DAHLIA “Marry you? Nahihibang ka na ba? Ilang araw pa lamang tayong nagkasama at isa pa, wala pa tayong isang lingo na mag-jowa tapos gusto mong asawahin na ako?” tutol ko sa naging tanong niya. Hindi ko pa nga siya gaanong kilala. Iba naman yung noon. Twenty years din na hindi namin nakita nag isa’t-isa kaya parang ambilis lang niyang magdesisyon ng marriage. “Why not? Hindi na tayo pabata Dahlia, parehas na tayong malapit nang lumampas sa kalendaryo at isa saka were both successful na. Kasal na lang ang kulang.” Dagdag pa niya. Umiling ako sa kanya. “No, pag-isipan ko muna. Marriage is sacred. Mas mabigat na responsibilidad yun. At hindi lahat ng pumasok sa ganun ay panghabang buhay. Yung iba mas okay pa maging single.” Pahayag ko na ikina-seryoso ng mukha niya. “Hindi pa nga tayo