"Huwag ka na lang maraming tanong Bella, uulitin ko sa 'yo. I hate lots of conversation," isinara niya ang bibig na bumuka para sana magtanong pa dito kung bakit ayaw nitong may makakita sa kanya. Ipinalagay na lamang niya na dahil delikado pa ang buhay niya ngayon. Inisip siguro nito na pagmarami ang nakakita sa kanya dito ay baka may makapagsabi kay Fernan kung nasaan siya, at ayaw siguro nitong madamay pa sa gulo. "Bukas nga pala may bibilhin ako sa mall malapit dito, and I want you to come with me," sabi ulit nito na ikinagulat ni Bella. "A-ayoko Joaquin, baka makita ako ng tauhan ni Fernan at papatayin nila ako," marahas ang ginawa niyang pag-iling, at bumangon ang matinding takot sa kanyang dibdib nang maalala si Fernando Rosales. "Sasama ka sa akin Bella, and no one can touch you