NAPANGUSO SI SHELLANY NANG BITIWAN SIYA NI CERLANCE matapos nilang makalayo sa restaurant. Narating nila ang parking space kung saan nila iniwan ang sasakyan ilang metro ang layo mula sa kinainan nila. It was a public parking space in the middle of the city, at ang mga nakaparada roon ay ilang mga private vehicles at motorsiklo.
Si Cerlance ay ini-patong ang dalawang kamay sa magkabilang gilid at mangha siyang hinarap.
Napatingala siya at akmang hihingi ng dispensa sa kahihiyang nangyari, pero nang makita ang pagkaaliw sa anyo nito’y nahinto siya. Cerlance’s grey eyes sparkled as he tried not to laugh.
“You really have no shame, do you?” aliw na tanong nito na lalo niyang ikina-nguso. Napailing ito saka manghang napangiti. “Noong una’y napipikon ako sa pagiging direkta mo, pero ngayon ay hindi ko mapigilang mamangha. You really are something else, Shellany.”
Hindi siya kaagad nakasagot habang pinakatitigan ang nakangiti nitong anyo. He was looking at her with a tender smile on his face; at hindi madalas mangyari ang ganoon. She was mesmerized she couldn't stop staring.
At habang nakatitig siya sa maamo nitong mukha ngayon ay tila ba nagkaroon ng sariling buhay ang kaniyang mga paa. Humakbang siya lalo palapit dito, at bago pa rumehistro nang tuluyan ang ideya sa kaniyang isipan ay ini-pulupot na niya ang mga braso sa leeg ni Cerlance. Then, she tiptoed and kissed the hell out of him.
Ito ang epekto ng isang Cerlance Zodiac sa kaniya.
Lagi siyang nawawalan ng kontrol sa kaniyang katawan. At gumagawa siya ng bagay na hindi pinag-iisipan.
It seemed like Cerlance had full control of her body.
She was under his spell.
She was hypnotized.
She closed her eyes and began kissing his firm lips passionately. Cerlance then slid his hands around her hips, pulling her closer to his hard body, allowing her to be in control.
Everything around them didn't matter anymore. Kahit pa nasa gilid lang ng kalsada ang parking space at may mga taong dumaraan sa tabi niyon at nakikita sila; she didn't care. She was more concerned about whether or not she was kissing him properly. O kung nag-i-enjoy ito sa paraan ng paghalik niya, o kung tama ang mga strokes na ginagawa niya.
She only had a single boyfriend all her life, kaya hindi niya masabi kung magaling siya sa pakikipaghalikan. And with that in mind, she started to get conscious.
Cerlance probably felt the reluctance from her, thus, he leaned his head, deepened the kiss, and stroked his tongue into her mouth. He was now leading the kiss, and she gave in.
Tuluyan na siyang nawalan ng pakialam sa paligid, and she was so ready to pull him back inside the car to accomplish the passionate act she had in mind when suddenly, Cerlance's phone rang.
Noong una'y binalewala ni Cerlance ang tunog ng cellphone; he continued to kiss and taste her in a demanding and urgent manner. Then she felt his hands slip down to her buttocks, kneading them before pressing and pulling her closer against his hardened member. It was his way to let her know that they shared the same hunger and needs. And nothing could stop them.
Except for the phone he had in his pocket that wouldn't stop ringing.
She panicked when Cerlance's grip loosened until he completely let go of her and grudgingly stopped the kiss.
She opened her eyes and stared at his desire-filled face.
"I... have to answer this call," he whispered, catching his breath.
“Hindi mo ba… pwedeng deadmahin na lang yan?”
Napangisi ito, and her eyes moved down to his luscious lips wet from her kisses. “I don’t get calls too often, and when I did, I would always pick them up.” Bumitiw ito. “Give me a sec.”
She puckered and watched him take his phone out of his back pocket. Pinanatili niya ang tingin dito hanggang sa sagutin nito ang tawag.
“This is Cerlance Zodiac; how can I help you?”
Pinagmasdan niya ito habang nakikinig sa kausap, hanggang sa muling bumaba ang tingin ni Cerlance sa kaniya.
“Okay.” Ibinaba nito ang cellphone at ini-abot sa kaniya.
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
“It’s Ivan.”
“Oh.” Sabik niyang kinuha ang cellphone mula rito nang marinig ang pangalan ng kaibigan. She then took the device to her ear. “Ivana?”
“Loka ka! Wala talagang paramdam ng dalawang araw?”
Napahagikhik siya saka napatingin kay Cerlance na tumalikod at humakbang patungo sa sasakyan upang bigyang siya ng privacy.
“I missed you, Iv. Pero ito ang isa sa mga phonecalls mo na talagang kinaiinisan ko,” biro niya. Gusto niyang sabihin sa kaibigan kung ano ang nangyari sa pagitan nila ng kaniyang hired transporter, pero bago pa niya maikwento iyon ay nag-umpisa nang bumulalas si Ivan sa kabilang linya.
“Well, you gotta hear what I was about to say!”
Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi nang mahimigan ang kaseryosohan sa tinig nito. And she knew Ivan so well to understand what it meant. It was surely bad news.
“Tungkol saan ito, Ivana?”
“This is about your stupid ex!”
Dahan-dahan siyang napahugot ng paghinga. Sandali niyang inalis ang tingin kay Cerlance na pumasok na sa driver’s seat at binuksan ang makina ng kotse. Ini-tuon niya ang pansin sa ibang direksyon—doon sa maliit na Chinese restaurant na pinanggalingan nila.
“What about him?”
“Before I tell you… Nakatanggap ka ba ng tawag mula kay Dabby? Ang sabi niya’y tumawag ka sa kaniya noong nakaraan gamit ang number na ito, so I assumed she would give you call, too.”
Umiling siya na tila makikita ni Ivan ang tugon niya. “Hindi siya tumawag.”
“Okay. Well I guess ako talaga ang gusto niyang magsabi sa’yo.”
“Ano ang nangyayari, Ivana?”
“Kagabi lang ay nakatanggap ako ng chat mula kay Dabby— and that chat included a screenshot of Knight’s latest post on social media.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. Knight’s back on social media?
Ilang linggo ring naka-deactivate ang mga social media accounts nito matapos ang nangyari sa araw ng kasal nila…
“Dabby saw Knight’s current social media post. He posted a photo of a motorcycle in the middle of a dirt road with the caption ‘The life I ever wanted; riding freely, moving forward'. Aba, Shellany! Ang kapal ng mukha! Siya pa talaga ang may ganang mag-move forward matapos kang wasakin?!”
Nailayo niya ang cellphone sa tenga sa lakas ng boses ni Ivan. Nang muli niya iyong ibalik ay narinig niya ang sunod na sinabi ng kaibigan,
“At para bang sinabi niya sa post na iyon na masaya na siya sa buhay niya ngayon dahil nakalaya na siya sa relasyon ninyo!”
“Or... maybe it meant something else?” Heto na naman siya. In-denial na naman. She was giving Knight another benefit of the doubt.
“Oh, come on, Shellany! Malinaw pa sa pagkatao ko ang ibig sabihin ng ex mo sa post na iyon. His social media accounts had been inactive in the past four weeks, at nang nagbalik ay iyon ang ipo-post niya? Alam niyang alam ng lahat ang nangyari sa kasal ninyo, pero iyon ang ipo-post matapos niyang mag-MIA? Gago ba siya?”
Nagpakawala siya ng mahabang paghinga. Ang sama ng loob para sa dating kasintahan na akala niya’y unti-unti nang nalusaw dahil kay Cerlance ay muling nagbalik. And she was hurting because she knew… she still had feelings for her ex.
But she wouldn’t jump to a conclusion.
“Ivan,” she said. “I appreciate your concern, and I know na kaya ka nanggigil ngayon ay dahil nasasaktan ka rin para sa akin. But I am already here in this trip now, and I am determined to find Knight para hingin ang paliwanag niya sa mga nangyari at sa mga ginawa niya. Determinado akong malaman kung ano ang nagtulak sa kaniyang iwan ako sa ere, at kung ano ang ibig sabihin ng post na iyan. Matatahimik lang ako kung maririnig ko mismo sa bibig niya ang katotohanan.”
“Shellany, day. I am saying this not to stop you, but to warn you. Si Knight ay mukhang masaya na sa buhay niya at sa naging desisyon niyang tapusin ang namamagitan sa inyong dalawa. Dabby and I were so mad last night we tried to videochat him, pero ang gago ay muling nag-deactivate saka binura ang post! Talagang umiiwas siya sa lahat, Shellany. Ibig sabihin ay hindi pa siya handang harapin ang kagaguhang ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nakita mo siya sa isa sa mga lokasyong alam mo, pero sana ay makuha mo na ang sagot na kailangan mo at hindi mo maisipang lumuhod sa harapan niya para balikan ka!”
“I would… never do that.” Kung alam lang ni Ivan na noong una’y iyon nga ang balak niyang gawin. But her plans had started to change… little by little… because of her companion.
Muli siyang napasulyap sa kotse kung saan na naghihintay si Cerlance. Nakabukas na ang makina niyon at nakahanda nang umalis sa sandaling makapasok siya.
“Sa tono ng pananalita mo, Shellany, ay mukhang may plano kang gawin iyon.” Ivan’s voice was wry she couldn’t help but grimace. Nabuking siya nito.
“Don’t worry, Ivan. Hindi ko gagawin iyon,” panigurado niya. Not now that she had Cerlance Zodiac to fill her loneliness…
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Ivan sa kabilang linya. “Alam mong kaya ako nakikisali sa problema ninyo ng dati mong nobyo ay dahil nag-aalala lang ako sa’yo hindi ba, Shellany? I care about you and I don’t want you to keep torturing yourself dahil lang sa lalaking iyon! He doesn’t deserve you! Matapos ang ginawa niyang pang-iiwan sa’yo sa ere ay hindi ko na siya gustong makita pang kasama ka! You deserve someone better, girl! At kung may luluhuran kang lalaki, hindi iyon dahil sa pagmamakaawang balikan ka. Luluhod ka para paligayahin sila!”
Sa huling sinabi ni Ivan ay bigla siyang napangiti.
At ang ngiting iyon ay nauwi sa hagikhik.
Hanggang sa bumulalas siya ng tawa.
And that was something that shocked Ivan.
“Hoy teka, tumatawa ka na talaga?!”
“Para ka kasing baliw! Kung ano-anong luhod na itong sinasabi mo, eh!”
“Oh my God, I am so happy na nagagawa mo nang tumawa nang malakas ngayon, Shellany! How are you feeling these days, huh? We havent talked for two days and I was wondering if—” Nahinto ito saka napasinghap. “Gaga ka, umamin ka nga sa akin! May kinalaman ba ang pogi mong driver kaya ka nagkakaganito ngayon? Are you having fun in this trip because of him?”
Muli siyang natawa. “Magku-kwento ako kung ipapangako mong hindi mo ako kukutusan?”
“Bakit naman kita kukutusan, gaga ka? Kung ako ikaw ay baka noong unang araw pa lang ay niluhuran ko na ang Cerlance Zodiac na ‘yon, ano!”
Tawa siya nang tawa kaya hindi niya nagawang magsalita.
Oh, God. It’s been a while since she and Ivan had a conversation like this. Naalala niya noong huli silang mag-usap nito. Noong araw na iyon ay bitter pa rin siya pero nagawa na niyang makipag-biruan, but then… she was still not her normal self back then. She was still hurt and lonely.
Hindi tulad ngayon. Pakiramdam niya’y nagbalik ang dating Shellany; palatawa, palabiro, puno ng positivity.
“Come on, Shellany! Magkwento ka na! This is a long-distance call kaya bilisan mo!”
“I will tell you everything pag-uwi mo, okay? Sisiguraduhin kong iku-kwento ko sa iyo lahat ng detalye. I won’t miss a single detail, I promise.”
“No, I wanna hear it now!”
“Saka na natin siya pag-usapan pagkatapos ng booking, mamaya ay ma-usog pa.”
Ivan grunted in fake annoyance. Ilang sandali pa’y, “Okay, ganito na lang. Yes or no.”
“Yes or no?”
“Niluhuran mo na ba?”
Muli siyang napahagikihik. “Hindi pa.”
“Hindi pa? Gaga ka talaga, Shellany! Iniinggit mo akong bruhilda ka!”
Sumasakit na ang bibig niya sa pagngiti at pagtawa. Nababaliw siyang kausap si Ivan.
“Apaka-landi mo, girl!” patuloy nito. “Hanggang saang level na kayo nakarating, huh? Oooh, I can’t believe na bumigay sa’yo ang supladong lalaking iyon!”
“H’wag mo kasing ina-underestimate itong alindog ko.” Bumungisngis siya.
“Come on! Did you two have… kissed already?”
Napangisi siya. “Uhuh.”
“Was he a good kisser?”
“He’s a pro.”
“Did you two… have touched each other’s body na?”
“Of course!”
“Oh, ang tindi mo talagang gaga ka!”
Tumigil siya sa pagtawa, at sa pabulong na paraan ay sinabing… “And you know what, Ivana? He is huge.”
“Oh, patawarin ka ng Diyos sa kalandian mo, Shellany Marco!”
Muli siyang natawa at hindi na dinugtungan pa ang huling sinabi. Naaaliw siya sa pag-uusap nila ni Ivan na parang ayaw na niyang huminto sa pagku-kwento. But she didn’t want Cerlance to keep waiting. May gagawin pa sila pagkatapos ng tawag na ito…
Makalipas ang ilang sandali ay tumigil sa pagputak si Ivan. At nang muling nagsalita’y seryoso na ang tono;
“Shallany, masaya akong nagagawa mo nang tumawa ngayon, pero sana ay hindi ka ma-paso sa apoy na nilalaro mo. You are where you are because of a heartbreak; sana’y hindi matapos ang trip na ito na muli kang luhaan.”
Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at hindi nagawang kaagad na sumagot sa sinabi ni Ivan.
Nagpatuloy ito. “Kung ako ikaw ay sasabihin ko na kay Cerlance Zodiac na itigil ang trip at bumalik na kayo sa Maynila. There is no need for you to meet Knight—itapon mo na lang sa dagat ang mga gamit niyang dala mo. Malinaw na ang intensyon ng lalaking iyon ay ang makawala sa iyo, kaya para saan pang marinig mo ang paliwanag niya? But then… kilala kita. Alam kong hindi ka matatahimik hanggang sa hindi mo nakukuha ang sagot na kailangan mo.” Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “I just hope that you and your transporter would develop a special bond. A bond that would last forever. Dahil ayaw na kitang makitang nasasaktan, ayaw na kitang makitang umiiyak.”
Sa huling mga sinabi ni Ivan ay muli siyang napasulyap sa kotse. Nakita niyang nakabukas na ang bintana ng front seat na sinadyang buksan ni Cerlance upang makita niya ito. Then, their eyes met, and her heart skipped a beat.
She panicked.
Why did her heart skip a beat?
“Shit.”
“What? What happened?” Ivan responded.
“It’s Cerlance.”
“What about him?”
“He’s driving me crazy.”