“TULOG KA NA BA, CERLANCE?” tanong ni Shellany sa banayad na tinig. Hindi alam ng dalaga kung gaano na siya ka-tagal na nakatitig lang sa kisame habang hinihintay ang oras na dalawin ito ng antok. Subalit makaraan ang mahabang sandali, matapos niyang magbilang ng ilang libong tupa, at sa maka-ilang beses na pumihit siya sa magkaibang direksyon sa ibabaw ng kama, ay hindi talaga ito nakaramdam ng antok. At alam niyang ganoon din si Cerlance… kung ang pagbabasehan ay ang paraan nito ng paghinga.
“No,” Cerlance answered. “I can’t sleep with you changing positions every two minutes.”
Napahagikhik siya at pumihit parahap dito. Naka-patong ang isang braso ni Cerlance sa ibabaw ng noo habang ang isang kamay ay nasa dibdib. Sa kabila ng dilim ay nakita niyang nakapikit ang mga mata nito, at ang paghinga ay malalim.
“Ano’ng oras na?”
“I don’t know. It’s probably passed midnight.”
“Ano’ng oras tayo aalis bukas?”
“We must leave before 7:00 AM.”
“Ang aga naman no’n…”
“I know. Kaya matulog ka na.” Pumihit ito at nag-iba ng position. He turned his back on her, which she knew was his way to avoid speaking to her.
“Kailangan talaga, talikuran mo ako?”
Humugot ito nang malalim na paghinga bago uminat saka naupo sa kama. Ini-sandal nito ang sarili sa headboard saka nilingon siya.
“Fine. I’m up. What do you want to do besides s*x?”
Napasinghap siya sa sinabi nito, at bago pa niya napigilan ang sarili ay bumangon kipkip-kipkip sa dibdib ang kumot. “Hala, grabe siya oh!”
“You can’t deny that from me, Shellany. I could sense it from your heavy breathing. Pero kahit anong mangyari ay hindi natin gagawin ang gustong mangyari ng mga katawan natin. Your body had gone through a lot today, you need rest.”
Napanguso siya.
Hindi naman siya namimilit, hindi lang talaga siya makatulog.
“Can’t you force yourself to sleep?” tanong pa ni Cerlance nang hindi na siya sumagot sa huling sinabi nito.
Umiling siya. “Umabot na ako sa three thousand eighty four na tupa pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.”
“Do you… want to watch some movies?”
Nalipat ang tingin niya sa maliit na flat screen TV na nasa harapan ng mga kama nila. Movies?
Bago pa siya nakaisip ng isasagot ay naramdaman na niya ang muling pagkilos ni Cerlance at ang pag-abot nito ng remote na nasa ibabaw ng side table. Binuksan nito ang telebisyon, at ang unang bumungad sa kanila ay ang huling channel na nakabukas kanina bago niya iyon pinatay. A commercial about a sport product was being shown on the screen, and Cerlance changed the channel to look for a decent movie.
May nahanap itong cable channel, at doon ay ipinapalabas ang pelikulang pamilyar sa kaniya. It was a movie about the bounty hunter guy chasing his wife for a court case that she avoided attending. Ang bida sa pelikulang iyon ay sina Gerard Butler at Jennifer Aniston, at pamilyar sa kaniya ang pelikula dahil minsan na niya iyong napanood kasama sina Dabby at Ivan.
Bumalik siya sa paghiga; kinuha ang isang unan at dinala sa tagiliran niya upang kaniyang tandayan. Si Cerlance naman ay ibinalik ang remote sa ibabaw ng bedside table at ini-halukipkip ang mga braso sa tapat ng dibdib.
Nasa kalagitnaan nang parte ang pelikula, doon sa parteng sinusubukan ng bidang babae na tumakas mula sa ex-husband nitong siyang bounty hunter. Nagpasiya siyang ibaling ang pansin sa palabas.
“A question just suddenly popped up in my head, but I’m worried that you might not like it.”
Sandali lang niyang sinulyapan si Cerlance bago ibinalik ang pansin sa pelikula. “Ask away.”
“May utang ba sa’yo ang lalaking iyon kaya determinado kang magkita kayong muli?”
Hindi niya napigilang pigik na matawa sa sinabi nito. “I told you already, closure lang ang kailangan ko mula kay—”
“I have never met someone who would travel across the country for closure. But anyway, kung ‘yan ang sabi mo’y paniniwalaan ko There’s no point doubting you; we won’t be together for long anyway.”
She didn’t know why, but Cerlance’s last words hit hard. Pero imbes na sagutin ang sinabi nito’y nanatili siyang tahimik. Itinuon niya ang pansin sa palabas at hindi na nagsalita pa sa loob ng mahabang sandali.
Inasahan niyang sa panonood ng palabas ay makararamdam siya ng antok, subalit lumipas ang mahabang sandali, hanggang sa dumating ang eksenang nagkamabutihang muli ang dalawang bida sa pelikula, ay nanatiling mulat na mulat ang kaniyang mga mata. Ramdam niyang si Cerlance ay hindi rin inaantok dahil ang pansin nito’y nasa palabas. Hindi niya alam kung talagang nanonood ito, o pinakikiramdaman lang siya.
Habang pinanonood ang dalawang bida sa pelikula na nagkakaayos na ay pumasok sa isip niya si Knight.
Kung magkakaayos sila… maaari na kaya nilang ituloy ang naunsiyaming kasal? O susubukan muna niyang paghilumin ang sakit at kahihiyan na ini-dulot nito sa kaniya?
Kung dati’y siguradong-sigurado siya at alam ang isasagot, ngayon ay hindi na.
Hindi niya alam kung ano ang bukas na naghihintay…
Dahil ba… kay Cerlance?
Did Cerlance change her mind somehow?
Itinuon niya ang tingin sa lalaki na ang pansin ay nakatutok sa telebisyon. Nang maramdaman nito ang mga titig niya’y binalingan din siya, at nang magtama ang kanilang mga mata’y saka siya muling nagsalita,
“Alam mo ba kung bakit imbes na umuwi ako sa amin para ipahinga ang isip at puso ko matapos ang nangyari sa amin ni Knight ay mas pinili kong umalis at i-book ang serbisyo mo?”
“No. You tell me.”
“Iyon ay dahil magulo rin sa bahay. My parents don't get along. I am the only child and was only born because my gradparents wanted a grandchild. In short, napilitan lang na bumukaka ang nanay ko sa tatay ko para ipagbuntis ako.”
Nakita niya ang pagyukot ng noo ni Cerlance sa sinabi niya, at hindi niya napigilang muling pigik na matawa.
Nagpatuloy siya. “Sapilitang ipinakasal ang nanay ko sa tatay ko dahil ang tatay ay may malawak na lupain sa Ilocos. Galing sa maayos na pamilya ang tatay habang ang nanay ko naman ay anak ng magsasaka sa palayan nila Tatay. Na-kursunadahan ng tatay ko si Inay at hiniling sa lolo ko na ipakasal silang dalawa. Apparently, my mother was inlove with someone else. May kasintahan siya, pero sa takot na baka paalisin sila ng mga magulang niya sa lupang kinatitirikan ng kubo nila’y pumayag siyang pakasal kay Tatay. They married and had me a year later. Since then, hindi na muling nakisama ang nanay sa iisang higaan kay tatay. As I grew up, I would always see how my father would try hard to impress my mother, parang manliligaw sa sinisinta. Pero si Nanay ay walang pake, at hindi niya initago sa akin ang disgusto niya kay Itay. When I got older and started having crush, may sinabi sa akin ni Nanay na hanggang ngayon ay nakatatak sa utak ko.”
Nakita niya ang interes sa mga mata ni Cerlance habang hinihintay na magpatuloy siya.
And she did.
“My mother once said that no matter what, I should always follow my heart. H’wag daw akong tutulad sa kaniya na hindi nagawang ipaglaban ang pag-ibig sa lalaking tunay niyang mahal. Maging masaya raw ako kasama ang lalaking pinili kong mahalin.”
Cerlance relaxed, she could see that. Ini-sandal nitong muli ang sarili sa headboard, habang ang tingin ay nanatili sa kaniya.
Muli siyang nagsalita, “Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko nagawang kalimutan kaagad si Knight. Kasi kahit papaano, naging masaya kami. At inakala kong tama ang desisyon kong mahalin siya at piliin na maging asawa. But… he had cold feet and ran away. And I was chasing after him because I wanted to—” She stopped. Muntik na niyang makalimutan na iba ang ipinaniwala niyang dahilan kay Cerlance kaya sila nasa biyahe… “I… I was chasing after him because I wanted to have closure before I could love again. Y-Yes, that’s right.”
“That doesn’t add up,” sabi naman nito na halatang hindi kombinsido sa sinabi niya. “Malakas ang kutob kong ini-sa-puso mo ang sinabi ng inay mo na “sundin ang puso mo”. At literal na sinundan mo nga ang puso mong dala-dala ng dati mong kasintahan sa kung saang lupalop man siya naroon ngayon.” Napa-ismid ito, at nang muling magsalita ay may pagdududa nang kalakip sa tinig. “Are you planning to reconcile with him?”
“Overthinking ‘yan?” aniya kunwari na sinabayan pang muli ng tawa. “Sabi nang hindi, ‘di ba? Kung plano kong makipagbalikan sa kaniya, bakit kita nilalandi?”
“I don’t know. You ask yourself.” Muli itong napa-ismid at ibinalik ang tingin sa TV.
Napangiti siya. Gusto niyang isipin na kaya tila nasira ang mood nito ay dahil sa assumption nitong makikipagbalikan siya kay Knight. Which… was actually true. Pero hindi ba iyon nagustuhan ni Cerlance?
Makalipas ang ilang segundo ay patagilid siya nitong tinapunan ng tingin. “How about your parents? Are they still together?”
Balewala siyang tumango. “Yeah. Umay na umay na ang nanay ko kay Tatay, pero naniniwala siyang sagrado ang kasal kaya hindi niya maiwan si Itay. Kuuu, pero nag-i-inarte lang talaga ‘yon. Kahit papaano ay may damdamin din siya sa tatay ko. Dalawamput-apat na taon ba naman na silang nagsasama, eh. Kung wala siyang damdamin para kay Itay ay hindi siya magagalit sa tuwing hindi nakauuwi nang maaga si Itay, o kung nalalasing, o kung nakakalimot uminom ng maintenance. I think my mother had somehow developed some sort of love for my father, but she's too bitter to admit that. Bitter pa rin siyang hindi sila ng first love niya ang nagkatuluyan.”
Hindi na muling nagsalita pa si Cerlance. Inabot nito ang remote sa ibabaw ng side table at sa pagtataka niya’y pinatay ang TV.
“Hey, hindi pa tapos ang pinanonood ko!”
“It was almost finished. The main characters will reconcile and they would start anew. The end.” Ibinalik nito ang remote sa ibabaw ng table at nahiga na. “Now, force yourself to sleep. Maaga tayong aalis bukas.” Tumalikod ito sa direksyon niya.
Napanguso siya. “Eh sa hindi pa ako inaantok, eh…”
“Hindi ko na problema iyon, Shellany. Sa daan ka na lang matulog bukas. I need to sleep now so we could get to the destination tomorrow safe and sound. Kung hindi ako makakapagpahinga ngayong gabi ay baka makatulog ako habang nasa biyahe bukas. So, I need you to be quiet and let me sleep.”
Nanulis ang nguso niya at hindi na siya muling nagsalita pa. Sa loob ng ilang sandali ay muli siyang nagpabaling-baling sa higaan. May haharap sa direksyon ni Cerlance, tatalikod, mamamaluktot, at dadapa.
She was so restless that she didn’t know what to do anymore.
At mukhang napikon na rin si Cerlance. Bumalikwas ito ng bangon at sa pagkagulat niya’y tumayo at lumipat sa higaan niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mahiga ito sa tabi niya at pumailalim sa kumot na itinakip niya sa hubad na dibdib.
Mangha niya itong pinagmasdan; ang kilabot na naramdaman kanina sa buong katawan habang magkarugtong ang kanilang mga labi ay muling nagbalik.
“Close your eyes and sleep now, Shellany.”
Napakagat-labi siya upang pigilan ang sariling mapangiti. Kunwari pa si Cerlance, pero mukha namang ito rin ang gusto…
“Pwede ba akong… yumakap sa’yo?” aniya.
Cerlance groaned in annoyance. “Do whatever you want to do, just zip your mouth and let me sleep.”
Excited niyang ipinulupot ang isang braso sa matigas na tiyan ni Cerlance. Ipinikit niya ang mga mata saka ini-dikit ang noo sa braso nito.
“Bago ako manahimik, gusto kong magsabi ka ng totoo, Cerlance…”
"Geez. What is it again?"
"Gusto mo rin talaga akong makatabi sa higaan, 'no?"
Hindi ito sumagot.
At hindi na siya nagpumilit pa.
Lumapad ang ngisi niya at lalong ini-dikit ang sarili kay Cerlance. Hindi niya inalintana ang kaunting hapdi na nararamdaman sa bandang dibdib. She was willing to endure the pain just to be this close to him.