“SHE'S beautiful, huh? Not bad," usal ko sa sarili habang nakatingin sa article na binabasa. Tungkol ang article kay Curse at sa ipinakilala niyang girlfriend, si Akira Levesque. Sila ang laman ng mga article ngayon. Napabalita ko pang pati sa dyaryo ay laman sila ng balita. Talagang pinagkakaguluhan ngayon ang mga Montealegre dahil sa ginawang pagpapakilala ni Curse sa girlfriend niya sa mismong engagement party niya sa ibang babae. Nakalagay rito ang nangyaring gulo sa party. May mga kumakalat din na larawan ni Curse kasama ang sinasabi nitong girlfriend, na mukhang nakikipag-away sa fiancee niya sa mismong event. Parang noong nakaraang araw lang, inaalok ako ni Curse na maging girlfriend niya para tulungan siya sa problema niya. Mukhang nakahanap na siya ng iba. I wonder, talagang m