PIGIL-PIGIL NI SHELLANY ANG PAGHINGA. Hindi mai-alis ng dalaga ang tingin sa mamula-mula at mahabang bagay sa harapan. She was salavating and gulping as she stared at the juicy sausage. Oh, she couldn’t wait to put it in her mouth.
She was hungry. Craving for it. She could hear her inner self telling her to have a go now and enjoy until she was satisfied.
Napahugot siya nang malalim na paghinga. She had been staring at the magical sausage for a few minutes now and she couldn’t just touch it yet. She was still enjoying the view. She liked how it was placed on her… plate.
“Hey!”
Napa-piksi siya sabay igtad nang pitikin ni Cerlance ang noo niya. Nabitiwan niya ang hawak na tinidor at sinapo ang nanakit na noo dahil sa ginawa nito.
“You have been staring at your meal for minutes now. Mauubos ko na itong pagkain ko pero ikaw ay hindi pa nagsisimula.”
Napanguso siya at tinapunan ito ng masamang tingin. Naroon sila ngayon ni Cerlance sa isang maliit na Chinese restaurant malapit sa Danao City Seaport. Nakapamili na siya ng mga bagong pamalit, at habang nag-iikot siya sa department store ay tumawag na si Cerlance sa isang maliit na hotel sa Tacloban City upang magbook ng hotel na tutuluyan nila mamayang gabi. It’s only 2PM and as per Cerlance, they would get to the next island by six in the evening.
Habang hinahagod ang noong pinitik nito’y pinakatitigan niya ang kaharap. Cerlance shook his head and continued to eat his food while he checked some emails on his phone. Sinabi nitong maraming pumasok na bookings para sa susunod na dalawang buwan, kaya magiging abala ito. Gusto niyang isipin na ipinaalam iyon ni Cerlance sa kaniya upang sabihin na baka pagkatapos ng booking niya ay hindi muna niya ito makikita sa ganoon ka-habang panahon. And because they had a deal to see each other after the booking with no strings attached, whe thought it was sweet of him to inform her.
At hindi niya alam kung bakit pinanghahawakan niya iyon, samantalang naroon pa rin sa kaniyang dibdib ang pag-asang magkakaayos sila ni Knight, at kung ano man ang mayroon sila ngayon ni Cerlance ay temporaryo lamang.
Ibinaba niya ang kamay saka muling kinuha ang tinidor na nabitiwan niya kanina sa ibabaw ng plato. Habang ang tingin ay nanatili kay Cerlance, bumalik sa isip niya ang huling usapan nila bago marating ang Danao City Gaisano Mall.
“I want to have s.ex with you again, Cerlance. In a huge bed. All night. Tonight.”
Natigilan ito sa sinabi niya, at dahil papasok na sila sa city proper ay bumabagal na ang usad ng mga sasakyan. Nilingon siya nito at diretsong tinitigan sa mga mata.
“We can do that even after you met with your ex at the second location,” he said. “Why do I feel like you wanted to spend the night with me because you worry that it might be the last? Hindi ba’t makikipagkita ka lang sa kaniya para ibalik ang mga gamit niyang dala mo, at para pormal na hingin ang paliwanag sa ginawa niya sa’yo?”
Hindi siya kaagad na nakasagot. Nadulas ba siya? Of course, hindi tanga si Cerlance. He could easily read between the lines. Nahimigan ba nito sa tinig niya na kung sakaling nasa pangalawang lokasyon si Knight ay wala siyang balak na sumama paalis dito hanggang sa magkaayos sila ng dating kasintahan?
“Hindi naman siguro aabutin ng ilang oras ang pag-uusap ninyo, hindi ba?” Muli nang ibinalik ni Cerlance ang tingin sa harapan nang umusad ang kotseng nasa unahan nila.
“W-Well, I just thought it would be best to meet him in the morning. Iyong hindi ako… mukhang pagod.”
“And what made you think na hindi ka mapapagod ngayong gabi?”
Kumalat ang init sa magkabila niyang pisngi. Kung sana’y nasa tono ni Cerlance ang pagbibiro, madali niyang matutugunan ang sinabi nito. But he was serious and his eyes were on the road, so she couldn’t tell whether he was teasing or not.
“Let me ask you a question, Shellany.”
She cleared her throat. She’s not liking the way he sounded.
“Do you miss your ex-fiance?”
“Why are you… asking this all of the sudden?”
Ito naman ang hindi kaagad nakasagot, kaya nagpatuloy siya.
“Gusto kong makasama ka buong gabi, and I was very vocal about it. Pero bakit ang ex ko ang pinag-uusapan natin ngayon?”
Muling nag-preno si Cerlance nang muling huminto ang kotseng nasa harapan nila. At habang nakahinto ang sasakyan ay muli siyang nilingon nito. His face was void of any emotion, and his tone was plain when he said,
“You didn’t think about your ex while we were making out in the backseat of my car, did you?”
Napasinghap siya. “N-No, of course not!”
Sandali siya nitong tinitigan na tila tinitimbang ang mga sinabi niya, at nang maramdaman ang muling pag-usad ng sasakyan sa unahan ay ibinalik nito ang pansin sa pagmamaneho.
“Kung nami-miss ko siya, bakit ko gugustuhing ipagpabukas pa ang pagkikita namin kung pwede namang ngayong araw na rin?” Damn it, why did she sound so defensive?
Sa mahabang sandali ay natahimik si Cerlance. Tuluyan nang umusad ang trapiko kaya ini-tuon nito ang buong pansin sa pagmamaneho hanggang sa marating nila ang mall na sinasabi nito. They went straight to the parking lot, at habang naghahanap ng parking space si Cerlance ay inabot niya sa likuran ang itim niyang sneakers. Sandali pa siyang natigilan nang mapatitig sa backseat at bumalik sa isip ang mga nangyari sa kanila kanina roon.
Nagpakawala siya ng buntonghininga saka bumalik sa upuan nang makuha ang hinahanap.
Hindi niya alam kung bakit parang may pader na namang pumagitan sa kanila ni Cerlance.
Mabilis niyang ini-suot ang kaniyang sapatos, at nang matapos siya’y saka pa lang nakahanap ng parking space si Cerlance. Ipinatong niya ang siko sa bintana at nakangalumbabang tumingin sa labas. There was nothing to look as it was dark outside, but she didn’t want to look at Cerlance direction either.
Nang mahinto ang kotse at mamatay ang makina ay parehong walang kumilos sa kanilang dalawa. The atmosphere was getting awkward, and she didn’t like it.
Huminga siya nang malalim.
Fine, sasabihin na niya ang totoo. Sasabihin niya ang totoong umaasa pa siyang magkakabalikan sila ni Knight. Pero kung hindi man ay wala ring problema sa kaniya dahil nariyan naman ito. And she was fine with the ‘no strings attached’ agreement, lalo kung si Cerlance ang ka-partner niya.
Okay. She’s ready to tell him the truth.
Muli siyang huminga nang malalim saka hinarap ito. She opened her mouth to say something but stopped when Cerlance’s lips crashed on hers. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Kumabog nang malakas ang kaniyang dibdib.
Wait…
What?
The kiss didn’t take long, but it was deep and burning. Nang kumawala ang mga labi ni Cerlance mula sa kaniya ay tulala siyang napatitig dito.
“Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kanina,” Cerlance started, staring her straight in the eye. “Bigla na lang pumasok ang ideya sa utak ko na baka habang ginagawa natin ang bagay na iyon kanina sa likuran ng kotse ay ang dati mong kasintahan ang nasa isip mo. I hated it, and it ruined my mood.”
Oh.
Nagpatuloy si Cerlance. “At noong sinabi mong gusto mong makasama ako buong gabi bago makipagkita sa dati mong kasintahan bukas ng umaga ay para bang sinasabi mo na ito na ang huli.”
“And so… what kung ito na nga ang huli?”
Ito naman ang huminga nang malalim at umayos sa pagkakaupo. “I would be very disappointed.”
“Really?”
“Yes.”
“Because you knew you would miss me." Hinaluan niya ng biro ang tono.
“No,” ani Cerlance sa seryosong tinig.
“No?”
“No.” Muli siya nitong hinarap. “Because you chose to come back to the same man who hurt you. And that would be very disappointing.”
Hindi siya nakasagot. Sa sulok ng kaniyang isip ay tila may boses siyang naririnig at nagsasabing darating ang araw na kakailanganin niyang pumili. At ang pagpipilian niya ay ang balikan ang lalaking minsan na siyang iniwan sa ere, o panatilihin ang koneksyon sa lalaking katabi niya ngayon...
“I saw how miserable you were in the first few days because of him. And you said you were flirting with me because you were lonely." Cerlance's eyes darkened. "People only get lonely when they miss someone, Shellany. But after what happened between us last night and this morning, I wanted to know if you still missed him. So, do you still miss him? Are you still lonely?”
“I…” Ano ang isasagot niya? Ano ang tamang sagot?
“Gusto kong isipin na kaya gusto mong gugulin ang buong magdamag kasama ako ay dahil sa bagay na pareho nating gustong gawin—and that was s*x, at hindi dahil ito na ang huling gabing magkakasama tayo. I mean… it’s fine eitherway. It not as if I was in love with you and I didn’t want you to go. We are both free to make our own decisions and none of us could stop it. Plus, our connection with each other is purely s****l, kaya wala akong problema kung alinman sa dalawang nabanggit ko ang totoong nasa isip mo ngayon. I just want you to be honest with me and not take me for a fool, that’s why I’m asking.”
Papaano niya sasabihin kay Cerlance na parehong tama ang dalawa?
Na gusto niya itong makasama buong magdamag dahil sa s*x, at dahil nag-aalala siyang baka iyon na ang huling araw na magkakasama sila dahil baka nasa pangalawang lokasyon na si Knight at maaaring magkaayos sila?
Damn it.
She had never been this indecisive all her life.
Humugot siya nang malalim na paghinga. Cerlance must know that she wanted him so bad she wouldn't let the day pass without them making out again.
“I want to spend the whole night with you in a hotel bed because the backseat of the car wasn’t the best place to have s*x. Masikip at mainit," aniya. Matapang niyang sinalubong ang mapanuring mga mata ni Cerlance. "Plus, nagmamadali tayo kanina. And didn’t you say you like slow s*x? So bakit hindi natin iyon gawin mamayang gabi?”
“So, you don’t miss your ex anymore and you are no longer lonely, is that it?”
Umiling siya, and she knew to herself that she was half-lying.
Yes. Half-lying.
Dahil hindi na niya alam ngayon kung ano talaga ang gusto niya.
Si Cerlance ay napangisi makalipas ang ilang sandali. Tinanggal nito ang pagkaka-buckle ng seatbelt at itinaas ang kamay upang alisin ang kulot na buhok na tumabing sa kaniyang mukha. Muli siyang natigilan.
She found that gesture sweet and she liked it.
“That's good to know. I don't want to have s*x with you kung ang laman din lang ng isip mo ay ibang lalaki." Ibinaba nito ang kamay saka binuksan ang pinto sa panig nito. "Let’s go now. I’ll make a call while you buy your clothes. I’ll book a hotel room for us in Tacloban.”
“BAKIT MO NI-ORDER ang pagkaing iyan kung hindi mo rin kakainin?”
Napa-igtad siya nang marinig ang muling pagsalita ni Cerlance. Hindi niya namalayang muli na naman siyang natulala habang nakayuko sa pagkaing ni-order niya. Nawala na naman sa isip niya iyon nang maalala ang pag-uusap nila ni Cerlance kanina bago bumaba ng sasakyan.
Si Cerlance ay nakatitig sa kaniya habang ningunguya ang pagkain. Hindi niya namalayang muli na itong bumalik sa pagkain matapos i-check ang ilang mga emails sa cellphone. Papaubos na ang pagkaing nasa plato nito, habang ang sa kaniya’y wala pa ring bawas.
She ordered three big Chinese sausages and a serve of Chinese fried rice with a few side dishes. Para siyang loka kanina na pinagmamasdan ang mga sausages na nakapag-papaalala sa kaniya ng ibang bagay.
Bagay na mahalay, siyempre.
It was cooked perfectly and looked so juicy. Mapula-pula ang kulay ay mataba ang pagkakabalot. Kahit na malayo ang size sa ibang sausage na alam niya, ay hindi niya mapigilang ipag-kompara.
Oh, malala na talaga siya.
Kasalanan ni Cerlance ito.
At ng sausage na iyon.
Nang pumasok sa isip ang hubad na katawan ni Cerlance ay biglang kumirot ang puson niya. Damn it. She could still feel the pleasure-pain Cerlance had inflicted on her when he did that rough movement back in the car. Nagkamali siya nang hamunin ito kanina. Akala niya'y kakayanin niya, iyon pala'y titibag din siya.
Ibinalik niya ang tingin sa pagkaing nasa plato niya.
Hindi niya alam kung papaano kakainin ang sausage.
Hihiwain ba dapat muna niya?
O diretso kagat na?
“Hindi mo ba gusto ang ni-order mo? Do you want to change it?” muling pukaw sa kaniya ni Cerlance.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay dahan-dahan niyang tinusok ang isa sa mga sausages na nasa plato niya, at nang makita ang pag-agos ng mamantikang likido mula roon ay muli siyang natigilan.
It was so juicy… and it smelt so good.
Doon na siya natakam; ang sikmura ay kumalam na.
Tuluyan niyang inilibing ang tinidor sa mahaba at matabang sausage. May haba iyong limang pulgad at doble ang laki sa limang piso. Sa iisa lang ay mabubusog na siya, panigurado.
Dahan-dahan niyang inilapit ang sausage sa kaniyang mukha, at nang papalapit na iyon nang paapalapit ay saka niya ibinuka ang bibig. At dahil may kalakihan ang sausage ay nilakihan din niya nang bahagya ang pag-nganga.
And when the sausage touched her lips, her eyes deliberately moved to Cerlance where she found him looking at her with his grey eyes wide open.
Ang pagsubo nito ng pagkain sa kutsara ay nabitin din nang makita nito ang ginawa niya. Nasa mukha ang pagkamangha at panggilalas. Not only those, she could also sense passion building up.
Itinuloy niya ang pagsubo sa sausage at ang pagkagat niyon habang diretsong nakikipagtitigan kay Cerlance. With just one bite, her mouth was already so full. At habang ngumunguya ay hinayaan niyang naka-angat sa ere ang sausage na may kagat na niya, at ang kaniyang mga mata’y nanatili sa kaharap.
Cerlance's expression changed; his eyes darkened. Ibinaba nito ang kutsarang hawak saka humugot nang malalim na paghinga.
“Stop, Shellany," he said in a hoarse tone.
Lihim siyang napangisi. Alam na alam niya kung ano ang ibig sabihin nito.
Nilunok muna niya ang nasa bibig bago sumagot ng,
“Stop what, Cerlance?”