As soon as they landed at the airport ay agad na nagtungo ang dalawa sa café na una nilang nakita. Hila-hila ni RJ ang mga maleta nila ni Amarah nang pumasok sila doon at agad naghanap ng mapupwestuhan. “Anong kakainin mo?” tanong ni Amarah nang makaupo sila sa bakanteng lamesa at tumingin sa menu board. “Anong sa iyo?” balik-tanong naman sa kanya ni RJ. Hinarap ito ni Amarah at nakita na kasalukuyan nitong itinatabi sa gilid ang dalawang malaking maleta para hindi makasagabal sa ibang nandoon. “I want to try their pasta, but the Chicken Teriyaki sounds good,” sagot niya saka ibinalik ang tingin sa menu board nang makita na humarap na sa kanya si RJ. “Then I’ll have the chicken teriyaki and you can order your pasta,” sagot naman ni RJ. Tumango si Amarah saka tumayo at naglakad patu