Nakalabas na siya ng subdivision at nasa daan na nang binuksan niya ang naka-kabit na notepad sa dashboard upang tingnan ang mga kasunod na booking. Mayroon siyang tatlong deliveries sa magkakaibang lungsod; to Zambales, Batangas, and to Bataan. Mukhang aabutin na naman siya ng gabi sa susunod na tatlong araw. Buti na lang at ni-block niya ang araw bukas para sa pahinga.
Ibinalik niya ang tingin sa daan at binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan nang marating ang highway. Hindi na siya makapaghintay na mahiga sa kama niya at matulog sa gabing iyon.
Isa't kalahating oras ang lumipas nang marating niya ang Maynila. Unti-unti niyang binagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan nang marating ang intersection hanggang sa tuluyan niya iyong ini-hinto sa likuran ng isang pang kotse. His car was the third on the line.
Ipinatong niya ang kaliwang siko sa nakasarang bintana ng kotse at ini-hilig ang ulo sa kamay. Sandali siyang pumikit at ni-hilod ang sentido. Alam niyang tatlumpong segundo lang ang kailangan niyang hintayin bago bumukas ang GO signal, at sapat na iyon para kahit papaano ay maipahinga niya ang mga mata.
But his quick rest was disturbed when his notepad dinged—a notification that another booking had come through.
Iminulat niya ang mga mata at sinulyapan ang notepad. Hindi siya tuminag nang makita ang nag-pop up na notification mula sa work email niya. It said ‘Booking Form’, which means new booking.
Without changing position, he swiped the screen, opened the email, and tapped on the booking form file.
The information flashed on the screen.
Type of booking: Passenger transport
Number of people: One
Destination: Villa Amparo Concepcion, Tagum City
Napatuwid siya nang upo nang mabasa ang lugar. He had never heard of it.
Villa Amparo Concepcion?
Minsan na siyang nakarating sa Davao at gusto niya ang lugar na iyon. May inihatid siyang politiko na nagtatago dahil sa eskandalong kinasangkutan. Inihatid niya ito sa isang safehouse na nasa bulubundukin ng Davao.
Ang alam niya ay magkalapit lang ang Davao at Tagum City.
Doon na siya tumuwid at binasa ang kabuoan ng booking form. Ni-tingnan niya kung kailan ang booking.
Travel date: ASAP
The heck? Hindi pwede ang ganiyan, pare…
He scrolled down to see the client’s information.
Client’s name: Shellany Marco
Hmmm. A woman.
Additional notes: I have three destinations, and these are Guimaras, Tacloban, and Tagum. I will discuss further on the phone, so please call me.
Sa ibaba ng note ay naroon ang cellphone number nito.
Tatlong destinasyon sa isang kliyente. Wala siyang problema roon, pero malaki siya maningil kapag ganoon. And the client had to pay in advance.
Sandali niyang inalis ang tingin sa notepad nang makitang umusad na ang sasakyang nasa kaniyang harapan. He stepped on his gas and drove his car. Nagpasiya siyang saka na tatawagan ang kliyente pagkauwi niya.
Makalipas ang halos kalahating oras ay narating niya ang limang palapag na apartment building. Sa ikaapat na palapag naroon ang unit niya. He parked his car to the parking space in front of the building, gathered all his stuff, got out of the vehicle and walked toward the entrance.
Sa maliit na lobby ay nakita niya si Perry, guwardiya at receptionist ng apartment, na nakaupo sa likod ng counter nito katabi ng hagdan. Nakayuko ito sa cellphone; paniguradong naglalaro na naman ng online games.
Si Perry ay ang nag-iisang anak ng may-ari ng apartment. Bata lang ito ng limang taon sa kaniya, payat pero matangkad. Nag-aral ito sa isang Police Academy pero hindi nakapagtapos dahil noong nasa ikatlong taon na’y biglang tinamad at hindi na nagpatuloy. He had combat skills that would render anyone motionless, kaya naman tiwala siyang magu-guwardiyahan nito nang maayos ang building.
“Boss,” bati nito nang makita siya sabay saludo. Sandali nitong ibinaba ang cellphone sa ibabaw ng counter at may dinukot sa ibaba niyon. “May dumating na invitation card para sa inyo.”
“Invitation card?” Nagtataka siyang lumapit.
“Dumating kahapon,” anito. Nang mahanap sa drawer ng counter ang sinasabi’y kaagad na inabot sa kaniya.
Salubong ang mga kilay na kinuha niya ang mga iyon. Ang tatlong envelopes ay mula sa internet, water, at electric billers. Ang pang-apat at parisukat na envelop ay may nakasulat sa likod na:
You are invited to our wedding!
Phillian and Calley.
Napa-iling siya nang makita ang mga pangalang naroon.
Phillian was his brother, the second eldest. Ang huling pagkikita nila ay noong kasal ng panganay nilang kapatid, si Quaro, halos isang taon na ang nakararaan. Nakatira ang kapatid niya sa isang bayan malapit sa Batangas. Pareho silang abala, kaya hindi madalas na magkita.
Hindi siya makapaniwalang ang sunod na maririnig ay ang pagpapakasal nito.
Ni wala siyang ideya na may kasintahan ito!
Oh well… He and his brothers shared the same interest with women. They liked playing around, womanizing. They’re all healthy bulls and were active on s*x. Pero kung mayroon man sa kanilang magkakapatid ang hindi mahilig maglaro ng apoy kasama ang mga chicks, that’s his brother Phillian.
Oh well, kaya siguro diretso kasal na ito…
Napa-palatak siya.
What’s the use of settling down? Hindi na niya mai-enjoy ang pagiging binata niya kung magpapakasal siya at matatali sa iisang babae.
Besides, wala siyang oras na mailalaan sa isang relasyon, lagi siyang abala at wala sa unit niya.
At isa pa, hindi naman niya kailangan ng asawa. He could easily get women’s attention, and he could easily have s*x with women of his preference, anytime, anywhere. Marami siyang kaibigang babae na game sa mga ganoon nang walang inaasahang relasyon sa kaniya.
Gusto niya ang mga ganoong babae…
“Sino ang ikakasal, bossing?” pukaw ni Perry sa iniisip niya.
“Nakatatanda kong kapatid.”
“Buti pa siya, ano?”
Napangisi siya. “Gusto mo ba akong paringgan?”
Napangisi rin si Perry. “Aba, walong taon na kayong nakatira rito sa apartment pero wala pa kayong dinadalang tsiks. Kailan pa ba tayo makahihigop ng mainit na sabaw nito?”
“Bukas na bukas din. Ibibili kita ng cup noodles para maka-higop ka ng mainit na sabaw.”
“Kuuu, itong si Bossing, parang hindi alam kung ano ang ibig kong sabihin.”
Bahaw siyang natawa at tumalikod na. Itinaas niya ang kamay na may hawak sa envelop at ipinaypay iyon sa ere.
“Salamat dito, Perry. Isara mo na ‘yang gate at matulog ka na rin.”
“Sige, iwas pa, boss…” Patuloy na tukso ni Perry na ikinatawa na lang niya.
Umakyat na siya sa hagdan patungo sa ika-apat na palapag.
Each stairs had fifteen steps, walang elevator sa apartment kaya kahit pagod na siya’y kailangan pa rin niyang panhikin iyon. It was okay, though. Magandang exercise iyon sa kaniya. He had been sitting on his car seat for hours—sometimes for days—at magandang exercise sa kaniya ang pagdaan sa mga hagdang iyon.
Ang bawat palapag ng apartment building ay mayroon lang apat na malalaking mga units, at ang bawat unit ay may tig-dadalawang malaking silid. It was like a house— apartment style.
Pagdating niya sa unit ay kaagad niyang binuksan ang ilaw, saka inilapag ang lahat ng bitbit sa ibabaw ng coffee table sa living area bago dumiretso sa kusina. Kumuha siya ng cannned beer sa fridge, binuksan iyon, tumungga hanggang sa mangalahati, at saka lang muling bumalik sa living area.
He needed to call his new client. Iyon ang pinaka-malaking booking niya sa linggong ito, kailangan niya ng detalye.
Naupo siya sa couch at kinuha ang cellphone na inilapag niya sa coffeetable saka binuksan ang work email upang hanapin ang numero ng bagong kliyente.
Makaraan ang ilang sandali ay narinig na niya ang ring sa kabilang linya. At habang naghihintay na may sumagot niyon ay muli siyang tumungga ng beer.
“Hello?”
Ang beer na nilagok niya’y muntik na niyang maibuga nang marinig ang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. Tinig lalaki, pero tunog babae.
“Shellany Marco?”
“Who is this?” the 'feminine' man asked.
He cleared his throat. Hindi niya inasahang hindi babae si Shellany Marco.
“I am the transporter and I called to speak about the booking.”
“Oh!” the man exclaimed exaggeratedly. “Shellany! Here’s the call you’ve been waiting for, dear!"
Oh, okay.
Naghintay siya ng ilang segundo bago muling may nagsalita sa kabilang linya.
“Hello?”
That next hello was from a woman with an angelic yet hoarse voice.
“Shellany Marco?”
“Yes, this is she.”
“Good evening, Ma’am. I’m the one you contacted about—”
“How much?”
Oh, great. Direct to the point ang isang ‘to.
“Three destinations have three separate booking fees. I’ll email you my pricing schedule para—” Muli siyang nahinto nang muling nagsalita ang babae.
“Nakahanda akong magbayad kahit magkano. Wala akong ginawa buong buhay ko kung hindi mag-ipon kaya sinisiguro ko sa’yong may pambayad ako kahit magkano pa 'yan. Now, let’s talk about when we are living. Bukas ng umaga, pwede ka ba?”
“No.” Ibinaba niya ang can ng beer sa ibabaw ng coffee table upang ihanda ang sarili. Mukhang demanding ang sunod niyang kliyente. at mukhang pahihirapan siya sa schedule.
“Ano’ng No?” pagtataray nito sa kabilang linya.
“Firstly, kung out of the city ang destination ay kailangan ko munang ihanda ang sasakyan. Maintenance, gas, travel pass, etc. In your case, tatlo ang destinasyon mo kaya mas maraming kailangang paghahanda. Plus, this type of booking needs at least three days of heads up. Hindi ito express, Miss Marco.”
Sandaling natahimik ang kliyente sa kabilang linya. Hindi na siya magtataka kung magbababa ito ng telepono at i-kansela ang booking.
He’s tired, wala siya sa mood na suyuin ang kliyenteng hindi nagbabasa ng terms of service na nakalathala sa unang page mismo ng website niya.
Pero hindi nangyari ang inasahan niya. Dahil imbes na pakikipag-argumento ang sunod niyang narinig ay isang mahinang paghikbi.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
“You need to understand…” ani Shellany Marco mula sa kabilang linya, patuloy sa paghikbi. “My fiancé left me on the day of our wedding, at kailangan ko siyang hanapin sa tatlong lokasyon na iyon para malaman kung ano ang dahilan niya sa pagtalikod sa akin. I have been crying for days, hindi ako makakain at makatulog. Kailangan ko ng kapayapaan. Sa tatlong lokasyon na iyon maaaring nagtungo ang fiancé ko. No one in his family would ever tell me his exact location so I need to go around places just to find him. Please. Please transport me to those provinces, kailangan ko lang talaga siyang makausap. Now or never!”
So, maghahabol kami ng duwag na lalaki na hindi marunong manindigan sa babaeng niyayang magpakasal. Okay.
“Calm down,” he said after a while. Hindi niya kailangang malaman ang ilang personal na impormasyon tulad ng sinabi nito. “Ang kailangan ko lang malaman ay ang eksaktong lugar na pupuntahan natin, eksaktong araw ng alis, at p*****t mode. Please spare me with personal information, Ma’am.”
Isang singhot muna ang narinig niya bago ang sagot nito. “Hindi ba talaga maaaring bukas tayo umalis?”
“May existing booking ako sa susunod na tatlong araw, hindi ko pwedeng kanselahin ang mga iyon. Kung hindi po kayo makapaghintay ay maaari kayong maghanap ng ibang—”
“Fine.”
Iyon lang at natapos na ang tawag.
Maliban sa direct to the point at maiksi rin pala ang pasensya ng isang ‘yon.
Napailing siya at ibinalik sa ibabaw ng coffee table ang cellphone bago kinuha ang canned beer na ipinatong niya roon. Inubos niya ang laman ng beer saka tumayo upang buksan ang bintana ng floor to ceiling window ng living area. Mula roon ay malinaw niyang natatanaw ang siyudad ng Pasig.
Nang maubos niya ang laman ng canned beer ay umalis na siya roon, bumalik sa kusina upang itapon sa trashbin ang lata, saka pumasok na sa kaniyang silid. Sadya niyang iniwan ang cellphone sa living area upang hindi niyon abalahin ang pahinga niya bukas ng umaga. It was also in silent mode, to ensure no alert would bother him.
He went to the shower, took a quick bath, and when he was done, he hit the bed fully naked. Pero bago siya natulog ay hinugot na muna niya ang wire ng landline.
He’s all set up. He’s ready to spend his whole day tomorrow in his bed.
*
*
*