“Are you busy?” bungad na tanongn ni Amarah matapos buksan ang pinto ng opisina ni RJ at makita ito na nakasubsob sa lamesa. Mula naman sa pagbabasa ng mga documents ay nag-angat ng tingin si RJ at bahagya na nagulat nang makita ang napakaganda niyang asawa na nasa harapan. She’s not smiling but RJ still find her attractive lalo na sa suot nitong red dress kung saan kitang-kita ang hubog ng katawan nito. Bahagya na tumikhim si RJ nang makabawi sa sandaling pagkatulala dahil sa angking kagandahan ng asawa at tumayo mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair, naglakad siya palapit dito at pinulupot ang braso sa baywang nito saka masuyo na hinalikan ang pisngi. “What are you doing here?” nakangiti niyang tanong. “I want to eat late lunch with you. Are you busy?” sagot naman sa