Attractive para kay Amarah ang lalaking marunong magluto kaya talaga nga naman na hindi niya maiwasan na hindi mamangha kay RJ. Lalo na ng matikman niya ang luto nito at masasabi na talagang he’s a good catch! Reymar Joseff Allegre is such a husband material, nasa kama man o hindi. Kahit papaano ay may mabuti rin na naidulot ang arranged marriage na ito dahil hindi basta-basta ang napangasawa ni Amarah. Pagkatapos kumain ay si RJ na ang nag-volunteer na magligpit at maghugas dahil si Amarah naman daw ang nagligpit ng mga damit nila at naglaba. Hindi na lamang nakipagtalo pa si Amarah at naglakad na lamang palabas ng bahay at nakayakap na naglakad sa buhanginan. It’s been three days simula ng makarating sila dito pero ngayon pa lamang niya mararanasan ang pinong white sand na