"At bakit ako sasama sa ‘yo?" Kunot noong tanong niya dito. "To make sure na safe ka," sabi nito saka lumapit sa ref kung saan siya malapit nakatayo. Nang buksan nito ang pintuan ng ref at kumuha ng bottled water ay bahagyang nasagi ng siko nito ang kanyang hita na hindi natatakpan ng boxer's shorts nito. Mula sa siko nito ay parang may malakas na boltahe ng kuryente na dumaloy sa kanya. Parang bigla siyang napaso na lumayo at siniguradong hindi na siya nito masasagi. Pumunta siya sa stove para simulan na ang pagluluto. Nang maramdaman niyang nakatayo lang ito malapit sa kanyang likuran dahil amoy na amoy niya ang mamahaling pabango nito, 'o natural scent nito?Para tuloy nawawala ang kayang konsentrasyon sa niluluto niya. "Sasama ka sa 'kin sa ayaw at sa gusto mo," marahas niya itong ni