"Yes Joaquin? Kailangan mo ba talagang mang-istorbo sa taong natutulog? Halos isa at kalahating oras pa lang ang natulog ko Joaquin, damn you!" Natawa ng mahina si Joaquin sa mura ni Apollo at halatang antok na antok pa ito. "Ano na naman ba ang pinagkakaabalahan mo? Babae ba, 'o, nag bar ka na naman?" Sabi niya na hininaan ang boses nang makitang bahagyang gumalaw ang babae. "Bar? You must be kidding, Joaquin. Babae? Yes maybe, at sumasakit ang ulo ko sa Sabrina Ruiz na to. I can face hundreds of deaths, pero hindi sa isang ito," hindi mapigilan ni Joaquin ang matawa ng malakas sa sinabi ng pinsan. He could imagine Apollo's face, salubong ang kilay at parang dragon na bubuga ng apoy. "Pero napakaganda niya Apollo," tudyo niya dito. "Pero hindi ang ugali niya. By the way, ano nga pal