rin ako hindi ko alam nuh!" bulong ko sakanya kaya natahimik nalang siya. Ilang minuto rin ay may narinig kaming sumigaw galing sa labas. Kaya nagsilabasan ang mga classmate namin, syempre naki syoso nalang din kami. Natanaw namin mula sa ground na may lalaking pinatay. SHOCKS! SINO BA ANG TAONG WALANG KARUMALDUMAL NA GUMAWA NIYAN. May saksak ito sa leeg at nakatali ang mga kamay nito sa likod niya at ang mga paa nito ay nakatali rin nakaluwa ang dila nito at pinaghihiwa ang dila. Napakadami niyang sugat at ang daming dugo ang umaagos sa leeg niya. Nakakadiri "HALA!" nagulat si Krystal sa nakita niya kaya halos maiyak siya dahil ayaw niyang nakakakita ng mga patay ,lahat naman ng tao ganun.. Kaya napayakap nalang siya akin.. Pinatahan ko siya. "Shhh.. Wag ka ng umiyak bess. Aalis na tayo dito" "P-pano k-kapag di nila tayo p-palabasin?" umiiyak na sabi nito. Pinunasan ko ang luha niya bumalik muna kami sa loob ng room para patahanin siya. Ilang minuto rin ay tumahan na siya.. "Faye, ayoko na dito. Dapat pala di na tayo pumasok pa sa paaralang toh. Masyadong delikado" nag aalalang sambit ni Krystal "DELIKADO TALAGA" singit ng isang babae na nakatayo sa harap namin. Ang puti niya at nakakulay black siya na uniform. Mukhang maldita ang awra nito. "Sino ka?" tanong ko sakanya at pinagmasdan kung ano ang nasa kamay niya. Meron itong tattoo at nakasulat na THE QUEEN at may korona na may dugo sa taas. "Im the Queen of this university. You know what? Hindi niyo ginagamit ang utak niyo dahil basta basta nalang kayong nakukumbinsi ng mga taong hindi niyo manlang kilala " umikot siya sa amin habang nakahawak sa bewang , ang sama naman niya para sabihan kaming hindi ginagamit ang utak. "What do you mean?" tanong ni Krystal sakanya at tumayo "Hindi niyo alam kung ano ang pinasok niyo. Im warning you, wag niyong paiiralin ang kuryosidad niyo.. Dahil ito rin ang ikapapahamak ninyo ... Gaya ng nakita ninyo sa labas" nagulat ako sa sinabi niya dahil alam niya kung ano ang dahilan ng pagkamatay nung lalaki. Baka soya ung pumatay. "Thats an order from THE QUEEN" umalis siya sa harapan namin at naiwan kaming tulala. Bakit may queen pa silang nalalaman, diba dapat ang mga teachers or nakakatanda ang QUEEN? HINDI ANG MGA STUDYANTE? Ano ba ang nangyayare? Ano ba talaga ang sekreto?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD