Masayang nag-aayos ng paninda niya si Arabella habang sumasabay sa paborito niyang kanta na kasalukuyang tumutugtog sa radyo. Meron siyang boutique sa isang kilalang beach resort sa Palawan. Nag-rent siya ng maliit na pwesto sa isang hotel kung saan ang ground floor ay ginawang commercial ng may-ari. Beach wears ang kanyang paninda, meron din siyang mga DIY na mga accessories na gawa sa mga shells at bato. Mahilig siya sa craft arts, kaya pag may free time siya doon niya ginugugol ang kanyang oras sa paggawa. Marami din ang bumibili na mga turista at dagdag kita pa iyon.
Hindi naman gaano kalakas ang kita ng kanyang boutique lalo na ‘pag hindi summer. Talagang mahirap buminta. Natigil siya sa ginagawa ng maramdamang may nakamasid sa kanya. Tumingin siya sa labas ng pintuan kung saan ay tabing dagat na. At dahil summer ay maraming naliligo sa dagat.
Naagaw ang kanyang pansin sa umpukan ng limang lalaki. Nakaupo ang mga ito sa isang open cottage. Nag-iwas ang mga ito ng tingin ng tumingin siya sa grupo ng mga ito na kitang-kita sa Glass wall ng kanyang boutique.
Pero ang isang lalaki ay hindi man lang umiwas ng tingin at lalo pa siyang tinitigan, at ngumiti pa sa kanya. Nasa forties ang edad nito sa tingin niya, pero matikas pa rin ang pangangatawan nito. Guwapo rin ito. At sa uri ng titig nito sa kanya ay para bang nagdulot iyon ng kilabot sa kanya at, bumilis ang t***k ng kanyang puso sa kaba. Iniwas niya ang kanyang paningin sa ibang direksykon.
Dali-dali siyang tumalikod at naupo sa upuan niya sa counter. Parang nanayo ang mga balahibo niya sa paraan ng titig ng lalaki sa kanya.
Did she read the danger in his eyes? O baka guni-guni niya lang ‘yon, at lately napapadalas ang panonood niya ng mga horror at suspense movies. Maya-maya pa ay naglakas-loob siyang tingnan ang grupo ng kalalakihan, at nakahinga siya ng maluwag nang makitang bakante na ang cottage, at wala ng anumang senyales na naroon pa ang mga ito.
Graduate si Arabella sa kursong Accountancy, nakapasa naman siya sa board exam pero halos isang taon niya lang nagamit ang kurso ng magtrabaho siya bilang isang accountant ng isang malaking travel agency sa Palawan. Hinikayat siya ng best friend niyang si Candice na magnegosyo na lang, nadala siya sa mga sinasabi ng kaibigan kaya ang konting savings niya ay naisipan niyang ipangnegosyo. At ito na nga ang kanyang boutique. Candice was right, mas maigi nga ang ganito at sariling oras mo ang masusunod. Ikaw ang boss at sarili mong rules ang masusunod.
Limang taon pa lang siya nang mamatay ang kanyang ina, sabi ng kanyang Papa may sakit daw ito sa puso. At nagising na lang daw ito isang umaga na wala ng buhay ang kanyang ina sa tabi nito. Hindi na niya matandaan ang mukha nito. Sa mga pictures niya na lamang ito nakikita. Pero isa lang ang sigurado niya napakaganda ng kanyang ina, at marami ang nagsabi na namana niya ang gandang ‘yon ng kanyang namayapang ina.
Hindi na rin nag-asawa ang kanyang ama matapos mamatay ng kanyang Mama, saksi siya kung gaano kamahal ng kanyang Papa Roger ang kanyang ina. Sobrang mabait ang kanyang ama, ginawa nito ang lahat makatapos lang siya ng kanyang pag-aaral. May maliit itong palaisdaan, at ito ang kanilang pangkabuhayan.
Pero nitong mga nagdaang araw hindi niya alam kung bakit palaging ginagabi ng uwi ang ama sa kanilang bahay. Hindi siya makakuha ng tamang timing para usisain ito. Sapagkat kung umuwi ito ay maghahating gabi na at tulog na siya, at kung umaga naman ay aalis na siya para pumunta ng shop niya ay tulog na tulog pa rin ito.
Nagulat pa nga siya nang minsang pumunta ito sa kanyang shop na first time nitong ginawang manghingi ng pera sa kanya.
"Aanhin n’yo po ang pera, Papa? ‘Di po ba noong isang araw lang ang harvest n’yo ng mga isda?" Kunot-noo niyang sabi habang inaabot ang hiningi nitong ten thousand. Hindi naman sa kinakalkula niya ang binibigay niya dito, kaso lang hindi niya alam kung anong ginagastusan nito at hindi naman ito dati katulad nito.
"N-nag-iinvest ako sa isang property anak, pangako ibabalik ko rin sa ‘yo itong pera mo," sagot nito habang nagpupunas ng pawis sa noo nito.
"Baka ma-scam po kayo diyan at nagkakalat ang scammer ngayong panahon." Paalala niya sa ama, saka tumalikod na para estimahin ang pumasok na customer. Hindi na niya narinig pa ang sagot nito, tumango na lang siya nang magpaalam na ito.
Napabuntonghininga siya nang maalala ang usapan nila ng ama. Ilang buwan na iyong lumipas pero hindi niya pa rin alam ang sinasabi nitong property. At palagi pa rin itong wala sa bahay nila. Hindi tulad dati na masaya pa silang nag-uusap ‘pag sarado ang kanyang shop at nasa bahay lamang siya. Pero ngayon dadalawa lang nga sila, at hindi naman kalakihan ang kanilang bahay pero halos hindi pa sila magkikita.
At iyon ang kanyang dapat tuklasin tungkol sa pinangagawa ng ama. ‘Di kaya ay engage ito sa drugs? naisip niya pero agad din niya iyong binawi. Kilala niya ang ama hindi nito kayang gawin iyon.
May babae kaya? Mas gugustuhin niya pang isipin iyon kaysa sa malulong ito sa bawal na gamot. Hindi naman siya tutol kung sakaling maisipan nitong mag-asawa. Hinahangad niya rin ang kaligayahan nito. At siya? Bahala na siya sa kanyang sarili at matanda na naman siya, basta nakikita niya lang masaya ito. Ilang taon na rin itong nagsakripisyo para sa kanya maybe it's high time for him to find his own happiness, at ang kaligayahang ‘yan ang hindi kayang maibigay ng isang anak sa tatay.
Natigil ang kanyang pag-iisip ng tumunog ang kanyang door chime na gawa sa shells, at pumasok ang grupo ng kababaihang sa tingin niya ay bakasyonista. Sinalubong niya ito at masayang in-entertain Halos pinakyaw ng mga ito ang mga crafts niya at iba pa niyang paninda. Natutuwa siya at labis siyang nagpasalamat sa mga ito nang lumabas na sila. Masaya siya at tuluyang nakalimutan ang anumang iniisip tungkol sa ama.