NAPA-IGTAD SI SHELLANY NANG MARINIG ang pagbukas at pagsara ng pinto ng banyo. Itinaas niya ang kumot hanggang sa leeg saka mariing ipinikit ang mga mata.
Hindi niya alam kung papaanong haharapin si Cerlance matapos ang mainit na tagpong iyon kanina. Hindi niya kayang harapan ang kahihiyan. No, actually… hindi niya alam na mahihiya siya matapos niyang makipagsagupaan ng dila sa lalaking ito kanina. She had been flirty with him these past few days, ngayon pa talaga siya nahiya?
At ngayong tinuka ni Cerlance ang palay na ibinigay niya’y magtatago siya sa ilalam ng kumot?
Nahinto siya sa pag-iisip at napigil ang paghinga nang maramdaman ang paglapit ni Cerlance. Ramdam na ramdam niya ang bawat paghakbang nito, at ang unti-unting pagsakop ng bath soap na gamit nito sa pang-amoy niya. Base sa pakiramdam niya't pang-amoy ay nasa malapit lang si Cerlance.
Pinatay na niya ang lamp na nakapatong sa side table na pumapagitan sa mga kama nila at tumalikod siya sa direksyon nito upang pansalamantala itong iwasan pagkatapos ang nangyari. Hindi niya alam kung saan siya nahihiya; sa pakikipaghalikan dito, sa pagpapakita niya ng mga bundok niya rito, o dahil sa pagtanggi nitong ituloy ang dapat sana’y mainit nang kaganapan ngayon?
Ahh… Hindi niya alam.
Kahit siya nalilito kung saan nanggaling ang hiyang nararamdaman. At kanina pa niya gustong sabunutan ang sarili sa mga ina-akto niya!
“Stop pretending that you’re asleep, I could see your deep breathing.”
Napangiwi siya, subalit pinili niyang ituloy ang pagpapanggap kaya hindi siya nag-mulat o tuminag.
“People breathe calmly when they are asleep, and your breathing is far from calm, Shellany. Stop your acting.”
Kunwari ay inis siyang nagpakawala ng malalim na paghinga saka padabog na bumangon. Nakasimangot siyang humarap dito at akmang sasabihin dito na naiinis siya dahil sa hindi natuloy na ganap nang bigla siyang natigilan.
Cerlance was standing at the side of her bed wearing nothing but a thick white towel around his waist. Balewala itong nagpupunas ng basang buhok habang nakayuko sa kaniya.
Napalunok siya.
At sa kagagahan niya’y bumaba ang kaniyang mga mata sa puting towel na nakapulupot sa bewang nito.
The distance between her and the son-of-a-gun was just a few inches away, and she couldn’t help but gulp once more when her eyes focused like a laser beam on the middle of his thighs. Kahit nakatakip iyon ng makapal na towel ay halatang may bumubukol pa rin. Tila mabangis na hayop na gustong kumawala.
And Lord, wasn't that monster pressing against her stomach just a few minutes ago? Hanggang sa mga sandaling iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang matigas na bagay na dumiin kanina sa kaniyang balat. Tila tinta na hindi na maalis at permanente nang nakapaskil sa kaniyang sistema.
And all her life, she had never been this envious of such a plain towel.
Ngayon ay alam na niya kung ano ang gusto niyang maging sa susunod niyang buhay; ang maging towel ni Cerlance.
“Stop staring at it,” nakalolokong sabi pa ni Cerlance bago umiwas at naglakad patungo sa round table na pinagpatungan nito ng mga pagkain nila kanina. Doon ay ipinatong nito ang basang towel na ipinunas sa buhok.
“Kahit pagtitig, hindi pwede? Apaka-damot nito...” bubulung-bulong niya na sinabayan pa ng pag-ismid. It was just her defense mechanism. Ayaw niyang malaman ni Cerlance na matindi ang pagnanasang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Pagnanasang hindi niya alam kung papaano susugpuin. Pagnanasang hindi niya alam kung papaano siya patutulugin. “Parang tinitigan lang, eh,” dugtong niya. “Alangan namang kagatin ko ‘yan?”
“Kaya mo ba?”
Aba, nang-hamon pa!
Natawa si Cerlance nang makita ang muli niyang pag-ismid. Saktong sa pag-lingon nito ay nahuli ang ekspresyong namutawi sa kaniyang anyo. “I told you already, Shellany. We can’t. Not today.”
Napahalukipkip siya na bigla niyang ikina-ngiwi. Nawala sa isip niya ang napasong balat. At nawala sa isip niya na wala rin siyang pang-itaas na saplot, kaya labas na labas ang dibdib niya sa harap ni Cerlance!
At ang kumag, hindi man lang ang mga iyon muling tinapunan ng tingin?!
He’s probably just trying avoid looking at them. Kasasabi lang niya, ‘di ba? H’wag ngayon.
Kung bakit niya kinakausap ang sarili niya’y hindi niya alam. Nababaliw na yata siya. Kasalanan talaga ni Cerlance ‘to.
Sinundan niya ng tingin ang binata hanggang sa may ilabas itong pares ng damit sa dalang duffel bag. Mga pambihis nito iyon na dinala nito pabalik sa banyo. Makalipas ang ilang sandali’y lumabas si Cerlance suot-suot ang kanina’y dalang mga damit. Dumiretso ito sa higaan at nagpatong ng dalawang unan.
Muli na siyang nahiga at itinaas ang kumot hanggang sa leeg. This time, she was facing in Cerlance’s direction, watching his every move as he prepared for sleep. Nang maramdaman nito ang mga nakasunod niyang tingin ay sinulyapan siya nito at ningitian.
“What are you thinking?” he asked, rolling the sheet before sitting down on the bed.
“Wala lang. Napapaisip lang ako kung bakit hindi ka na lang dito sa kama ko mahiga.”
Susme, saan na naman nanggaling ang kaisipang iyon?!
“I don’t wanna,” anito sa nanunuksong tinig. “Mahirap na.”
“Mahirap na dahil…?”
“Baka kung saan pa mauwi ang pagtatabi natin.”
“So? Kapag gumaling na itong paso ko ay doon din naman ang uwi natin, ah?”
Great. Just great. Tuluyan nang nawala ang hiya sa katawan niya at bumalik na siya sa pagiging liberated. Which was good. She prefered this version of herself. She didn’t want to play coy. Not with someone like Cerlance Zodiac.
Si Cerlance ay napatitig sa kaniya nang matagal matapos marinig ang huling sinabi niya. Tila ba may napagtanto ito, o may ideyang rumehistro sa isip. Hanggang sa pinag-krus nito ang mga daliri at ipinatong ang mga braso sa magkabilang binti. His eyes narrowed as he looked her in the eye;
“I know I have asked you this already, but what exactly do you want from me, Shellany?”
Dahil may kadiliman nang kaunti ay hindi niya maarok sa mga mata nito ang damdaming nakapaloob doon. Pero nahihimigan niya sa tinig ni Cerlance ang kaseryosohan. Seryoso itong malaman kung ano ba talaga ng balak niya. Kung bakit niya ito ginagawa. At kung saan patungo ang nag-uumpisang 'mutual understanding' sa pagitan nila.
If that was the case, then sasagutin din niya ito nang seryoso.
“I feel lonely, Cerlance. And… you are in the right place, at the right time.”
“In short, you want me to fill the void after you were ditched by your ex."
“Yes.” She held her breath. Deretsong niyang inamin dito na panakip-butas lang ito! Susko, ang ganda niya, ha?
“And after this trip, what comes next?”
“What do you want?”
“I don’t want to have any conflicts.”
“In short, you don’t want to see me again after the trip.” Kawawa ka naman, Shellany, tuya niya sa sarili. Pero aminin mo. Ito rin ang gusto mo. Dahil gusto mo pa rin namang makipagbalikan kay Knight kahit may mamagitan sa inyong dalawa ni Cerlance, hindi ba? Wala kang balak na makipag-ugnayan kay Cerlance dahil si Knight pa rin ang gusto mong makasama sa huli! At kaya mo lang ito ginagawa ay dahil unang-una, nabuburyos ka sa biyahe. Pangalawa, you can't resist Cerlance Zodiac's charm! At pangatlo, you are hungry for some s*x!
At mukhang pareho lang kayong gustong magtikiman ng lalaking ito, and that alone gives you relief!
“It's not like that," ani Cerlance matapos ang huling sinabi niya. "It's more like... I don’t want to be in a relationship with you, dahil hindi ako ang tipo ng lalaking nagtatagal sa isang relasyon. Pagkatapos ng booking na ito, we may or we may not see each other again. But if you're single and I was, too, then I guess I would invite you out. Lamang, ay hindi ako makikipagrelasyon sa'yo.”
"Meaning, pagkatapos ng booking na ito at makabalik na tayong pareho sa Maynila ay maaaring muling mag-krus ang landas natin at posibleng imbitahan mo akong lumabas para makipag-s*x. Ganoon ba?" Bakit parang... ang exciting ng ganoon? Jusko, Shellany, umayos ka!
Napigil niyang muli ang paghinga nang ngumisi si Cerlance. "You are so straightforward, Shellany. And I like that."
Naramdaman niya ang pagkalat ng init sa pagkabilang pisngi. Mabuti na lang at madilim kaya hindi iyon makikita ni Cerlance.
She cleared her throat and said, "So we both agree na hindi matatapos sa booking na ito ang ugnayan natin?"
"If you're okay to stay within the boundary, then why not?"
Stay within the boundary. Ibig sabihin ay ganito lang. Ito lang. Tawag ng katawan lang, walang personalan.
“That’s fine,” aniya bago pa napigilan ang sarili. “Wala rin naman akong balak na magseryoso sa isang relasyon matapos ang nangyari sa amin ni Knight.” Bakit masyadong defensive ang sagot ko?
Sandaling natahimik si Cerlance at nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Ganoon din siya. Sinalubong niya ang tingin nito; hindi siya patatalo.
Hanggang sa…
“No strings attached, then?”
She couldn’t help but smirk in her mind. “No strings attached, that's for sure."
"Okay." Cerlance grinned sheepishly. "That's a deal."