Nang mapagod ang magkapatid sa shopping galore nila ay nag-aya si Amirah na kumain muna bago magpunta sa isa pa nilang destinasyon. They chose to eat at an expensive restaurant na ang specialty ay tomahawk steak. Amirah loves meat so much at dahil mahal siya ni Amarah ay pumayag siya kahit na ang plano niya sana ay bumalik sa pag-da-diet. “Do you mind if I told you na you gained weight in a span of month?” wika ni Amirah nang makaupo sila sa table. Napabuntong hininga naman si Amarah sa narinig saka tumango. “I don’t mind because it’s true. That’s why I wore this black dress today. Hindi na kasya iyong mga pants and shorts ko,” sagot naman ni Amarah saka muling huminga ng malalim. She tried wearing her pants and shorts before they left the island at naaalala niya pa ang pakiramda