“I realized how stupid I am, and I want to say sorry,” sabi pa ni Amarah. “Wala ka naman ginawa kaya bakit ka nag-so-sorry?” takang tanong naman ni RJ. Hindi nagsalita si Amarah at nanatili lamang na nakasubsob sa likod ng asawa niya. Sa totoo lang ay wala na sa kanya ang nangyari kanina at handa na rin siya na kalimutan iyon. Hindi lang niya alam kung paano i-approach ang asawa at ito ang naisip niya na paraan. Ngayon niya lamang napagtanto na masarap pala na yakapin si RJ at mabango ang natural scent na nanggagaling dito. Lagi kasi ito ang yumayakap sa kanya sa tuwing cuddles nila after s*x kaya ngayon lamang niya ito napagtanto. Amarah let her guard down kaya hindi niya inaasahan ang biglang pagpihit paharap sa kanya ni RJ. Hinawakan nito ang baba niya at pilit na in