“Seriously? Kanina mo pa tinutugtog ‘yan,” natatawang sabi ko habang nakatingin sa stereo ng kotse kung saan paulit-ulit na nag-p-play ang kantang ‘Stay’. Natawa naman si Nathan. “Wala lang. Maganda, eh. Kantahin mo nga ulit.” “You’ve got to be kidding me, Nathan,” naiiling na sabi ko at lumingon sa labas ng bintana ng kotse. Nandito pa rin kami sa Antipolo. Nakatambay sa loob ng kotse niya na naka-park sa gilid. Madilim pa rin ang paligid at malamig ang hangin, kaya hindi na ako nag-abala pang hubarin ang jacket niya. Tinatamad pa kaming umuwi at saka mas masarap tumambay rito. Tahimik lang kami habang nakikinig sa tugtog mula sa stereo. Mayamaya pa ay nagsalita ako. “Hindi ka pa ba inaantok?” tanong ko at nilingon siya. Nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng kotse at nakapikit