NAPAKAGAT-LABI SIYA UPANG PIGILAN ang malapad na pagngiti, pero kahit gawin niya’y hindi pa rin niya naitago ang labis na kasiyahan sa sinabi ni Cerlance. Hindi niya alam kung bakit—hindi niya maintindihan. But Cerlance words… made her feel better. They made her forget that she was someone who got jilted by her first lover. He made her feel special…. somehow.
At parang may kung anong kamay ng anghel ang humaplos sa puso niya nang ngumiti rin si Cerlance matapos makita ang naging reaksyon niya. It was a tender smile that she wasn’t used to see on his face. So tender it melted her heart.
Bago pa niya napigilan ang sarili ay inalis niya ang pagkaka-buckle ng seatbelt sa kaniyang katawan, at bago pa mahulaan ni Cerlance ang gagawin niya’y dumukwang na siya at matunog itong hinalikan sa pisngi.
The car swerved a little, pero kaagad ding naibalik ni Cerlance sa ayos ang pagmamaneho. He chuckled and glanced at her real quick before turning his attention back on the road. “Hey, what was that?” he asked, chuckling.
Paluhod siyang naupo sa kaniyang upuan habang nakaharap kay Cerlance. Ang kaliwa niyang kamay ay nakapatong sa headrest ng upuan nito, habang ang isa’y nakadantay sa balikat ni Cerlance upang ibalanse ang sarili. Alam niyang delikado ang posisyon niya sa mga sandaling iyon; kung biglang pi-preno ang sasakyan ay hahampas siya sa dashboard.
“Wala lang,” sagot niya sa tanong nito. Parang bulateng inasinan sa nararamdamang kilig. Damn, she couldn’t even explain why she was feeling that way. Parang nagtikiman lang sila, eh, tapos kung mag-develop ang feelings niya’y ganoon lang ka-dali! Susme!
"Hold on tight; I'll step on the accelerator to pass through that tricycle."
Napatingin siya sa harapan at nakita ang tricycle na may kargang sako-sako ng saging saba at mabagal ang takbo. Sa bawat gilid ng kalsada ay may mga maliliit na bahay at sa likod ng mga iyon ay taniman ng palay. Walang gaanong sasakyan kaya safe na mag-overtake.
She did what she was instructed to do. Ini-hilig niya ang ulo sa headrest ng upuan ni Cerlance saka iniyakap ang braso sa katawan nito.
Para-paraan din...
Nang malampasan na nila ang tricycle at nang muling ibinalik ni Cerlance ang kotse sa tamang lane ay saka ito muling nagsalita.
"You can let go now."
Paano kung ayaw ko?
“Malapit na nating marating ang Danao,” pahayag nito makaraan ang ilang sandali. Sa unahan ay natatanaw na nila ang nakapilang mga sasakyan papasok sa city center. “Papaano ka lalabas ng sasakyan ng…” Muli nitong sinulyapan ang baliktad na t-shirt na suot niya bago ibinalik ang tingin sa harapan, “…ganiyan ang suot mo?”
Niyuko niya ang sarili, at nang may maisip ay napangiti. Bumitiw siya kay Cerlance, bumalik sa pagkakaupo, at sa pagkamangha ng katabi ay hinubad niya nang walang kaabog-abog ang baliktad na t-shirt.
“What the hell are you doing?” Cerlance asked, chuckling again. Mangha nitong pinaglipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa harapan.
She wasn’t wearing a bra, at alam niyang kahit maghubad siya'y walang makakakita sa kaniya mula sa labas dahil sa mga tinted windows. Lamang, ang windshield ay hindi. At dahil papalapit na sila nang papalapit sa pila ng mga sasakyan sa unahan ay siguradong may makakakita sa kaniya mula sa windshield kung mapapatingin ang driver na susundan nila sa rearview mirror.
Well, that’d cause an accident, kaya kailangan niyang isuot pabalik ang T-shirt bago pa man nila marating ang pila ng mga sasakyan.
“Did you know that you are the first woman who sat in my front seat half naked, Shellany?” pahayag ni Cerlance habang madali niyang binabaliktad ang T-shirt upang muling isuot. Nasa tinig nito ang pagkaaliw, ang tingin ay diretso pa rin sa kalsada. “And you are the first client who I had s*x with inside my car. You made me break my rules.”
She grinned and gave Cerlance a side-way glance. “That makes me special. Mahihirapan kang kalimutan ako niyan, sige ka.”
Bakit parang may kudlit siyang naramdaman nang sabihin iyon? Dahil ba nalulungkot siyang isipin na hindi magiging permanente ang sayang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon?
Bahagya niyang ipinilig ang ulo upang alisin doon ang iniisip. Tapos na niyang baliktarin ang damit at madali niya iyong ini-suot nang makitang may dalawang motorsiklong umabante at sinubukang mag-overtake. Kapag lumampas ang mga ito sa kotse nila’y siguradong makikita siya ng mga ito. Wala siyang planong magbigay ng liveshow sa kung kanino lang.
Matapos niyang maisuot ang T-shirt ay muli niyang binalingan si Cerlance, while stretching her left arm to the backseat to grab her black leggings. “How about your previous women? Sinabi mong ako ang unang ‘kliyente’ na kinalantari mo sa loob ng kotse mo, hindi mo sinabing ang unang ‘babae’. Ibig sabihin ay may nauna na?”
Napangisi ito bago sumagot. “I don’t kiss and tell, Shellany.”
She smirked. “I’d consider that as a yes.”
Ayaw niyang ipahalata ang dismayang naramdaman kaya umayos siya ng upo at ini-suot ang leggings. Tuluyan na silang pumasok sa city proper at bumagal na ang pagpapatakbo ni Cerlance sa sasakyan dahil sa trapiko. Matapos niyang isuot ang seatbelt ay itinuon niya ang tingin sa harapan, saka tahimik na inayos ang buhok na nagulo kanina sa ginawa nila ni Cerlance.
Sa mahabang sandali ay pareho silang tahimik. Cerlance just focused on driving, habang siya naman ay nakatuon lang ang pansin sa labas ng bintana upang suriin ng tingin ang hindi pamilya na lugar. There was nothing particular in the City of Danao; it was just a normal provincial city like Iloilo. Yet, it was serene… and it gave her a nostalgic vibe.
Habang abala siya sa pagtanaw sa labas ay muli niyang narinig ang tinig ni Cerlance.
“Four to five more hours of travel time from here to Tacloban, makararating tayo roon bago dumilim. Gusto mo bang dumiretso na tayo sa eksaktong address na pupuntahan natin doon, o gusto mong palipasin muna ang gabi?”
Cerlance sounded neutral this time; like a service provider to his client. Like he should be.
Ibinalik niya ang tingin dito; sandaling pinanatili ang mga mata sa gwapo nitong mukha habang ito nama’y tutok na tutok pa rin sa daan. At habang nakatitig siya rito ay bigla siyang may napagtanto.
Napagtanto niyang sa buong araw na iyon ay hindi niya naisip si Knight—maliban noong ini-suot niya ang T-shirt nito. Sa araw ding iyon ay hindi pumasok sa isip niya ang sakit at kahihiyan na ini-dulot sa kaniya ng dating nobyo, at hindi rin pumasok sa isip niya ang dahilan kung bakit siya naroon sa sasakyan ni Cerlance.
That day, all her attention… was on Cerlance.
She didn’t care about anything else but him and his goddamn performance an hour or so ago.
Napakagat-labi siya nang bumalik sa isip ang ginawa nila kanina sa backseat.
In four to five hours, mararating na nila ang Tacloban. May posibilidad na sa susunod na lokasyon ay naroon na si Knight. May posibilidad na sa araw na iyon ay magkikita na silang muli ng dating kasintahan. May posibilidad na… iyon na rin ang huling araw na magkakasama sila ni Cerlance. Or maybe not?
No. I need to stick to my plan.
Knight and I need to talk. At kung maaayos pa’y aayusin namin ang nangyari sa relasyon namin. Cerlance is just a temporary entertainment—panandaliang aliw. I should be happy na kahit papaano’y na-satisfy ko ang curiousity ko tungkol sa kaniya bago kami maghiwalay. Kahit papaano...
Wala sa sariling nagpakawala siya ng malalim na paghinga habang ang tingin ay nanatili sa katabi.
Bakit parang may kung anong lungkot na bumalot sa kaniyang puso nang maisip na maaaring iyon na ang huling araw na magkakasama sila ni Cerlance?
What was she feeling?
What was she doing with her fu.cking life?
Si Cerlance ay napalingon sa kaniya nang walang nakuhang sagot sa tanong. He gave her a soft smile before turning his eyes back on the road. “You okay? Hindi mo sinagot ang tanong ko.”
Muli siyang huminga nang malalim bago sumagot,
“I think… magpapalipas muna ako ng gabi at bukas ng umaga na magpapahatid patungo sa eksaktong address.”
Tumango si Cerlance. “Okay, if that’s the case, we will need to book an accommodation for tonight. Habang namimili ka ng damit ay—”
“Hindi mo ba itatanong kung bakit gusto kong ipagpabukas na ang pagpunta sa pangalawang drop-off location, Cerlance?”
Nawala ang pinong ngiti sa mga labi nito nang mahimigan ang kaseryosohan sa tinig niya, at sa loob ng ilang segundo’y natahimik. Hinintay niya ang sagot ni Cerlance.
Hanggang sa…
“Good point," anito. "Noong nasa Iloilo tayo ay halos hilahin mo ang oras at paliparin ang bangkang magdadala sa atin sa Guimaras dahil sa pananabik mong makita ang taong sadya mo roon. Ngayon ay gusto mong magpalipas ng buong gabi bago siya makita. Yes, please tell me why.”
She raised her chin and answered, “Because I want to have s.ex with you again, Cerlance. In a huge bed. All night. Tonight.”