“BAKIT GANIYAN ANG MUKHA MO?” tanong ni Cerlance nang makapasok siya sa kotse.
Naupo siya sa front seat at inabot ang cellphone pabalik dito. Napatitig ito sa mukha niya at nakita mula roon ang pagkailang.
Bakit hindi siya maiilang, eh kung ano-ano ang mga sinabi ni Ivan sa kaniya bagyo ito nagpaalam.
“He’s driving me crazy,” she remembered telling Ivan.
“I would, too, if I were you! Nakakainis ka! Hindi ka naman sobrang maganda pero nakukuha mo ang mga A-grade na lalaki! Hmp!”
Umikot paitaas ang mga mata niya. “It’s not about the beauty, Ivana. Kahit maganda ang isang babae kung boring naman ang character ay wala rin.”
“Well, go get him! Nasaan na kayo ngayon?”
“We are in Danao—”
“No, I mean… nasa harap ba kayo ng hotel o nasa daan pa rin? May naririnig akong ingay sa paligid.”
“That’s because we are on the side of the road—at hinihintay na ako ni Cerlance sa kotse.”
Ivan giggled on the other line. “Alam kong konsintidora akong friend, at alam kong mali itong sasabihin ko, pero mas maigi na itong naglalaro ka nang ganito kaysa ilugmok mo ang sarili mo sa walang’ya mong ex. Pero… if I were you, Shellany Marco, I’d start flirting with that hot driver until he wouldn’t let me go. Ibibigay ko ang best ko para hindi niya ako kalimutan at hanggang sa mabuang siya sa akin. It’s always better na mas baliw ang lalaki sa’yo than the other way around, ‘no.”
“I don’t think na mababaliw sa akin ang lalaking iyon, Ivana. He is reserved, and he blatantly told me na hindi siya nakikipag-relasyon nang seryoso sa mga babae. At tama ka, ang totoong kaibigan ay hindi sasabihin ang mga sinabi mo, gaga ka.”
“Well, that means nakikipag-plastikan lang talaga ako sa’yo at hindi kita mahal bilang kaibigan.”
She smiled at Ivan’s sarcastic tone.
“Pero sabi ko nga, mas maigi na ‘yang nakikipaglaro ka sa lalaking iyan kaysa ang umiyak ka at magpakalasing sa walang itlog mong ex. But make sure, Shellany, na hindi mo iiyakan itong Cerlance Zodiac na ito. Dahil kapag nangyari iyon ay sasabunutan talaga kita hanggang sa ma-kalbo ka!”
“I know! H’wag kang mag-alala at hindi ko naman sine-seryoso itong lalaking ito. We both know the score—we both just wanted to have fun, no strings attached.”
“Tse! No strings attached ka r’yan, eh halos lahat ng alam kong may ganiyang drama ay nahulog din sa isa’t isa bandang huli! Kahit sa mga movies and books ay ganiyan ang nangyayari, aba? Imposibleng walang feelings na ma-develop sa pakikipag-plokplokan, Shellany. Kaya h’wag mo nga akong bidahan sa pa-no strings attached mo na ‘yan. H’wag ako!”
She smiled at Ivan's preaching. “This is what I missed about you, Ivana. Ang mga sermon mo.”
“Don’t digress, Shellany. Pinapaalahanan kita na mag-ingat ka. Dahil kung hindi ka mag-iingat, tatlong bagay ang makukuha mo pagkatapos nitong kalokohan mo.”
“Tatlong bagay?”
“Sakit, wasak na puso, o anak! Pili ka sa tatlo—pwede ring all of the above.”
“Gaga!” Natawa na naman siya. “None of the above, syempre!”
“Siguraduhin mo lang!”
Napasulyap siyang muli sa kotse, at doon na niya nakita si Cerlance na sumenyas. He was pointing at his watch, gesturing that they should leave now.
“Hey, Iv. We gotta go.”
“Okay. But Shellany, listen.” Nagpakawala muna ng buntonghininga si Ivan bago nagpatuloy. “Katulad ng sinabi ko kanina… Kung sakaling sa maganda mauwi itong namamagitan sa inyo ni Poging Driver, Sweet Lover… ay mas matutuwa ako. He seemed like a decent man despite his rudeness. Alam kong napikon lang siya dahil sa nangyari noong sunduin ka sa condo mo kaya siya nagsusungit. But I know that he cares because whenever I called and checked on you, ay nahihimigan ko ang pag-aalala niya sa wellfare mo. Pinagalitan pa nga niya ako—bakit ko raw hinayaang ma-involve ang kaibigan ko sa mga tulad ni Knight.” Ivan chuckled. “I like the man. But I feel sorry for him dahil lumalabas na ginagawa mo siyang panakip-butas. But hey, I couldn’t blame you. He is one hell of a gorgeous man; kahit ako'y makikipaglaro ng apoy kasama siya."
Panakip-butas...
Napa-isip siya sa sinabi ng kaibigan.
Somehow... Ivan was right. She was just using Cerlance to forget the pain she had in her heart and to digress her thoughts to something else.
Cerlance was just a rebound... and somehow, she felt sorry for him, too.
Pero sa tingin niya'y quits lang sila ng lalaki.
Because Cerlance wanted nothing from her but se.x.
"Still there, Shellany?"
Tumikhim muna siya bago sumagot. “Hey, Ive. Uhm…”
“What?”
“I have a question and it's so crazy I don't know how to start."
"Well, just get straight to the point at lumalaki na itong charge ng call ko."
Muli siyang tumikhim. "What do you think I should do to keep the man? I mean, not specifically Cerlance, but you know what I mean. Matapos akong iwan sa ere ni Knight ay nawalan ako ng bilib sa sarili ko. He probably got tired of me or Im probably not a keeper. Napapaisip ako madalas na baka wala akong kakayahang mag-alaga ng relasyon at baka hindi ko nabibigay nang maayos ang pangangailan ng partner ko kaya ako iniwan. So… ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?”
Ivan chuckled merrily. “Girl—men are crazy with only two things. One is women’s cooking. Two, 'heads'.”
“I can definitely not cook—”
“It’s 'heads', then. Give him heads and he’ll follow you like a dog to its master.”
“When you say heads… ang ibig bang sabihin ay—”
“Blow.jobs.”
“Maryosep, Ivana!”
Ivan chuckled one more time. “Goodbye now, Shellany. Good suck—I mean luck. Good luck.”
Doon natapos ang usapan nila ng walang’ya niyang kaibigan, at nang bumalik siya sa kotse ay hindi mawala-wala sa isip niya ang tungkol sa suhestiyon ni Ivan.
Umangat ang tingin niya kay Cerlance na naghihintay ng sagot. She gave him an awkward smile.
“W-Wala naman. May sinabi lang si Ivan na… gumulo sa isip ko.”
Ipinatong muna ni Cerlance ang cellphone nito sa ibabaw ng dashboard bago muling nagsalita. “Pray tell?”
Umiwas siya ng tingin. “H’wag na. It’s a discussion between best friends.”
Cerlance said no more. Balewala itong nagkibit-balikat saka ini-suot nito ang seatbelt. Matapos iyon ay minaniobra nito ang sasakyan na ikina-lingon niya.
What happened to the plan? Akala pa man din niya’y may gagawin sila sa driver’s seat…
“Don’t get disappointed,” Cerlance said, grinning. Ipinatong nito ang kanang kamay sa headrest ng upuan niya habang ang isa’y nakahawak sa manibela. Lumingon ito sa likuran upang i-atras ang kotse. “I agreed to do it with you in the driver’s seat, but I didn’t say right now, right here. Wala akong balak na mag-live show sa gilid ng daan.”
“So, you can read minds now, huh?”
“Alam ko na ang takbo ng isip mo, Shellany. I was not born yesterday.”
Napalabi na lang siya at napatitig sa nakaka-akit nitong mukha. This guy really looked so gorgeous it took her breath away— not in a romantic kind of way, but more on s****l. Kahit wala itong gawin ay naaakit siya, at inaamin niyang kabilang siya sa mga marurupok na babaeng madaling nahuhulog sa patibong ng mga kagaya nito.
Habang abala si Cerlance sa pag-atras ng kotse upang makalabas mula sa parking space, at habang nakatulala siya sa mukha nito'y bumuka ang kaniyang bibig at nagsabing...
“Hey, can I ask you a question?”
Sandali lang siya nitong sinulyapan bago nagpatuloy sa ginagawa. "Spill it."
“Mahilig ka ba sa babaeng marunong magluto?”
“Sino’ng lalaki ang hindi?”
“So, gusto mong marunong magluto ang mga babaeng nakaka-fling mo?”
“It doesn’t matter, really. I know how to cook my own meal.” Tuluyan nang nailabas ni Cerlance ang kotse sa parking space at ini-abante patungo sa kalsada. Hinayaan muna nitong makalampas ang magkasunod na mga tricycle na may lamang mga pasahero bago nito inilabas sa kalye ang kotse. “Besides, hindi obligasyon ng mga babaeng nakaka-fling ko na paglutuan ako; I don't want them in my kitchen— I want them in my bed."
Napakagat-labi siya nang makita ang bahagyang pag-ngisi ni Cerlance sa huling sinabi; ang tingin nito'y diretso sa daan nang muling nagsalita;
"What made you ask, by the way?"
With a mental shrug, she answered, "Nothing... Napapaisip lang ako kung ano'ng tipo ng babae ang gusto mo."
"I don't have a type, Shellany. I'm probably one of those guys who didn't have a yardstick when it comes to women. And to be honest, hindi ko pa nakikilala ang babaeng masasabi kong 'tipo' ko."
Hindi pa nakikilala...
Ibig sabihin ay ligwak na rin siya.
She wasn't special. There was nothing special about her.
Kaya nga siguro naumay si Knight sa kaniya at iniwan siya.
Huminga siya ng malalim at inituon ang tingin sa labas ng bintana. Hindi siya maaaring manatiling ganito habang buhay. She had to find something about her that people would consider special. Lahat ng tao ay may special qualities within them, at alam niyang mayroon din siya no'n. All she had to do was to find out what it was and show it to the world.
Baka dumating ang araw na... may lalaking magpahalaga sa kaniya. Lalaking hindi tulad ni Knight na iiwan siya sa ere, at hindi tulad ni Cerlance na laro lang ang gusto mula sa kaniya.
She couldn't help but take pity on herself.
Men treated her the way they did because she allowed them to; kaya ano ang dina-drama niya?
"Are you okay?"
Napukaw siya sa pag-iisip nang marinig ang sinabi ni Cerlance. Ibinalik niya ang tingin dito at sandaling nagtama ang kanilang mga tingin nang sulyapan siya nito bago ibalik ang tingin sa daan.
"Matapos kayong mag-usap ng kaibigan mo'y may nag-iba sa'yo. And all of the sudden, magtatanong ka kung ano ang tipo ko sa babae. Did your friend urge you to cross the line?"
Cross the line? Ano ang ibig sabihin no'n?
"He didn't ask you to find out what I like about women, did he?"
"If he did, crossing the line ba para sa'yo 'yon?"
"Yes."
"Why so?"
"People who agreed to be in the same situation we are in don't ask personal questions, Shellany. They shouldn't be talking about their future either. They don't have deep conversations, nor discuss what they like or dislike about certain people. They just talk about what they want from each other, and what they wanted to do when they're in bed. Plain and simple."
"Well, sorry. First time kong pumasok sa ganitong sitwasyon, at hindi ako na-orient sa mga regulasyon. Geez." Inikutan niya ito ng mga mata saka muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Malay ko ba sa mga regulasyon ng no-strings-attached relationships?
Hindi na muling nagsalita pa si Cerlance, habang siya naman ay nagtaka nang may mapansin ang pamilyar na daan na tinatahak nila.
"Where are we going, anyway?"
"Back to the mall."
"Why?"
"You'll see why."
Hindi na siya nagpumilit pa at inituon na lang ang tingin sa harapan. Hinayaan niya si Cerlance na tahimik na magmaneho hanggang sa matanaw nila ang mall. He drove the car into the underground parking area. Hindi tulad kanina noong una silang manggaling doon, ay medyo puno ang madilim na parking space ng mall, at ang unang bakanteng pwesto na nakita nila ay doon pa sa sulok na bahagi.
Doon ini-diretso ni Cerlance ang sasakyan.
Nang patayin nito ang makina ng kotse at tanggalin ang seatbelt ay muli siyang humarap dito. Nahinto ang akma nitong pagbukas ng pinto sa bahagi nito nang muli siyang nagsalita.
“I have one more question before we get off this car."
Cerlance turned to her with a frown on his forehead. “You have too many questions, Shellany, and I might not answer any of them anymore.”
"Ahh, Cerlance. Siguradong sasagutin mo ang isang 'to."
Umayos ng upo si Cerlance at hinarap siya. "Go on, then."
Humugot siya nang malalim na paghinga. Itatanong niya ang isang bagay na sinabi sa kaniya ni Ivan kanina.
"Mahilig ka ba sa babaeng mahilig lumuhod?”
Matagal bago rumehistro sa isip ni Cerlance ang kaniyang sinabi. Ang pagkamangha ay unti-unting bumahid sa anyo nito.
"What?"
“Malinaw mong narinig ang sinabi ko.”
“I heard you loud and clear, but I need you to elaborate on what you said.”
Muli siyang huminga nang malalim. “Do you like receiving heads, Cerlance?”
Sandaling nawalan ng sasabihin si Cerlance at nanatili lang na nakamata sa kaniya. Mangha ito sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Siguro ay inisip nitong babarahin niya ito ng mga tanong na hindi nito gustong marinig.
But...
"That's the kind of question I wanted to hear from you, Shellany." Then, Cerlance's lips stretched up for a wicked smile.
Napangiti rin siya. "So, ano ang sagot mo?"
“Katulad din sa una mong tanong kanina; sinong lalaki ang hindi gustong makatanggap ng ganoon?”
“Then, would you like me to give you one now, Cerlance?”