KABANATA 30 - Beautiful Scars

2711 Words
NAPIGIL NIYA ANG PAGHINGA NANG UMANGAT ANG TINGIN NI CERLANCE SA KANIYA. He looked her in the eye with an expression she couldn’t read. What are you thinking…? What are you planning? What are you going to do now, Mr. Zodiac? Sa loob ng ilang sandali ay nanatili silang magkatitig. She was waiting for him to say something—or do something while Cerlance was just quiet and restrained. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na hindi naman siya dating ganito. Si Knight ang una at huling lalaki na nakakita sa hubad niyang katawan—pero bakit hindi siya makaramdam ng hiya pagdating kay Cerlance? Kahit siya ay walang sagot doon. Nagiging mapusok na ba talaga siya? At okay lang ba itong ginagawa niya? Papaano niya dadalhin sa konsensya itong paglalandi niya kay Cerlance Zodiac kapag nagkausap na sila ni Knight at nagkabalikan? Hindi pa man sila pormal na naghihiwalay ay lumalandi na siya sa iba—was that counted as a form of cheating? Oh… Bakit ba ngayon pumapasok ang mga kaisipang ito sa utak niya? She should focus— on Cerlance. Pero ang gago, wala yatang balak kumilos o magsalita. Kanina pa ito nakatitig lang sa kaniya— at kung alam sana niya ang takbo ng iniisip nito’y baka matulungan niya ito. Like… Was he feeling what she was feeling right now? If so, she would make the first move para hindi na ito mahirapan. Pero... paano kung ang dahilan ng pananahimik nito ay dahil sa hindi nito gusto ang nakikita, at dahil sa marami na itong ini-dulot na pisikal na sakit sa kaniya sa araw na iyon ay ayaw na nitong magdagdag pa sa pagsasabing nakadidiri ang itsura at inaakto niya? O kaya ba ito tahimik dahil pinag-iisipan nito kung papaano sasabihin sa kaniyang ang pangit ng balat niya? Sa mga naisip ay niyuko niya ang bahagi ng dibdib na na-apektohan ng nabuhos na mainit na kape. Namumula pa rin iyon, at may nararamdaman pa rin siyang bahagyang hapdi. She didn’t have a fair skin, but she wasn’t dark either. Her skin was in between; at inaamin niyang hindi siya makinis. Hindi naman siya lumaking mayaman, natural na marami siyang paltos sa katawan. Tulad na lang ng peklat niyang may dalawang pulgadang haba sa tagiliran. Kasalanan iyon ng pinsan niyang lalaki na inutusan siyang umakyat sa puno ng santol tapos ay tatakutin na nariyan na ang mamang niya’t may dalang pamalo. Sa takot ay nagmadali siyang bumaba sa puno, at dahil doon ay nagkamali siya ng tantiya at nahulog. Sa pagbagsak niya sa lupa ay tumama ang tagiliran niya sa nakausling sanga. Mayroon din siyang peklat na kasinglaki ng ten centavo coin sa kanang binti niya. Iyon naman ay mula sa bulutong na kinamot niya nang kinamot noong bata pa siya kaya lumaki at nag-marka. Mayroon pa siyang ilang mga maliliit na peklat sa mga binti niya na kung sa malayuan ay hindi halata, pero kung susuriing mabuti ay mukhang maliliit at hiwa-hiwalay na polka dots. Oh well, what else could she say? She had been an active child, at ang mga peklat na mayroon siya sa kaniyang katawan ay alaala niya ay palatandaan na naging masaya ang kabataan niya. Nakita kaya ni Cerlance ang ilan sa mga peklat niya ngayong halos ilang pulgada lang ang layo nila sa isa’t isa? Nadagdagan kaya ang kapintasan niya sa paningin nito? Well, damn him—she wasn’t perfect. But at least she was a kind person! Too kind that she was willing to forgive her goddamn ex-fiance and give him a second chance! Isang malalim na paghinga ang kumawala mula sa kaniya. Kung saan-saan na napunta ang isip niya. Nawala na rin ang buo niyang pansin sa mga mata ni Cerlance na titig na titig pa rin sa kaniya. Damn it. Just spit it out; my skin looks ugly! she wanted to say. Pero gusto ba talaga niyang marinig mula rito ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Knight noon? Oh, she could still remember. When Knight noticed her scars, he went straight ahead and asked her about them. Bakit raw ang dami niyang peklat? Ano raw ang mga pinaggagawa niya sa sarili niya noon? Gusto raw ba niyang ipa-laser ang mga iyon? May kakilala raw itong cosmetic surgeon na mura maningil. Gago lang. Pero kahit gago ‘yon, nabuang siya sa lalaking iyon. Dahil gaga rin siya. Isa pang buntonghininga ang pinakawalan niya bago siya nagbawi ng tingin at akma sanang aatras nang bigla siyang pinigilan ni Cerlance. Tumaas ang isang kamay nito sa kaniyang likod—at nang maramdaman niya ang mainit nitong palad sa kaniyang balat ay banayad siyang napasinghap. Shit. That electrifying, tingly sensation is back again. Napakurap siya at ibinalik ang tingin sa mukha ni Cerlance. And for a split second there, she thought she’d seen panic in his eyes. “Don’t move,” he demanded. She opened her mouth to say something… pero ano ba ang sagot sa utos nitong h’wag siyang gumalaw? Pucha… Magic spell ba ‘yong sinabi niya? Bakit biglang hindi ko na magalaw ang katawan ko? “Just… stay still,” Cerlance added. This time, his voice laced with… hesitation. Muling nagkarambola ang utak niya nang maramdaman ang kamay nito sa hubad niyang likod na iginigiya siyang lumapit pa. She did, until his face was so close to her breast she almost forgot to breathe. “Don’t shake,” sabi pa nito. Pero ang loko, ang boses nito’y bahagya ring nanginig. Or was that just her imagination? “I—I’m not shaking…” she answered, stuttering and quivering at the same time. “You did. I felt it.” “M-Malamig kasi…” Kunwari ay sinulyapan niya ang AC system na nasa likuran nito, pero ang totoo’y hindi niya magawang salubungin ang mga mata ni Cerlance na tila nanghihigop patungo sa ibang dimensyon. Si Cerlance naman ang sunod na nagpakawala ng malalim na paghinga. Then, his hand at her back retreated, sa panghihinayang niya. “Okay, let’s get this done pronto. Nilalamig ka na.” Gaga, ba’t ba kasi ako nagreklamo? Binuksan ni Cerlance ang takit ng tube saka naglagay ng maraming cream sa kaliwang index at middle fingers nito. And as she looked at his huge fingers carrying that transparent cream, something naughty crossed her mind. She wondered how those fingers would feel in her… Nahinto siya sa pag-iisip nang maramdaman ang muling panginginig ng kaniyang kalamnan. Panginginig na nakita ni Cerlance. Muling umangat ang tingin nito sa kaniya; ang anyo ay nanatiling seryoso. “Cold?” Hindi, may kamanyakan lang na pumasok sa isip ko. “Y-Yes…” “Okay.” Ibinaba nito ang tube at muli siyang tinitigan. “This cream feels cold on my fingers. Baga magulat ka sa lamig kapag dumampi ito sa balat mo.” Baka malusaw… kasi nag-iinit ang balat ko ngayon dahil sa’yo. “Okay.” And when Cerlance’s fingers gently landed on her skin, a soft sigh came out of her mouth. Una ay dahil sa lamig na naramdaman niya mula sa cream, pangalawa ay dahil sa paraan ng pag-hagod ng mga daliri nito sa kaniyang balat. It was delicate... sensual, and ardent. He started at the top, doon sa ibabaw ng kaliwang dibdib niya. And then, his fingers curved in a half circle when he slid them to the side of her left breast down to the bottom. Sunud-sunod siyang napalunok— natataranta ang sikmura niya. Parang may kung anong parasite sa loob niyon na hindi mapalagay. And she knew what that feeling was. Of course, she knew it. It was called lust. And that meant he wanted him. Her body wanted his touch. Now. Humugot siya nang malalim na paghinga. Sandali niyang inalis ang tingin sa mukha ni Cerlance at sinundan ang paglalakbay ng mga daliri nito sa kaniyang balat. He was rubbing them carefully, gently onto the burnt part. Circling his fingers as he tried to massage the cream onto her affected skin. At sa simpleng paghaplos na iyon ay pinupukaw nito ang marupok niyang damdamin. Cerlance Zodiac was one of the most attractive men she had ever met her whole life—mkahit sinong babae ay siguradong ma-a-attract dito. Kahit siya na ang puso'y nasa dating syota pa rin niya. Naiintindihan niya kung bakit ganoon siya tratuhin ni Cerlance. Ngayon ay alam na niyang dahil iyon sa pagiging lukaret niya. But deep down, she noticed he had a kind heart. Kahit naiinis ito'y hindi siya nito pinabayaan. At tama ito, kung hindi ito matinong lalaki, matagal na sana siyang napahamak dahil sa mga pinaggagagawa niya. Ang hindi nito alam ay gusto niyang mapahamak… sa mga kamay nito. Ang klase ng pahamak na kahit na sinong babae ay handang harapin kung kay Cerlance Zodiac lang din mararanasan. Muli siyang napasinghap nang maramdaman ang banayad na pagbaba ng mga daliri nito sa kaniyang tiyan. Her stomach tightened; her breathing stopped. This time, Ceralance used three of his fingers to rubbed the cream onto her abdomen. He was pressing them lightly, passionately still. Gusto niyang isipin na pinaglalaruan ni Cerlance ang damdamin niya ngayon. Sigurado siyang naririnig nito ang mga munti niyang pagsinghap, ang paglubog ng kaniyang tiyan sa antisipasyon, ang pagpapakawala niya ng malalim at mahabang paghinga, at ang nanginginig niyang mga tuhod. Surely, he felt and seen how her body reacted to his touch. Kaya ba nito ginagawang kaakit-akit ang galaw ng mga daliri ay upang tuksuhin siya't pahirapan? Ilang sandali pa’y unti-unting dinala ni Cerlance ang kamay sa kaniyang tagiliran. Nagtaka siya dahil hindi naman na-apektohan ang bahaging iyon ng nabuhos na kape. Muli niyang ibinalik ang tingin sa mukha nito, at nang makita ang pagsalubong ng mga kilay ni Cerlance habang nakatitig sa tagiliran niya’y bigla siyang nataranta. He was looking at her two-inches long scar with a frown on his face. He had many questions in his eyes, she noticed. Then, her breathing labored when he started touching it in a way as if he was tracing a woman’s lips. “What happened here?” tanong ni Cerlance bago siya muling tiningala. Hirap siyang napalunok. Cerlance’s grey eyes turned darker than usual. “I was… seven when I fell off the tree. May naka-usling sanga sa ibaba at humiwa sa tagiliran ko.” Subukan lang ni Cerlance na itanong kung bakit hindi niya pinatanggal ang peklat na iyon ngayong may kakayahan na siyang dalhin iyon sa cosmetic surgeon at sisinghalan niya ito. Subukan lang talaga nitong sabihin sa kaniya ang mga sinabi ni Knight noon at— “My mother used to tell us a tale about a warrior who was hailed as the next leader of their clan because he had the most number of scars on his body,” ani Cerlance na nagpatigil sa mga iniisip niya. “Thousands of years ago, warriors prove their worth by the number of scars they have on their skin. The more scars they have, the mightiest they appear in the eyes of many people.” Napalunok siyang muli. Teka… Teka, bakit parang hinuhugasan ng holy water itong kaluluwa ko? Bakit ba… ganito magsalita ang kumag na 'to ngayon? “And I read somewhere that scars are a powerful reminder that someone’s childhood… someone’s past... is real.” Nagbaba ng tingin si Cerlance at muling tinitigan ang peklat niya sa tagiliran. There was a fascination in his eyes that surprised her. “I don’t have any scars…” he added in a whisper. “Which made me doubt if my past was real or just an imagination.” “W-What do you… mean?” “My only memory before I was adopted by the Zodiacs was living on a faraway farm, with cows and sheep surrounding us. I had a beautiful mother who would always make me my favorite bread with grilled cheese, and a father who would always work in the barn. One day… a group of armed men attacked our town and started shooting at everybody. My mother and I ran toward the woods behind our house. I stumbled once, so my mother decided to carry me on her back. The bad guys chased after us. When my mother saw them catching up, she put me down and told me to run as far and as fast as I could. The next morning, a soldier found me sleeping under a tree. I was only four when I lost both of my parents.” Napasinghap siya. Hindi makausal ng sasabihin. She had no idea Cerlance had a dark past. “Iyon ang huling naaalala ko bago ako nakarating sa bago kong mga magulang. And when years passed by, I started to wonder if those memories were real. One of my brothers told me that they were probably just a bad dream, and I wanted to prove him wrong but I had no proof. There were no pictures, no scars.” “Oh, Cerlance…” Hind niya alam kung ano ang sasabihin. Maliban sa lungkot na nakikita niya sa mga mata nito’y nahihimigan niya rin ang sakit… ang hapdi sa tinig nito. But Cerlance was not taking any sympathy. Muling umangat ang tingin nito sa kaniya, ang anyo’y muling nagbago, ang mga mata’y muling nag-iba ng kulay. “Don’t have it removed. Your scar is a beautiful reminder that you had a happy childhood.” Jusko, ang puso ko… Shit, why was she thinking about her heart now? “I… have no intention of having it removed…” Then, he smiled. Taking her breath away. And for the next few moments there, they just stared at each other as if a spell was casted upon them. Para siyang loka na nakatunganga sa magandang tanawin sa kaniyang harapan. Hanggang sa... ang ngiti ni Cerlance ay unti-unting nalusaw… At muli ay naging seryoso ang anyo nito. Then… his eyes lowered. Down to her lips. Napalunok siyang muli. Natutuyuan na siya ng lalamunan—at ang kaniyang dibdib ay malakas na kumakabog na tila ba tumakbo siya sa isang marathon. At nang maramdaman niya ang muling paghawak nito sa tagiliran niya’y napa-igtad siya, lalo niyang bahagya siya nitong hapitin palapit pa rito. Her other hand automatically landed on his shoulder. She didn’t know why she felt the need to stop him when all this time, all she wanted was to fvck him. At hindi niya alam kung bakit determinado siyang pagbigyan ito kung sakaling may mangyari. Dala pa rin ba ito ng vulnerability? Or was she being rebelious because of what Knight did to her? “Shellany,” Cerlance uttered as he looked straight into her eyes. Kahit ang tinig nito ay nag-iba ang tono. “I want you to answer all my questions honestly.” Napakurap siya. “Why were you flirting with me?” She raised her head, and without breaking eye contact, she answered, “Why not?” Matagal bago ito muling nakasagot. “Why are we chasing after your ex-fiance? Is this because… you really wanted closure, or you wanted to reconcile?” I need an answer that would satisfy him… “The former.” And she couldn’t even say what it was because she knew… she was lying. “And you were flirting with me because you were vulnerable or because—” “Because you make me forget Knight whenever I look into your eyes.” This answer was not a lie, but neither was the main reason why she was flirting with him. She knew to herself that the main reason was that she was lonely and she thought flirting with Cerlance would be a great digression. She didn't want to think about her broken heart throughout this trip, thus, the flirting. Besides... Cerlance Zodiac was one hell of a gorgeous man; hindi na rin masama kung pagbibigyan niya ang sarili... Muli ay namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi kaagad nakahanap ng isasagot si Cerlance sa huling sinabi niya. And in the next few seconds, he just stared at her with an expression she could hardly aprehend. Until… “What do you want from me, Shellany?” Sa tanong nito'y humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat nito, kasunod ng pag-hugot niya ng malalim na paghinga saka ang buong tapang na pagsagot ng... “I want you, Cerlance.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD