J-14
"Jenny," tawag sa kanyang ng kanyang Lolo Miguel kaya agad niyang pinunasan ang magkabilang pisngi gamit ang kanyang mga palad.
"Bakit ka umiiyak?"
"Po? Hindi po, napuwing lang ako."
"Iba ang napuwing sa lumuluha, apo."
She was caught off guard.
"May gusto ka ba kay Doc. Lazarte?"
Agad na rumihistro ang pamumutla sa kanyang mukha. Malakas siyang tumawa.
"Ako? Magkakagusto sa kanya? Never!" aniya sabay talikod.
Tumawa ang kanyang Lolo Miguel.
"Hindi umabot sa mga mata mo ang iyong mga tawa, apo."
Humarap siya sa matanda.
"Alright, I gave up!" pagsuko niya at umupo sa kanyang kama. Umupo naman sa kanyang tabi ang kanyang Lolo Miguel.
"Well, Cole is a nice man, not just nice but a good catch. Wala akong masabi sa batang iyon kundi puro magaganda. A responsible man where I can really entrust you. Guwapo rin siya, apo."
Napangiti siya sa huling sinabi nito.
"Mas guwapo po kayo."
Hinaplos ng kanyang Lolo Miguel ang kanyang buhok.
"You've grown enough to know what's right and what's wrong. Hindi na ako magtatanong kung paano nahulog ang loob mo kay Cole. Well, you know, once you fell in love, it is really hard to explain why, when and how. It's just happened."
"Pero mahal pa rin niya ang yumao niyang asawa at alam kong hindi na iyon magbabago," malungkot niyang saad.
"You know what apo, I still love your grandmother too that is why I never got the chance to be with someone again because I chose not too. But with Cole? Sa tingin ko apo, nasa sa kanya pa rin ang pagpapasya kung may papapasukin siya sa buhay niya. Sa ngayon siguro nasasabi niyang hindi pero with that charm of yours, I think he will."
Bumuntong-hininga siya.
"Don't give me false hope Lolo."
Tinapik nito ang kanyang balikat.
"There are times that when you hope for something, especially when you truly desired for it and your heart is so kind to accept every circumstances. Everything will be okay and I know you'll end up happy. That's how I raised you. A strong and independent woman..." Tumigil ito at bahagyang tumawa.
"Except for being so stubborn sometimes and immature. But you showed to me that even if I always disagreed, you make sure that I will be proud of everything you do and I am sweetheart. I am proud of you."
Naluha siya sa sinabi ng kanyang Lolo Miguel at niyakap ito ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita Lolo," aniya.
"Me too, apo."
ALL the way from Cebu, Cole landed at the NAIA around seven in the evening. Paglabas niya sa airport. Isang one half illustration board agad ang bumungad sa kanya at may nakasulat pang, "Welcome Back Handsome". And it's so weird dahil ang kaibigan niya pang si Clayd ang may hawak nito habang prenteng nakasandal sa Lamborghini Aventador nitong sasakyan. Pinagtitinginan na ito ng mga tao. Natampal niya ang kanyang noo. Oh, he forgot! His best friend is a damn jerk and a teaser one!
Agad siyang lumapit sa kinaroroonan nito.
"What's that!?" kunot-noo niyang tanong sa kaibigan.
"Oh? This? Just a welcome sign board that surely will pissed you off. Is it effective?"
He smirks.
"Asshole! You looked like a gay," natatawa niyang ani.
"Sorry but you're not my type! Hop in!" ani Clayd at agad na itinapon sa basurahan ang dala nitong illustration board. Iling-iling na lamang siya sa kalokohan ng kaibigan at pumasok na sa loob ng sasakyan nito.
"How's Don Miguel?" agad na tanong nito nang nasa biyahe na sila.
"He is fine. Doing great and I guess, he is seizing every single moment together with her grandchild."
"Apo? Hindi ko alam na may apo pala si Don Miguel. Is she pretty?"
"Of course she is. Oh, do you remember? Iyong time na may sumipa sa pundasyon ng pupolasyon ko? Damn! That's her."
Grabe namang napatawa si Cole.
"Buti na lang at hindi naging balut!" asar pa nito.
"Tss!"
"Binigyan ka ba ng sakit ng ulo ng batang iyon? Wait, now I remember, Don Miguel's grandchild is nineteen years old. Young and sexy. Akala ko talaga anak niya iyong kasama niya noong unang beses na makita ko sila."
Umiling-iling siya.
"She's a stubborn kid."
Tinawanan naman siya nito.
"Why? She still fits on your type."
"Shut up."
Muli itong tumawa at nilubayan na siya sa pagtatanong. Itinuon niya sa labas ng bintana ang kanyang mga mata. He is worried. Hindi niya lang masabi sa kaibigan pero nag-aalala siya. Honestly, he was hesitant to go back here in Manila but the fact that he had his own business to take too, he can't stay longer. Doctor siya at maraming naghihintay sa pagbabalik niya sa hospital. Marami siyang appointments na na-ipasa sa mga kasamahan niya sa hospital at kalabisan na iyon kung pababayaan niya pa pati ang mga naka-schedule niyang surgery. Kung hindi lang talaga siya napilit ni Cole na bumalik sa hospital. Maybe he'll be at his gym forever. Well, hindi naman siya bored doon pero naging interesting kasi sa kanya si Don Miguel at ang kalusugan nito. Lalo na siguro ngayon na napalapit na rin ang loob niya kay Jenny. Now he was thinking, how is she right now? Is she seeing Javier?
"LAST na lang ka! Ugh!" Na-ibato ni Jenny ang hawak niyang joystick. Kanina pa kasi niya pilit na kinukuha ang highest score sa nilalaro niyang Turbo. Inaya kasi siya ni Mirasol sa bahay nito. Actually, laptop niya ang gamit nila sa paglalaro. Balak din kasi ni Mirasol na hiramin ito dahil sa gagawing project. Nag-advance classes kasi ito kaya mas nauna itong maging aligaga kaysa sa kanya.
"Señorita, juice niyo po," anang Mirasol.
"Salamat. Heto, ayaw ko na maglaro. Baka masira ko lang iyang laptop ko." Ibinigay niya kay Mirasol ang joystick.
"Nasaan nga pala si Doc Lazarte, Señorita? Hindi ko po yata siya nakikitang tumatakbo tuwing umaga."
"Umuwi na sa kanila pero babalik din naman iyon, siguro..."
Mataman naman siyang tinitigan ni Mirasol.
"Bakit po parang malungkot kayo?"
Natigilan naman siya.
"Ako?" Itinuro niya pa ang kanyang sarili at malakas na tumawa.
"Hindi, a!" tanggi niya. Tumango-tango naman ito.
"May asawa na ba si Doc. Lazarte, Señorita? Pasensiya na po kayo ha pero ang guwapo niya lang kasi masiyado para maging single," ani Mirasol kasabay ang paghagikhik nito.
Hindi naman niya maiwasang mapakunot ng noo. She's jealous.
"Biyudo siya," sagot niya.
"Ay, kawawa naman pala si Doc."
"Wala ba siyang balak mag-asawa ulit?" ani Mirasol habang nagingislap pa ang mga mata.
"Wala na yata," matabang niyang sagot.
"Ay, sayang naman."
"Crush mo?" diretsang tanong niya kay Mirasol. Namilog naman ang mga mata nito.
"Nako señorita, hindi po! May nobyo na po ako. Kaya ko lang po tinatanong kasi bagay kayong dalawa e," paliwanag pa nito.
"Talaga ba?" aniya.
Ngumiti ito at tumango. Bumuntong-hininga naman siya.
"Malabo iyon Mirasol. Hindi iyon papatol sa bata," aniya kasabay ang pekeng pagtawa.
"Uso na kaya ngayon ang age doesn't matter señorita," anito pa.
"Kahit pa Mirasol. Hindi naman lahat ganoon."
Hindi naman na nakipagtalo pa si Mirasol sa kanya at tumahimik na lamang. Totoo naman ang kanyang sinabi. Malabong magustuhan ni Cole ang isang gaya niya. Oo, may kaya siya, may itsura at may ibubuga ang katawan pero kung puso na ang labanan. Talong-talo siya do'n. Ano nga ba ang laban niya do'n? Kahit pa sabihing, she got all the charm? It will still be useless.