SA isip ko, sa edad ni Sam ngayon ay marami din siguro siyang naging karelasyon, imposible naman kung wala. Pero para sa akin, hindi bale na marahil ay parte na iyon sa kaniyang nakaraan. Ang importante ay ako lang ngayon sa buhay niya. Hanggang sa makatulog na ako at nagising kinabukasan nang ala-sais nang umaga. Nagtaka ako kung bakit wala pa si Sam, na sa pagkakaalam ko ay alas-kuwatro ang kaniyang labas sa trabaho. Lumabas ako ng kuwarto at nagbabakasakali na nasa sala ito natulog. Pero bigo ako dahil wala si Sam. Tinawagan ko siya ngunit naka-off ang kaniyang mobile. Hindi ko naman maiwasan na hindi mag-alala para sa kaniya, dahil magkasama kami sa iisang bubong at maging misis na niya ako. Pero hinintay ko pa rin siya at idinadaan ko sa pagluluto ang aking paghihintay. Nang matap