“KAMI na ni Chaos!” masayang kuwento ko kay Hestia na ngayon ay nakangiwi. “Ang ingay mo, Raileigh," saway niya sa akin. Natawa ako. “Sorry!” Nakangiwi pa rin siya habang nakatingin sa akin. Binalewala ko na lang ang ngiwing iyon at kumapit sa braso niya. “Kanina ko pa napapansin na mukhang bwiset ka. What happened?” I asked. Umiling lang siya sa tanong ko. Mas nakumpirma ko tuloy na bwiset siya ngayong araw. “May nangyari ba? Nag-away ba kayo ni Yesxia? O ni Kuya Silent?” sunod-sunod kong tanong. Bumaling ang tingin sa akin ni Hestia dahil sa itinanong ko. Magkasalubong ang kilay niyang nagtanong. "Bakit nadamay ang Montealegre’ng iyon sa usapan na ‘to?” Nagkibit-balikat ako. “Malay mo, isa siya sa dahilan kung bakit bwiset ka ngayong araw. Kasi ako, tuwing nag-aaway kami ni Chao