It was past midnight nang maunang umakyat si Amarah sa hotel suite na nakalaan para sa kanila ni RJ. She’s so exhausted at gusto ng matulog. Kanina pa siya hikab ng hikab at halos bibigay na ang mga mata kaya nang makahanap siya ng pagkakataon ay agad siyang umalis sa lugar na iyon at nagtungo sa elevator. Good thing ay walang nagbabantay dahil walang kahirap-hirap na nakatakas siya sa sarili niyang party. Hindi na rin niya nagawang magpaalam pa kay RJ na bigla na lamang nawala matapos nila makipag-usap sa mga kaibigan nito. Pagkapasok niya sa penthouse ay hindi na siya nag-abala na libutin ito ng tingin at agad na humarap na lamang sa full-length mirror para pagmasdan ang sarili. She’s still wearing her expensive wedding gown ngunit nakayakap na siya matapos hubarin ang wh