KABANATA 29 - Start Of The Fire

2404 Words
UMIWAS SIYA NG TINGIN SAKA NAGPAKAWALA NG MALALIM NA PAGHINGA bago banayad na binawi ang kamay mula kay Shellany saka tumayo. “H’wag mo munang tanggalin ang ice pack, keep it there for another 10mins. Ikukuha lang kita ng pagkain.” Humakbang siya palayo rito bago pa man siya tuluyang mawala sa sariling katinuan. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang damdaming naramdaman niya kani-kanina lang. It was something he didn’t expect to feel toward Shellany. Bago pa man siya tuluyang makalayo ay narinig na niya ang pagsagot ni Shellany. “Bakit ka biglang nailang?” Ako? Nailang? Who do you think you are? He so wanted to say that, but he didn't want her to think that he was being defensive. Nilingon niya ito at tinapunang ng blangkong tingin. Shellany was lying there in the bed with her blanket slid down just below her shoulders. Kaunti pang paglihis at tatambad na ang dibdib nito sa harapan niya. Ang ice pack ay inalis na nito sa panga, ang mga siko ay nakatukod sa kama at ang mga mata’y tila nang-aakit. Shit. Shellany was always teasing… always flirting with him. Hindi ito ang unang beses na tinitigan siya nito nang ganoon. But why was his body reacting now? Bakit nagtayuan ang munting mga balahibo sa batok niya? And why were his insides stirring as if there was a huge tornado just below his stomach? Fvck. Just one touch and he’s acting like a maniac. Parang hinagod lang siya nito sa likod ng palad tapos ngayon ay nag-iba na ang pakiramdam niya? He cleared his throat and look away. I’m probably ill. “Hindi ako nailang. Hindi ko lang nagustuhan ang ginawa mo kanina.” Muli niya itong tinalikuran at ini-tuloy ang paghakbang patungo sa round table kung saan naghihintay ang hapunan nila. “Ang ginawa ko?” ulit ni Shellany. “Ano ba ang ginawa ko?” “Stop playing, Shellany. Ayaw ko ng ganito.” s**t—I want it, but I wouldn’t dare mess around with her. Kahit sino na, h’wag lang siya. Otherwise…. kakainin ko ang sinabi ko kanina lang. “I don’t even know what you mean…” Muli siyang nahinto at hinarap ito upang pagsabihan na ihinto na ang pang-aakit sa kaniya nang matigilan siya. Shellany was not looking at him this time. She was busy rolling the ice pack and placing it back onto her chin. Wait… he thought. Hindi talaga niya alam kung ano ang ginawa niya? Ibig sabihin ay… hindi niya sinadya iyon upang akitin ako? Natigil siya sa pag-iisip nang muling ibalik ni Shellany ang tingin sa kaniya. Ang mga kilay nito’y nagsalubong. “What?” anito. “Ano ba’ng mga pinagsasasabi mo?” “Stop playing.” “I’m not playing. Bigla ka na lang umiwas ng tingin kanina na parang naiilang. Iyon ang unang beses na nailang ka sa akin kaya ko ni-tanong.” Inipit nito ang icepack sa pagitan ng panga at balikat saka inayos ang pagkakabuhol ng kumot sa hubad na dibdib. Then, as she did that, Shellay just suddenly paused. “Wait a minute…” Umangat ang tingin nito sa kaniya, at nang may maisip ay napangisi. “Don’t tell me na nailang ka dahil nakita mo nang malapitan ang dibdib ko?” Her mouth formed an O, pretending to be shocked. “Oh, you sneaky little thing…” “I was not looking at your breasts.” s**t. Mabilis siyang tumalikod at itinuloy ang paghakbang patungo sa round table. So… Talagang hindi sinadya ni Shellany na dam’hin siya nang ganoon kanina upang tuksuin. Hindi nito ginawa iyon upang muli siyang akitin. She unconsciously did it—and it felt so great. Ahhh, f**k. He wanted to curse himself because he just realized something. Napagtanto niyang hindi niya nagugustuhan kapag pinipilit at sinasadya ni Shellay na akitin siya. But her, caressing him unintentionally, gave a different vibe on him. He found that unintentional caress somewhat sexy. And to think she just rubbed her thumb on his skin bothered him. Sa ganoon ka-simpleng paghaplos… sa ganoon ka-inosenteng paraan... ay may pinukaw ito sa pagkatao niya; sa sistema niya. And he wasn’t sure what he would feel about it... “HINDI MO INUBOS ANG PAGKAIN MO,” puna ni Cerlance nang makitang halos hindi nangalahati ang pagkaing dinala nito sa kama niya. Humugot muna siya ng tatlong ply ng tissue mula sa tissue box at nagpunas ng bibig bago sumagot. “Papaano ako kakain nang marami kung ganitong namamaga hindi lang ang ilong ko kung hindi pati na rin ang panga ko? Thanks to you, hindi ko magawang ubusin ang pagkain ko.” Narinig niya ang pagbuntonghininga nito. “I’m sorry, okay? Ilang beses kong dapat sabihin iyon?" Umikot paitaas ang mga mata niya. “Na parang maibabalik ng sorry mo ang na-dislocate kong panga.” “You are exaggerating again." Yumuko ito at kinuha isa-isa ang mga pagkaing nasa ibabaw ng kama. Pinagpagan din nito iyon bago tumalikod at ibinalik sa round table ang pinagkainan niya. Cerlance ate his food at the table while doing some work on his iPad. Nakita niyang habang kumakain ito’y panay ang tipa sa touch screen, probably answering some emails. At habang kumakain sila ay nanatili siyang tahimik habang pasulyap-sulyap dito. At totoo ang sinabi niya. Masakit ang panga niya sa tuwing ngumunguya siya, kaya kahit gusto niyang lantakan ang Chinese food na dala nito’y hindi niya magawa. At kung hindi ito nag-sorry nang paulit-ulit sa kanina ay baka pinaghahahagis niya ang mga pagkaing iyon dito. Inayos niya ang pagkakabuhol ng kumot sa kaniyang dibdib saka bumaba sa kama. Nang maramdaman ni Cerlance ang pagkilos niya’y lumingon ito. “What now?” he asked. “What? Hindi na ako pwedeng gumalaw?” pamimilosopa niya. Ewan ba niya at hindi niya mapigilan ang sariling sagutin ito lagi nang pabalibag. Marahil ay dahil sa iritableng pakiramdam niya sa mga sandaling iyon. She had so much pain in her body right now; kaunting kibot ay naiirita siya. “If you need anything, just let me know. What do you want? Water?” “Iihi ako. Ano, gusto mong ikaw ang maghubad ng panty ko?” Natahimik ito saka umiwas ng tingin. Doon siya muling nagtaka. Kanina pa niya napapansing tila naiilang ito sa kaniya, at hindi ito ganoon. Ano kaya ang itinatakbo ng isip nito? Hindi naman ito dating ganoon, ah? Oh well. Nagkibit-balikat siya at naglakad patungo sa banyo. Itinaas niya ang laylayan ng humot upang hindi niya maapakan. Nang mapadaan siya sa likuran ni Cerlance ay hindi sinasadyang napasulyap siya sa nakabukas nitong iPad, at nang makita niya ang larawang ginamit nito bilang wallpaper ay nahinto siya. It was a picture of a middle-aged woman hugging Cerlance. Nakaupo ang mga ito sa isang wooden bench at sa likuran ay tila malawak na taniman ng mais. The middle-aged woman looked pretty despite her age, at mukha itong mabait. Mukhang fairy godmother sa mga Disney movies imbes na evil stepmother. “Nanay mo?” hindi niya napigilang itanong. Napasulyap din ito sa iPad bago itinuloy ang pagsilid ng mga pinagkainan nila pabalik sa paperbag. “Yeah.” “Mabait ba siya?” “Very.” “Pwede ko ba siyang maging nanay?” Ang paglagay nito ng bucket papasok sa paperbag ay nahinto sa naging tanong niya. Sandali itong natigilan habang siya nama’y napangisi. “Kalma,” aniya. “Ang ibig kong sabihin ay baka gusto pa niyang mag-ampon ng isa pang anak. Hindi ko sinabing maging mother-in-law.” She giggled and continued to walk to the bathroom. At bago niya isara ang pinto ay inilusot niya ang ulo upang silipin ito. Si Cerlance ay nanatiling tulala. Doon siya napahagikhik. “Pero pwede rin namang mother-in-law, madali akong kausap. And since hindi mo naman ako type, baka pwedeng i-reto mo na lang ako sa isa sa mga kapatid mong single? Wala akong pili, pero okay na ako sa pogi.” Doon siya marahas na nilingon ni Cerlance. Nasa anyo ang inis. “Walang pili pero gusto ng pogi? Ayusin mo ang mga desisyon mo sa buhay, Shellany." Napanguso siya. “Kuuu. Ito naman, kaagad na nagselos.” “Wha—” Na-sapo ni Cerlance ang noo sa pagkamangha. “Could we please not talk about my family? And could you please just shut the door now?” Muli siyang napangisi. “So… May kapatid ka bang ire-reto sa akin? Aba, pagkatapos ng closure namin ni Knight, dapat may kapalit kaagad.” Ibinalik ni Cerlance ang pansin sa ginagawa; shoving all the food boxes back into the paper bag. “My brothers and I have the same taste in women.” Then, he looked over his shoulder again, giving her an empty look. “Do you want me to elaborate more?” Napanguso siya at tuluyan nang ini-sara ang pinto. Hinarap niya ang sarili sa salamin saka inayos ang mga kulot na buhok na tumakas mula sa pagkakapusod niya. “Pfft. My brothers and I have the same taste in women..." she imitated, making a face and rolling up her eyeballs. "Mga walang taste na magkakapatid.” Itinuloy niya ang pag-aayos ng nagulong buhok nang bumaba ang tingin niya sa kaniyang panga. Nang makita ang bahagya pa ring pamumula niyon ay napabuntonghininga siya. Para siyang dumaan sa torture sa araw na ito. Una’y pinag-zip line siya ng kumag niyang driver, pangalawa ay napaso siya ng mainit na kape, pangatlo ay sumadsad ang ilong niya sa handbrake ng kotse, at pang-apat ay itong panga naman niya ang napuruhan. What a terrible day she had. Sana man lang… bago matapos ang araw na iyon ay may magandang mangyari sa kaniya. Kahit papaano. TUMAAS ANG ISANG KILAY NIYA NANG SA PAGLABAS NG BANYO ay makita si Cerlance na pinapagpagan ang higaan niya. Napasandal siya sa pader ng banyo saka nakangising pinanood si Cerlance habang abala sa ginagawa. Kahit ang mga unan niya’y pinagpagan din nito, saka inayos ang makapal na kumot na naka-sapin sa kama. He was being so helpful to her, buti at naisip nitong bumawi sa kaniya sa ganoong paraan. Nang maramdaman nito ang presensya niya’y napalingon ito. “Your bed has crumbs,” anito bago naupo roon saka inabot ang cream na ipinatong niya sa side table. “Come here and let’s get this over with.” Napasinghap siya nang maalala ang hininging pabor dito. Hindi niya akalaing seseryosohin nito iyon! She thought he only said that to make her feel better after hitting her chin—she had no idea he was dead serious. At bakit ako biglang na-excite? tanong niya sa sarili. Kaloka! “Come on, it’s getting late.” Ini-tuwid niya ang sarili saka humakbang palapit. She pressed her lips to stop herself from grinning. Hindi siya mahihiyang maghubad sa harap nito, aba. “I’m warning you, Shellany,” anito na sandaling nagpahinto sa paghakbang niya. Ang anyo nito’y seryoso. “Don’t do anything naughty or you will be sorry.” She raised an eyebrow. “What, dadagdagan mo ang injuries ko, ganoon?” “I might, so you better behave.” Niyuko nito ang box ng cream saka iyon ay binuksan. “Gagawin ko ito dahil ito ang hiniling mo kanina—hindi dahil gusto ko. At gagawin ko ito bilang pambawi sa hindi sinasadyang pagtama ng bottled water sa panga mo.” Itinuloy niya ang paghakbang, pigil-pigil pa rin ang pag-ngisi. “Dami mong sinasabi; bakit ba ang defensive mo lagi?” “I am not being defensive, I was just explaining why I’m doing this.” “Magkaiba ng term pero pareho ng intensyon.” Nang makalapit ay akma na sana siyang aakyat sa kama nang pigilan siya nito sa braso at ini-giya patungo sa harapan nito. “No, I’m putting this cream while you stand. I want you to turn around, take off the blanket, and cover your breasts before facing me again.” Muling tumaas ang kilay niya, subalit sa bandang huli'y sumunod na rin siya. Tumalikod siya at unti-unting inalis ang pagkakabuhol ng kumot sa katawan. “Bakit kailangang nakatayo ako? Hindi ba mas komportable tayong pareho kung nakahiga? Besides, papaano mong makikita ang buong area na napaso?” “Sinasabi mo bang mahihirapan akong makita ang lahat ng bahaging na-apketohan?” “Well, I mean... mas madali kapag nakahiga ako para walang sagabal.” Sandaling natahimik si Cerlance, habang siya'y tuluy-tuloy sa pagtanggal ng takip sa katawan. She was wearing spandex shorts so she had no problem taking the sheet off her body. At kahit pa naka-panty lang siya'y hindi rin siya maiilang. “Are you worried that I may not be able to see all the affected areas because your breasts may get in the way?” ani Cerlance makaraan ang ilang sandali. She looked over her shoulder and met his eyes. “Parang ganoon na nga…” Then, the bastard smirked and said, “It may be the case if your breasts are saggy. So... are they?” She gasped at his upright insult. Muntik na siyang humarap at sapukin ito. “Pinanganak kang gago, ano, Cerlance Zodiac?” He chuckled merrily—and with that, for some reason, her nerves calmed down. “I’m ready when you are.” "Kairita ka," bulong niya bago tuluyang ibinagsak ang kumot sa sahig. Sunod ay itinakip niya ang kanang braso sa kaniyang dibdib. She covered the unafected part—including her nips. Ang gilid na bahagi ng kaniyang kaliwang dibdib ay na-apektohan rin kaya bahagyan niyang ini-usog ang kamay. Her index, middle, and ring fingers covered her left nipp.le. Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang humarap. Sa pagharap niya'y pareho pa silang nagkagulatan; parehong natigilan. Paano ba naman, saktong kapantay ng mukha nito ang dibdib niya! And his face was just a few inches away from her nipp.les! And when Cerlance’s grey eyes gazed down to the arm she used to cover her breasts, she quivered. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa mga mata nito sa mga sandaling iyon na nagdala ng kung anong kilabot sa sistema niya. And for fvck’s sake, her body reacted wildly! She could feel her nips getting hard… her heart started to pound, and her stomach tightened in anticipation. Mariin siyang napalunok. Tinapangan ang sariling punain ito, “Ano, titingnan mo na lang ba ‘yang mga ‘yan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD