“RJ? Why are you here?” “I brought you these,” sagot naman nito sabay turo sa mga paper bags na nasa ibabaw ng center table. “Hindi ka masyadong nakakain kanina and I thought you don’t like the food that’s why I ordered from your favorite restaurant,” dugtong pa ni RJ. “Thank you,” wika naman ni Amarah saka nagbaba ng tingin. Ngayon at alam niyang buntis siya ay hindi niya alam kung paano ito sasabihin kay RJ. Hindi siya sigurado sa kung ano ang magiging reaksyon nito pero ngayon pa lamang ay natatakot na siya. “Are you okay?” tanong pa nito at akmang lalapit sa kanya nang mabilis na humakbang paatras si Amarah kaya napatigil sa paghakbang si RJ. “Is there something wrong?” tanong muli ni RJ na mababakasan nang pag-aalala ang boses. “No, I’m fine,” wika naman ni Ama