J-15
IT WAS two days later, gladly, her home study went well. There are times na nabuburyo siya dahil sa hindi naman nakaka-enjoy ang mga-aral sa bahay. Masaya pa rin iyong kahit hirap na hirap ka sa gawain sa school pero kasama mo naman tropa mo, solve pa rin ang araw mo. Pero sa sitwasyon niya ngayon, madali na lang siyang ma-bored. Miss niya na si Cole. Aminin man niya o hindi, their small fights before makes her missed him. Ngunit sino ba naman siya para mag-complain? Ni wala nga siyang cell phone number nito.
Napalumbaba siya sa mesa habang nilalaro ang kanyang lapis.
"Are you done Ms. Reyes?" tanong pa sa kanya ni Ms. Gabby.
She exhaled.
"Can I just continue this essay later? Wala talaga ako sa mood ngayong araw at baka pati bukas, wala rin."
"Oh? Sure, no pressure darling. Ibibigay ko na lang sa iyo ang mga iba pang activity, then next meeting na lang natin e-check."
"That's better!" sang-ayon niya agad.
Agad siyang tumayo at iniligpit ang kanyang mga gamit.
"Pahatid ka na lang sa driver namin Ms. Gabby," aniya pa.
"Thanks Ms. Reyes."
Tumango lamang siya at umakyat na sa kanyang kuwarto. Inilapag niya ang mga gamit sa kanyang working table at sumilip sa labas ng kanyang bintana. Abala ang kanyang Lolo Miguel sa pagmamando sa mga trabahador habang nakasakay ito sa kabayo. Napangiti siya. Talagang mahal na mahal ng Lolo Miguel niya ang hacienda.
Lumubay na siya sa pagmamasid sa kanyang Lolo Miguel at nagpalit ng damit. Gusto niyang samahan ang kanyang Lolo Miguel sa pag-iikot sa hacienda.
Kakasuot niya pa lang ng kanyang sandal nang biglang mag-ring ang kanyang cell phone. Agad din naman niya itong dinampot at wala sa isip na usisahin kung sino ang kanyang caller.
"Yes?"
"Jenny," wika sa kabilang linya. Natigil siya sa ginagawa at bigla siyang kinabahan. His voice is familiar. Tumikhim siya.
"Speaking? Who's this?"
"It's Cole..."
Para siyang nabingi sa kanyang narinig. Pakiramdam niya'y nagkamali yata siya ng dinig. Sa pagkataranta pa'y nahulog niya ang kanyang cell phone.
"Oh god! s**t!" bulalas niya.
"Ahm, hello?"
Narinig niya ang malutong nitong pagtawa.
"Did you just drop your phone?"
"Ha? Hindi, a!" tanggi niya kasabay ang pagtampal sa kanyang noo.
Tumawa itong muli.
"How are you? Are you okay?" Kumunot naman ang kanyang noo. Base kasi sa boses nito, para itong nag-aalala sa kanya.
"Ha? Okay naman ako," sagot niya kahit medyo naguguluhan.
"Don Miguel called me last night. He said you're experiencing severe headaches. Did someone already checked on you? Did you take your medicine already? Are you having some hard time on your home study?" sunod-sunod na sabi nito at sa totoo lang, lumutang yata ang braincells niya.
"Teka, severe headaches?" ulit niya pa.
"Yes. Your grandfather is really worried about you. Too bad I am not there. I still have many things to do here and..."
"Wait. Okay lang ako. Kung ano man ang sinabi sa iyo ng Lolo Miguel, he was just exaggerating. I'm fine," aniya habang ang mga ngiti niya'y abot na hanggang tainga. Hindi siya makapaniwalang tumawag lang ito para kumustahin siya.
"You sure? Okay. Call me if something happens."
"Okay," tipid niyang sagot ngunit ang totoo, gusto na niyang maglupasay sa sobrang kilig.
"Take care Jenny," pahabol pa nito.
"Ikaw din," aniya.
Pinutol din naman nito agad ang linya. Doon siya napasigaw ng todo dahil sa sobrang saya. Cole called her and he is worried. Sino ba ang hindi mababaliw sa ganoon?
Dali-dali niyang tinapos ang pagsusuot sa kanyang sandal at agad na lumabas ng kanyang kuwarto. Dali-dali siyang lumabas ng bahay at nang makita niya ang kanyang Lolo Miguel ay walang pag-alinlangan niya itong niyakap. Humalik din siya sa pisngi nito.
"You're the best grandfather I've ever had!"
Napangiti naman ang matanda sa kanya sinabi.
"Did something happen?" maang-maangan pa nito.
"I just want to say, hindi ako galit at thank you."
Matamis itong ngumiti sa kanya at hinagkan ang kanyang noo.
Later, maybe she can sleep with a smile on her face. She was so happy at kahit sa ganoong paraan ang ginawa ng kanyang Lolo Miguel, she's contented.
IT'S been five days since Cole called her. Hindi naman na tumawag itong ulit pagkatapos siyang kumustahin nito. Hindi na iyon nasundan pa. Gustuhin niya mang mag-text o tumawag. Hindi naman niya magawa. Iniisip niya kasi, paano kapag tumawag siya? Ano ba ang sasabihin niya? That's awkward.
Tumayo siya mula sa pagkakahiga at isinuot ang kanyang roba. Hindi siya makatulog. Alas onse na ng gabi at tahimil na ang paligid. Sumilip siya sa bintana. Nagulat siya nang matanaw sa malayo ang isang pulang kotse na nakaparada sa labas ng kanilang gate.
Saglit siyang napa-isip. Wala namang Strada na kulay pula ang kanyang kuya Max, at isa pa nasa bakasyon pa ito kasama ang kanyang ate Grace. Isa rin sa ipinagtataka niya, bakit sa tapat ng gate nila ito huminto.
Sa sobrang curious niya'y lumabas siya ng kanyang kuwarto at naghanap ng payong. Malakas kasi ang ulan at medyo mahangin pa. Lumabas siya ng bahay na walang ingay at kahit gabing-gabi na, hindi man lang siya nakaramdam ng takot para silipin kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan.
Nang umabot siya sa gate ay napansin niyang tulog na tulog din ang kanilang guwardya. Ibig sabihin, hindi man lang nag-abala na bumusina ang may-ari ng sasakyan kung sakaling may sadya man.
Sumilip siya. Hindi niya maaninag ang driver sa loob. Tinted kasi ang bintana ng sasakyan nito.
Dahan-dahan niyang binuksan ang gate at lumabas. Bigla namang humangin ng malakas kaya mahigpit niyang hinawakan ang payong upang hindi ito liparin. Konti pang nabasa ang kanyang braso. Kinatok niya ang bintana nito. Nagulat pa siya ng bumukas ang sa kabilang pinto ng sasakyan. Umikot siya at sumilip.
"Iring ka!" bulalas niya dahil sa gulat nang biglang umilaw sa loob at ang mukha agad ni Cole ang bumulaga sa kanya.
"Hey, bakit ka lumabas?" mahinang wika nito. Binuksan niya ng todo ang pinto at pumasok sa loob. Itiniklop niya ang payong. Sunod ay isinirado ang pinto.
"Bakit hindi ka bumusina para mapagbuksan ka ng gate?" aniya.
"I tried but I think, tulog na tulog ang guwardya niyo. Wait, I'll park it there."
Binuksan nito ang makina ng sasakyan at pinatakbo ng konti. Ipinarada nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada kung saan hindi humaharang sa kanilang gate. Pinatay nito ang makina ng sasakyan.
"Tara sa loob," yaya niya.
"Wait," anito at kinuha ang traveling bag nito.
Umuna siya sa pagbaba sa sasakyan at lumipat sa kabila upang payungan nito. She suddenly held her breath when Cole wrap his right arm on her waist. Nagsimula nang magwala ang kanyang puso. Kagat na niya ang kanyang labi. Oo, masaya siya sa biglaang pagdating nito pero kung sasamahan pa ng ganito, mababaliw siya!
"Basang-basa ka na, let's stay close like this," anito at ngayon lang niya na amoy ang hininga nitong amoy alak.
"Nakainom ka ba?" tanong niya.
"Konti," sagot nito sabay ngiti.
Nang umabot sila sa pinto ay ito na rin ang nagbukas. Agad niyang ibinaba at itinabi ang payong.
"Kaya mong umakyat sa hadgan?" tanong niya.
"Help me."
Nagulat pa siya nang kabigin siya nitong muli at umakbay sa kanya. Hindi siya maka-imik o mas tamang sabihin na napipi na siya dahil sa halo-halong kilig na nararamdaman niya.
Tinulungan niya itong umakyat sa hagdan at dinala sa kuwarto nito. Pinaupo niya ito sa kama at kinuha ang bag na dala nito.
Bigla naman itong tumayo at kinuha ang bote ng brandy sa gilid ng kama. Nilagok nito lahat ang laman ng bote at saka humilata sa kama.
Napabuntong-hininga siya. Puna niyang may mabigat itong problema dahil totoo naman talaga, hindi maglalasing ang isang tao kung walang mabigat na dahilan at ganoon ang nakikita niya kay Cole. He looks so wasted. Na para bang pinagsakluban ng langit at lupa. Huminga siya ng malalim at kinumutan na lamang ito. Bukas na niya ito tatanungin.